DOROTHY SAGE'S POV Katabi ko ngayon si Ulysses at Vinny habang nakatanaw kami sa private plane na nasa aming harapan. Sabay naming nilingon ang ambulansya na nag-escort kay Real dito sa airport. Nang makita kong inilabas na siya roon ay kaagad ko itong nilapitan. Andito ang buong pamilya niya at ang buong Dela Franca. Sumama ako patungo sa private plane. Real is still unconscious up until this day. It's been 3 months and 15 days. "Dorothy, anak." Wika ni Tita Analize atsaka ako niyakap nang mahigpit na kaagad ko namang sinuklian. "I will send you updates from time to time." "Thank you po, ingat po kayo sa biyahe." "We will, thank you hija. Salamat sa lahat ng nagawa mo para sa anak ko." I pressed my lips firmly before accepting her hug for the last time. Hinarap ko rin si Kuya Rex

