DOROTHY SAGE'S POV "Ma, bridal shower ang pupuntahan ko, hindi corporate meeting." Reklamo ko nang ipakita niya sa aking dala niyang coords. "San ba ang location niyan? May mga stripper ba don?" Sunod-sunod niyang tanong sabay upo sa higaan ko. Today is Saturday at ngayon na mismo ang bridal shower ni Ate Tanya. Dito na rin ako dumiretso kagabi galing university, babalik lang ako sa apartment ko bukas. "Dapat alam mo na ang sagot niyan, ma, kinasal ka ako hindi." Pilosopa kong sagot dahilan upang makatanggap ako ng kirot sa may singit na ikinangiwi ko. "Ma, naman, baka magkapeklat ako rito," sabi ko sabay hagod sa aking singit. "Oh, kailan ka uuwi?" Suplada nitong tanong habang inaayos ang nakalugay kong buhok sabay spray ng pabango sa aking likuran. "Pagkatapos po," sagot ko sa k

