DOROTHY SAGE'S POV Pinukpok ko si Real sa ulo gamit ang aking kamao habang naglalakad kami papalapit sa motor niya matapos niyang sirain ang araw ko. "Wala ka na talagang ibang maisip no? Pati ba naman paglambitin sa puno na nasa may bangin ay gagawin mo?!" Inis kong singhal nito bago napatingin sa kanyang paa kung saan isang sapatos na lang ang suot niya. Kahit kailan talaga! "At least you're going out with me," aniya habang nakangiti na para bang wala siyang nakakakabang ginawa kanina. Hindi ko na pinaalam sa mga kapatid ko ang tungkol sa biglaang pagdating ni Real dito. Sinabi ko lang sa kanila na hindi maganda ang pakiramdam ko at gusto ko nang maunang umuwi. Before they could ask something else that will complicate my situation, I hurriedly ran away from the place and met Rea

