Atasha-47

2031 Words

"Wala man siyang naalala kahit isa sa mga sinabi ko sa kanya, hindi rin niya naalala kung paano ko siya iningatan kagabi, habang lasing ito!" Inis na bulong niya habang nagtatanggal ng neck tie, pagpasok sa loob ng sariling silid. "Ang dami kong sinabi sa kanya, inamin ko na nga kung gaano ko siya kamahal, tapos hindi man niya maalala!" Patuloy niya at inihagis pa ang coat nang mahubad iyon. "Kainis talaga!" Nais niyang sumigaw sa inis na nararamdaman. Naglakas na siya ng loob kagabi na aminin rito na mahal niya ito tapos wala man lang itong maalala. Paulit-ulit niyang sinabi kay Atasha na kailanman hindi nawala ang pagmamahal niya rito. Hindi nga niya magawang iwan ito kanina, nais niyang pagmulat nito ng mga mata siya ang makita nito, at pag usapan nilang muli ang nangyari sa kanila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD