DOROTHY SAGE'S POV "Hi, Dorothy!" Bungad sa akin ni Ate Tanya nang makapasok na kami sa loob ng bahay nila. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin na kaagad ko namang sinuklian. "Real." She greeted Real as well ang embraced him before we went straight into their living room. Ngayon ko lang ulit nakita si Ate Tanya mula nong kasal niya kaya heto at nag-umpisa na itong magkwento sa honeymoon trip nilang dalawa ni Kuya Rex habang ang dalawa naman ay nasa may kusina, hinahanda ang mga nilutong pagkain ni ate. "Kamusta kayo ni Real? Nabalitaan ko ang nangyari mula kay Rex." I pressed my lips firmly before saying something. "Ayos na po kami, ate, wag po kayong mag-alala." Ate Tanya showed me her warm smile. "You know what, Dorothy? Matagal ko nang napapansin na may gusto talaga

