DOROTHY SAGE'S POV "Guys! Guys may nag-aaway sa covered court!" "Ha?! Tara puntahan natin." "Tara!" "May suntukan?" "Oo, lika na!" Kunot-noo akong napatingin sa ilang grupo ng mga estudyanteng isa-isang lumabas sa venue hall namin, but most of them stayed here. Kadalasan sa mga lumabas ay yung mga freshmen, halatang mas naintriga sa bagay na 'yon. "Doti!" Mabilis akong napalingon kay Divine nang isigaw niya ang pangalan ko habang tumatakbo papalapit sa direksyon namin ni Unice. I saw how Divine looked at my friend before shifting her gaze at me. Hinihingal ito bago niya ako mabilis na hinawakan sa aking magkabilang balikat. "Suntukan... doon..." Kapos hininga niyang sambit sabay turo sa labas. "Divine huminahon ka muna, ano ba ang nangyari?" Taka kong tanong at si Unice na n

