DOROTHY SAGE'S POV "REALIOUS CASH?! Anong nangyari sa'yo?!" Bungad ko sa kanya nang buksan ko ang pinto ng apartment. Kakadating lang ng ilang pinamili naming bagong gamit kanina kay abala ko maghapon sa pag-aayos. Nakakapagod pero nang matapos ko ito ay hindi ko rin maiwasang matuwa. But then after seeing Real coming home like this, hindi ko talaga maiwasang mataranta at magulat. Sino naman ang hindi matataranta at magugulat kung uuwi ang nobyo mo nang may sugat, pasa, at galos sa katawan?! "This is nothing--aw." Napangiwi ito sabay hawak sa kanyang tagiliran. Nang itaas ko ang suot niyang damit, hindi ko maiwasang mapasinghap nang makita ang kulay ubeng pasa doon. "S-Sino ang gumawa sa'yo nito?! Ha?! Sin--" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang may bigla na lang pumasok s

