DOROTHY SAGE'S POV Tumulo ang luha ko habang nakatingin sa aking cellphone dito sa loob ng isang guest room kung saan ako dinala ni Real. Laman kasi kaagad ng isang local news article and tungkol sa merging ng resort nina Ulysses. "A-Anong ginagawa mo?" Nauutal kong tanong nang biglang kunin ni Real ang cellphone ko atsaka niya ito binulsa. "Gusto mo bang mamugto pa lalo iyang mga mata mo?" Kunot-noo nitong sambit sa akin. Real is now wearing something casual at kita kong may bitbit na itong paperbag sa isa niyang kamay. Nang makita niyang napatingin ako doon, kaagad niyang inilahad sa akin ang dala niya. "Wear this, your dress seems uncomfortable," aniya nang makitang hapit na hapit sa may bandang dibdib ang aking duot. Pinunasan ko kaagad ang luhang kumawala sa aking pisngi atsak

