DOROTHY SAGE'S POV "Dorothy, hija!" Isang mahigpit na yakap ang kaagad na sinalubong sa akin ni Tita Verona pagka-apak naming dalawa ni Real sa malaking yate na pagmamay-ari niya. "Halika! Akin na ang bag mo." Hindi na ako nakatanggi pa nang bigla na lang niyang kunin mula sa aking ang bag ko. "Please put Dorothy's belongings inside, thank you," utos niya sa isang lalake bago ako iginiya papunta sa pinakatuktok ng yate kung saan ko makikita sina Tito Ross, Tito Vander, at Tito Vincenzo. "Tumabi nga kayo, hindi kayo gentleman ah," wika niya sa mga kapatid at pinsan na si Tito Ross kaya nagsialisan kaagad ito atsaka tinungo ang mini bar. "Uhm tita, tayo-tayo lang po ba ang pupunta sa isla?" "Hindi hija, kasama natin ang mga pinsan ni Real-- teka nasan na ba ang mga batang 'yon? Oh, the

