DOROTHY SAGE'S POV "Ay kaloka! Ano ba 'yang ginagawa mo, Doti-girl?!" Singhal sa akin ni Divine nang makita niya akong pilit na binababa ang suot kong dress. "Divine, hindi ba 'to masyadong revealing?" Nag-aalala kong tanong sa kanya na ikinaismid nito. "Anong revealing pinagsasabi mo? Likod mo lang ang revealing diyan!" Aniya atsaka ako sapilitang pinaharap uli sa kanyang salamin. Dapat kasi hindi na ako lumapit kay Divine eh, dapat nagpatulong na lang ako sa nanay ko. Pero wala eh, busy masyado si mama sa sarili nilang firm ni dad lalo na't sunod-sunod ang projects nila ngayong taon. "Black backless dress ang bagay na bagay sa'yo kasi maputi ka," komento niya atsaka ako pinagmasdan sa repleksyon. I'm wearing a black long sleeve dress with v-neckline. At tulad ng sinabi ni Divine, b

