REALIOUS CASH'S POV "Real, ilang minuto mo nang tinitigan ang journal na 'yan." Rinig kong wika ni Rex habang pareho kaming nag-iimpake dito sa mismong bahay niya. I stayed here over the weekend with Dorothy at dahil holiday kinabukasan, naisipan ni Rex na samahan ko siyang magtrekking ngayon. He loves trekking, if Rex is out on a holiday, walang duda nagtetrekk ito. "Nothing, it's just that this journal is precious to me," sabi ko bago tuluyang sinara ang aking bag. Kinuha ko ang journal atsaka ito itinago sa loob ng drawer dito sa guest room nina Rex kung saan kami natulog ni Dorothy. She's not here today. Hinatid ko siya kanina sa bahay ng mga magulang niya dahil ayaw niya namang sumama sa trekking naming dalawa. Hindi niya raw kayang umakyat ng bundok, kaya hindi ko na ito pinilit

