Nagpaalam siya sa kasambahay at sinabihan na rin niyang umuwi na ito para makapagpahinga, saka na siya nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Wala siyang idea kung bakit napasugod si Atasha sa bahay niya at naghintay pa sa kanya ng ilang oras, kung alam lang niyang nasa bahay si Atasha kanina pa sana siya umuwi galing Vincebar. Pagpasok sa loob nadatnan niya si Atasha na nakaupo sa malaking sofa, nakayuko ito habang nakatuon ang atensyon sa magazine. Huminto siya sa pag hakbang, pinagmasdang mabuti si Atasha. Atasha is wearing a gorgeous silk wrap mini dress na may tali sa harapan, nala crossed legs ito kaya naaaninag niya ang magagandang binti nito na lalong nagpatingkad sa kaputian nito ang mala berdeng kulay ng suot nito. Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya habang pinagma

