5: You Can't Stop Me

2201 Words
DOROTHY SAGE'S POV Hindi ko siya nakitang pumasok ngayong araw, ni kahit anino nito. "Hindi ko alam na Dela Franca pala 'yang Real na kaibigan mo, at mas lalong now ko lang nalaman na anak pala 'yan ng mayor! Kaloka, now I know." Rinig kong wika ni Divine sa aking tabi habang naglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Napahinga ako ng malalim matapos kong hugasan ang aking mga kamay sa lababo dito sa loob ng women's restroom ng paaralan namin. "Pero alam mo? Type ko talaga siya eh, sana wala pa yung girlfriend noh?" "May boyfriend ka na, diba?" Tanong ko sa kanya kaagad. "Oo, pero crush-crush lang naman yung tingin ko sa kaibigan mo. Hindi ko papatulan 'yon no, may girl code tayo." Kaagad akong napailing sa sinabi niya bago kumuha ng sandamakmak na tissue sa gilid dahil ewan ko ba at bakit nasira ngayong araw ang hand dryer dito. "Girl code ka diyan, maaapply lang 'yan pagdating kay Ulysses dahil siya ang gusto ko at hindi si Real." Pagsasabi ko ng totoo pero nang sabihin ko ang huling kataga hindi ko maiwasang maalala ang huling ugnayan naming dalawa nong nasa mansyon ako ng mga Dela Franca. I shove those thoughts away as we headed back to our classes. Excited ako sa susunod kong klase dahil kaklase ko sina Divine at Drake at pati na rin si Ulysses. Ito lang ang nag-iisang subject kung saan kaklase ko silang lahat. "Hi," isang mabango at gwapong lalakeng ang kaagad na sumalubong sa akin sa hallway pagkalabas ko ng restroom. My smile immediately grew wider when I see him as he took my bag and carry it for me. Noon ko pa pinapangarap na dalhin ni Ulysses ang bag ko habang naglalakad kami sa hallway ng paaralan, at ngayon nagkakatotoo na 'to. "Hi." Nakangiti kong saad sa kanya bago ito hinayaang hawakan ang isa kong kamay. "Excuse me, dadaan ang third wheel." Biglang lumusot si Divine sa gitna namin ni Ulysses dahilan upang magkahiwalay kami saglit. Napailing na lang ako habang pareho kaming natawa ni Ulysses sa kabibohan ni Divine na ngayon ay nauna nang pumasok sa loob ng klase namin. "How's you first 2 major subjects?" Tanong sa akin ni Ulysses habang mahigpit na nakahawa sa kamay ko. "Ayos lang naman, pero hindi ko ineexpect and pasurprise quiz ng huli naming professor." I rolled my eyes in annoyance as I remembered how she gave us a 30-item quiz kung saan kalahati nong mga tanong ay hindi pa naman niya naidiscuss. Buti na lang talaga at mahilig akong magbasa-basa kaya kahit papano ay may naisagot ako sa ilang tanong. "That's college, there's nothing new about that. But I know you did well about that quiz, ikaw pa?" I smiled sheepishly as to what he said before we finally got inside the room. Ngunit sa pagpasok naming dalawa ni Ulysses, hindi ko maiwasang mapahinto saglit nang makita ko ang isang taong hindi ko inaasahang papasok pa. "Real, buti at pumasok ka sa klase natin ngayon," wika ni Ulysses habang papalapit na kami sa direksyon niya. Real is sitting beside my seat so I can't help but to swallow my own saliva silently. "I can't miss the class where you also belong, Nate." Tugon nito dahilan upang mapangiti kaagad si Ulysses. I saw how Real looked at my bag hanging against Ulysses' shoulder down to our intertwined hands. Napatitig siya doon ng ilang segundo bago napatingin ng deretso sa aking mata. And when our eyes met, I felt strangely uncomfortable with his stares before I immediately looked away. "P-Pwede kang umupo sa tabi ni Real, kung gusto mo," sabi ko kay Ulysses nang ilapag niya ang aking bag sa bakanteng upuan katabi ni Real. "But this is your seat, right?" He asked. "Ayos lang naman na magpalit tayong dalawa." "Silly, it's fine, you can sit next to him. Tahimik lang 'yan si Real tuwing klase, you won't be bothered I promise." Mabilis akong napakurap nang hawiin ni Ulysses ang ilang hibla ng aking buhok atsaka ito inilagay sa likod ng aking tainga. He gave me his sweet smile before taking his next to me, kaya ang kinalabasan ay pinaggigitnaan nila akong dalawa. I held unto my notebook as I took my seat, fighting my urge not to look at my left side where I can totally sense Real's eyes on me. Biglang nagharumento ang puso ko ngayon magkatabi na kaming dalawa buong klase. The duration of this class is 2 hours long, kaya dalawang oras din akong hindi kumportable dito sa tabi niya. Buong klase magkahawak ang kamay namin ni Ulysses sa ilalim ng mesa. I am typing some notes on my iPad using my left hand while Ulysses is typing his notes using his right hand. I was about to forget Real's presence beside me when my pen fell into the floor. Nang yumuko ako para kunin ito, nagulat na lang ako na imbes yung ballpen ang mahawakan ko, kamay ni Real ang una kong naramdaman. I was too stunned on how our hands touched kaya wala sa huwisyo akong napatingin sa kanya na sana ay hinid ko na lang ginawa. Since both of our head is under the table, I saw how Real's face is just less than an inch closer to mine. Muli akong natigilan kung gaano siya kalapit sa akin. "Let's talk after this." He whispered and I felt his minty breath touches my lips which made me almost gasp. Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko atsaka ipinasa ang ballpen na nahulog bago bumalik sa pagkakaayos ng upo sa silya niya. And since then, I haven't made a note for that entire lecture. "DOROTHY." Natigilan ako matapos kong iparada ang aking motor sa parking lot ng apartment building kung saan ako kasalukuyang tumitira. Muntikan ko nang mabitawan ang hawak kong helmet nang makita ko si Real na naka-abang sa labas ng building. How the hell did he knew I live here? "We need to talk." "Busy ako, marami akong activities na kailangang tapusin kaya umuwi ka na lang. Bukas na tayo mag-usa--" "Stop ignoring me and let's talk. We need to talk about the kiss." Deretsahan nitong saad dahilan upang manlaki ang aking mga mata sa gulat. Kaagad akong napatingin sa buong paligid dahil ang lakas nang pagkakasabi niya non. "Real, ano ba?! Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na hinaan mo ang boses mo tungkol sa bagay na 'yan?!" Buong diin kong sambit bago ito mabilsi na hinila sa gilid. No. Someone might still see us here. Halos lahat ng mga apartment owners ng building na 'to ay galing sa unibersidad na pinapasokan namin. Madali lang nilang makilala si Real dahil kilala na kaagad 'to sa halos lahat ng department. "Bukas na lang, okay? Or you can just text it to me, madali lang naman 'yan gawin." "No, we need to talk now. Right here and right now." Napairap ako bago muling napatingin sa buong paligid. Nang may isang sasakyan ang paparada sa parking lot, mabilis kong hinila ang kamay ni Real atsaka kami pumasok sa loob ng building. I tiptoed and put his hoodie on before dragging him towards the elevator. "Yumuko ka at huwag mong ipapakita ang mukha mo." Inis kong bulong dito habang hila-hila papasok ng elevator. A group of girls went out and immediately looked at his direction. Pero dahil nakayuko ito at may takip sa ulo nang dahil sa hoodie niya, hindi nila nakita ang mukha ni Real. Pero hindi parin maiiwasan na mapatingin sila sa direksyon nito dahil matangkad at malaking tao si Real. Agaw pansin talaga and postura niya. "Where are you taking me?" "Ano ba? Diba sabi ko iyuko mo lang ulo mo?" Niyuko ko ang ulo niya atsaka ito mabilis na hinila ulit papalabas ng elavator atsaka kami pumasok sa loob ng apartment ko. Inis kong nilock ang pinto atsaka inilapag ang aking bag at helmet sa ibabaw ng aking center table bago hinarap ni Real na ngayon ay tinitignan ang buong paligid ng apartment ko. "We're here, now talk." I said as I crossed my arms against my chest while looking at this giant. "About the kiss." Napalunok ako kaagad nang banggitin niya ulit iyon. "And my confession, I just want to tell you that I didn't regret doing those at all." Dagdag niya dahilan upang matigilan ako. Ano? Hindi niya pinagsisihan na ginawa niya 'yon? Tama ba ang dinig ko? "And that I'm serious about you and about my feelings. Once again, I mean it." Kaagad na kumunot ang aking noo sa sinabi niya bago magsalita. "So, I want to court y--" "You better stop right there." I said, cutting him off. "Bakit?" "Bakit? Talaga bang tinatanong mo sa'kin kung bakit?" Hindi makapaniwala kong saad sa kanya. But then Real just tilted his head to the side. "Realious Cash, first of all, Ulysses is courting me. Second, I like him. Third, you knew that I like him so why are you still doing this? Forth, this is insane! This. Is. Insane!" Kung susundin niya parin ang gusto niya at kung matigas parin ito, mas lalong kokomplikado ang sitwasyon ko. Ayos na eh, ayos na ang buhay ko simula nong magpasyang ligawan ako ni Ulysses. It feels like my life is starting to revolve on its very own orbit, that finally, something is improving! But then Real... Real complicates things and I don't know if I can stop him from doing it. Mula noon hanggang ngayon, kung may isang tao man akong hindi kayang kontrolin, si Real 'yon. It's him for sure. "So? Can't I court you?" "No! Definitely, not! You can't court me." Katahimikan... Bigla na lang itong nag-iwas ng tingin atsaka tinignan ang buong apartment ko. He went into my living room, he looked at my kitchen, hinawi niya ang kurtina ng apartmen ko atsaka tinignan ang labas, he even open the door of my room but he doesn't step inside. "Real, nakikinig ka ba sa'kin?" "Yes and no." "What?!" "Yes, I'm listening and no, I won't accept your rejection." WHAT?! He's crazy! "REALIOUS CASH DELA FRANCA! Hindi nga pwede ang gusto mo! You'll complicate things!" Inis kong sigaw nito bago niya ako tuluyang hinarap matapos niya akong tratuhing hangin kanina lang. "You got a nice apartment. I should've stay here rather Nate's apartment building." "Ugh! You're unbelievable! Bakit ba ayaw mong makinig sa akin?" Nakakuyom na ang dalawa kong kamao, salubong ang dalawang kilay at ramdam kong pumupula na ang magkabila kong pisngi. Nang maramdaman ko ang titig niya sa buo kong pagkatao, unti-unti akong napapaatras nang unti-unti ring itong humahakbang papalapit sa akin. Nang tuluyan na akong napasandal sa pader, halos maipikit ko ang aking mga mata nang ilagay ni Real ang isa niyang kamay sa pader. I gasped when he leaned closer, leveling our face to each other before saying something. "Princess, I always listen, but sometimes I only chose the things I wanted to understand. And none of your words makes me want to understand it." Bulong niya habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata. "Masyado kang malapit." "Alam ko, diba ganito rin kalapit si Ulysses sa'yo kanina?" Nanlaki ang aking mga mata sinabit nito nang maalala ko ang huling pagkikita namin ni Ulysses sa university bago ako naunang umuwi. Nakita niya 'yon? "We're both courting you so isn't it just right to be fair on both parties?" Napalunok ako sa sinabi niya at hindi maiwasang maramdaman ang unti-unting pagharumento ng aking dibdib. "Real, I haven't given you the word to let you court m--" Hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang hawakan niya ang labi ko. Real stared at my lower lip as he brushed it using his thumb down to my chin until to my throat. I saw how his Adam's apple waved when he stares at me neck back to my eyes. "By the way, the kiss? I love it," aniya bago unti-unting inilapit ang kanyang labi sa bibig ko. "Let me taste it agai--" Hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin nang sampalin ko ito sa pisngi. Natigilan ito sa aking ginawa at bago pa man ito mapalingon sa aking direksyon ay kaagad ko itong itinulak papalayo at paalis ng apartment ko. "Umalis ka na!" Inis kong sambit sa kanya matapos kong buksan ang pinto ng aking apartment. "Dorothy, I didn't mean to--" "Alis!" I shut the door right in front of his face and immediately locked it. Mabilis kong tinungo ang aking silid atsaka sumigaw sa unan ko dahil sa matinding inis na nararamdaman ko ngayon. I stayed inside my room for an hour before I finally decided to get up. Nang magpunta ulit ako sa sala, biglang umilaw ang cellphone ko kaya kaagad ko itong tinignan. Nang mabasa ko ang pangalan ni Real sa inbox, parang biglang tumaas ang dugo ko. Real: I left my bag on your place. Can I get it later? I have assignments to do. "AAAAHHHHH!" Inis kong sigaw matapos kong makita ang bag nito sa sahig ng aking apartment. Kaagad akong nagtype ng message sa kanya. Dorothy: Fine! Tinapon ko ang cellphone sa sofa bago nagtungo sa aking kusina para magluto. That devil will visit my realm once again!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD