Sa ikalawang pagkakataon naangkin niya si Atasha, hindi niya lubos maisip na magaganap ang ikalawang pag angkin niya rito sa mismong opisina niya, sa maliit na sofa na naroon, oras pa ng trabaho niya. "I love you, Nico. Mahal na mahal kita," narinig niyang sabi ni Atasha sa kanya nang kapwa na nila naabot ang langit. Hinihingal siyang nag angat ng ulo at napatitig kay Atasha na nakapikit ang mga mata at lumuluha. Hindi niya alam kung para saan ang mga luhang patuloy na pumapatak sa mga mata nito. "Atasha," he called and wiped her tears. Nagbukas ito ng mga mata, agad niyang hinaplos ang maamo nitong mukha. "Atasha, can you say it again," he said. "Say what? That I love you, Nico," tugon nito kasabay ng pagpatak ng luha nito. Ang mga salita iyon ang matagal na niyang hinihintay na mu

