Mabilis na lumipas ang mga araw naging busy si Nico sa trabaho nito, kaya naman naisipan niyang pumasyal sa bahay ng Daddy niya, matagal-tagal na rin naman nang huling dumalaw siya roon, kahit na magkalapit lang sila ng asyeda ng ama, hindi pa rin siya nakakadalaw ng madalas, dahil iniiwasan niya ang madrasta at si Karina. "Wala ang Daddy mo rito nasa taniman," masungit na salubong sa kanya ng madrasta. "Kukunin ko lang ho si Zimba," tugon niya. Kung wala ang Daddy niya sa bahay, wala siyang balak na mag stay roon ng matagal. "Mabui pa ngang kunin mo na ang lahat ng gamit mo rito, Atasha para wala ka nang binabalik-balikan pa rito," sabi pa ng madrasta sa kanya. Tumango lang siya, sabay talikod na para lumabas na ng bahay at kunin na si Zimba sa kwadra nito. "Bakit andito ka?" Tanong

