Chapter 6 – True Friends
pag katapos banggitin ng lalaki ang pangalan ng babaeng hinahanap nya, mag kahalong takot, gulat at lungkot ang bumalot sa puso ni Izumi.
Dahil hindi siya makapaniwala, na mismong mga itinuturing nyang kaibigan ang mag papahamak pala sa kanya.
Sila Emi at Hana naman ay tila, naguluhan sa mga sina-sabi ng lalaki, dahil nga sa pag kaka-alam nila, si Izumi ay girlfriend ni Kazue.
(Muling nag salita ang lalaki)
Lalaki: “oh? hindi na kayo nag salita? Ah baka naman kasi dahil hindi ko pa nasasabi ang pangalan ko? Masyado kasi akong nalibang sa pag titig sa inyo” (dumila sa kanyang labi)
Lalaki: “tutal pakiramdam ko magiging mag kakaybigan tayo, tawagin nyo nalang akong Marco
Marco: “ngayon uulitin ko, at gusto ko at sana sa pag kakataon na to ay mag salita na kayo para naman hindi na tayo matagalan pa” (ngumiti)
Marco: “may kilala ba kayong Izumi Aya Fugiwara?”
At sa pag kakataon na un, napansin ni Izumi ang takot sa mukha nila Emi at Hana, kaya naman naisipan nalang ni Izumi na mag salita at sumama ng tahimik sa lalaking nag hahanap sa kanya.
Ngunit bago pa makapag salita si Izumi, ay bigla naman nangyare ang hindi niya ina asahan.
(nag salita si Emi at Hana)
Emi: (nag salita gamit ang katamtamang boses) “wala!, wala kaming kilalang Izumi, kaya mabuti pa umalis ka nalang bago kami tumawag ng guard!”
Hana: (bahagyang sumulyap kay Izumi, tapos tumingin sa lalaki at nag salita) “Tama! wala kaming kilalang Izumi, at kung sakaling kilala man namin ung babaeng hina hanap mo, hinding hindi namin sasabihin sayo kung nasan siya”
Marco: “aba hindi ko gusto ang tabas nang dila nyo ah (medyo na irita) alam nyo sa totoo lang, ayaw ko naman talaga ng gulo e, at sinu subukan ko lang kayo, kasi bago ko pa kayo kausapin may nag sabi na talaga sakin kung sino sa inyo ung babaeng hina hanap ko”
(nagulat si Emi at Hana, sabay itinuro ni Marco si Izumi)
Izumi: (tumulo ang luha sa kaliwang mata sa takot) “natatakot ako, di ako maka galaw” (bulong niya sa sarili)
Marco: (habang naka turo kay Izumi) “ikaw! (tumingin mula ulo hanggang paa) mas maganda ka pala sa personal kaysa sa picture, sumama ka sakin at mahal ang binayad ko sayo” (sabay nag lakad si Marco papalapit kay Izumi)
Ngunit bago siya tuluyang makalapit bigla namang humarang si Emi at Hana sa dadaanan nya.
(bagamat na nginginig na rin sa takot si Emi at Hana, ipinakita nila sa kanilang salita na wala silang balak ibigay si Izumi kay Marco)
Emi: “teka lang, kaibigan namin siya at hindi kami puma payag sa gusto mong mangyare”
Hana: “tama, hindi ka namin kilala, at mukang wala rin naman balak sumama sayo ang kaibigan namin, kaya buti pa umalis ka nalang”
Lalong uminit ang komprontasyon sa pagitan nila Emi at Hana, laban kay Marco na gustong makuha si Izumi.
Habang si Izumi naman ay hindi makapaniwala sa tapang na ipina pakita nila Emi at Hana kontra kay Marco.
Izumi: “bakit?, bakit nila ako prino protectahan?, hindi ba sila natatakot na baka masaktan rin sila?” (salita sa kanyang isip)
Izumi: “ayos lang ba? Ayos lang ba na wala akong gawin? Ayos lang ba na hayaan ko silang lumaban para sakin?”
(tapos biglang pumasok sa isip nya ang mga sinabi ni Emi at Hana bago pa dumating si Marco)
(Flashback)
Emi: (naka ngiti) “kanina mo pa kami kaibigan, wag kanang malungkot”
Hana: (naka ngiti) “tama at hindi lang kami, pati si Dustine, Ren at Akira”
(End of Flasback)
Izumi: (bumulong sa sarili) “salamat” (pag katapos ay yumakap sa likod ni Emi)
Emi: (bahagyang nagulat at nag salita) “ayos ka lang ba Izumi?”
Izumi: (hindi nag salita at hinigpitan lang ang kapit kay Emi)
Marco: (nakita na parang nag papasaklolo si Izumi okay Emi) “aba talagang inu ubos nyo ang pasenya ko ah”
Marco: “Pwes wala na akong magagawa kundi gumamit na nang dahas!” (sigaw ng lalaki sabay ang pag lapit ng kamay niya sa muka ni Emi)
(at sa ginawang un ng Marco, wala ng nagawa si Emi at pumikit nalang nang biglang, isang familiar na boses ang narinig nya)
Emi: (dahan dahang dumilat at nag Salita) “Dustine?”
Dustine: (hawak hawak ng madiin ang braso ni Marco) (sabay tumingin ng masama sa kanya) “sige subukan mong hawakan si Emi, at sisiguraduhin kong mag aaral kanang sumulat gamit ang kaliwa mong kamay” (nagulat si Marco at napa atras)
At nang napansin ni Kazue, si Izumi na may na mumugtong mata, kakaibang galit ang naramdaman ni Kazue.
Kazue: “ikaw! Pina iyak mo si Izumi!!!! (at mula sa kaliwa ni Marco naka tanggap ito ng isang malakas na suntok galing kay Kazue) (BANG!)
Dustine: (inawat si Kazue) “Kazue tama na, ayos na, okey na yan”
(bumagsak si Marco at napa upo sa sahig) (sabay tinitigan ni Marco si Kazue na nang gigigil parin sa kanya)
Marco: “malakas kang sumuntok bata, pero tandaan mo to, may araw ka rin”
At pag katapos sabihin ni Marco ang mga salitang un kay Kazue, bigla naman ang dating ni Ren at Akira kasama ang dalawang guard sa park at isang police at dun ay na awat na ang tension.
Lahat silay sabay sabay pumunta sa guard house ng park at duon ay isinumbong nila Emi at Hana ang mga pang haharass sakanila ni Marco.
Hindi naman itinanggi ni Marco ang mga akusasyon laban sakanya kaya naman agad natapos ang pag uusap at pinakawalan rin silang lahat, sabay idinertcho naman sa estasyon ng pulis si Marco para lubus pang ma imbistigahan.
Feb 14 20XX 11:35AM
Tahimik na nag lalakad ang groupo nila Kazue sa pabalik sa park, at kapansin pansin ang hindi maipaliwanag na katahimikan ng mga babae na kasama nila.
Ren: (nakita na parang malungkot sina Emi, Hana at Izumi kaya nag panggap na inu ubo at siniko si Dustine) “Dustine anung oras na? na gugutom ka na ba?” (sinenyasan ng tingin si Dustine)
Dustine: “ah ako? Ah ou na gugutom na ako, nakakapagod kasi mag lakad, diba Kazue?” haha (pasimpleng tawa) (kinindatan si Kazue)
Kazue: “ou tama ka, siguro tingin ko mag palamig muna tayo at mag hanap ng makakainan” (sinenyasan si akira)
Akira: (hindi na intindihan ang senyas) “e ang hihina nyo naman pala e, ako nga hindi pa…”
(at bago pa matapos ni Akira ang gusto nyang sabihin ay tinakpan na ni Dustine ang bibig nya)
Dustine: “Anung sabi mo Akira? Sobrang gutom mo na? naku kawawa ka naman.. haha”
Akira: (hmmmhmhmhmhm)
Dustine: “kayo ba girls hindi pa ba kayo na gugutom?
Hana: “hmmm sa totoo lang na gugutom na rin ako, para kasing na ubos ang lakas ko kanina”
Emi: “ako rin, gusto ko muna sanang umupo at kumaen ng ice cream”
Kazue: “ikaw Izumi? Anung gusto mo?”
Izumi: (tumungin kay Emi at nginitian siya ni Emi) “gusto ko rin ng ice cream kagaya nang kay Emi”
Hana: “ikaw rin Izumi? Kung ganun, ice cream na rin ang oorderin ko”
Emi: “gaya gaya ka talaga samin ni Izumi noh” (naka ngiti nitong biro)
Hana: “ui hindi ah, sa totoo lang ako talaga naka isip nun kaya lang hindi ko lang nasabi at baka gumaya kayo haha” (yabang nito habang naka ngiti)
Emi: “naku nag palusot kapa, haha”
Hana:”totoo naman e, diba Izumi na niniwala ka sakin?” (nag papa awa kay Izumi)
Izumi: (natawa at ngumiti na rin) ou naman na niniwala ako sayo! haha
at ng napansin na ni Ren na unti unti nang buma balik ang sigla nang mga kasama nilang babae napangiti ito at nag salita.
Ren: “ayos at mukang medyo nabuhayan na lahat, kaya naman para mas lalo pa tayong sumaya, na isip kong ako na ang mag babayad ng lahat ng kakainin natin”
Hana: “wow! Ang baet talaga ni Ren! Anung gagawin naming kung wala ka! (tumalon at yumakap sa likod ni Ren)
Ren: “Hana, wag kang malikot, ang bigat mo e”
Hana: “tayo na! at kumaen na tayo!” haha (masayang sigaw ni Hana)
Dustine: “ayos! Pero saan tayo kakaen?”
Ren: “sa tingin ko hayaan nalang natin sila Emi, Hana at Izumi ang pumili ng lugar”
Kazue: “mabuti pa nga para naman, malibang libang sila, at makalimutan na nila ung nanyare kanina”
Akira: “ah basta ako gusto sa Mcd…”
At bago pa ulit matapos ni Akira kung saan nya gusto kumaen ay agad naman tinakpan ni Dustine ang bibig nya.
Dustine: “ah anung sabi mo ulit Akira? Hindi ka naming marinig e, haha Gusto mo sila nalang pumili ng kakainan natin? O sige ikaw ang bahala”
Akira: (Hmhmhmhmmmhm)
Sabay nag tawanan silang lahat.
Madaling naka hanap ng makakainan ang mga mag kakaibigan, umorder sila ng maraming pag kaen, at binilan nila si Izumi ng isang XL size ng special ice cream, bilang tanda nang pag tanggap nila kay Izumi bilang bago nilang kaibigan.
Feb 14 20XX TIME 12:01AM
Nakalatag na sa isang dalawang pinag dikit na lamesa ang lahat ng masasarap na pag kaen na inorder nila Emi, Hana at Izume.
(tumayo si Ren)
Ren: “guys! Sa mga oras na to gusto ko sanang i welcome natin si Izumi, girlfriend ni Kazue, bilang pinaka bago nating kaibigan” (itinaas ang kanyang ice cream)
Dustine: “nakakatuwa naman ito Ren, parang bumalik tayo sa pag kabata haha” (masayang taas ng baso ng ice cream)
Hana: (itinaas ang kanyang ice cream) "para kay Izumi!"
Emi: (itinaas rin ang kanyang ice cream) "para sa bago naming kaybigan na si Izumi"
Kazue: (itinaas ang ice cream at tumitig kay Izumi) “para sayo t Izumi”
Akira: “hindi ba kayo na hihiya? Ayaw ko ngang itaas ang ice cream ko" (simangot ni Akira)
Dustine: “sige na Akira, minsan lang naman humirit si Ren e, chaka siya naman nag bayad ng lahat nang to diba”
Akira: (bumuntong hininga) “haaays. Sige na nga” (itinaas ang ice cream) “welcome sayo Izumi”
Izumi: (inikot ni Izumi ang mata nya mula kaliwa pakanan at masaya niyang nakita ang mukha ng bawat isa habang naka ngiti sa kanya)
Ren: (naka ngiti) “wala ka bang sasabihin samin Izumi?”
Izumi: (tumayo si Izumi at nag salita) “una sa lahat gusto kong pasalamatan si Ren sa pag welcome sakin dito sa groupo nyo, at sa mga masasarap na pag kaen, tapos sa boyfriend ko na si Kazue sa pag dala sakin dito, at sa huli gusto kong pasalamatan si Emi at Hana sa pag tatanggol sakin, na kahit bago palang nila akong nakilala, hindi nila ako pinabayaan”
Hana: (malakas na nag salita) “CHEERS!!”
Lahat: “CHEERS!”
At pag katapos nun ay masaya nang kumaen ang groupo habang nag bibiruan, at nag kwe kwentuhan.
Feb 14 20XX 12:29PM
Halos tapos ng kumaen ang ilan sa kanila nang bigla naman naitanung ni Emi kay Izumi kung anu nga ba relasyon nito kay Marco.
Izumi: “sa totoo lang hindi ko talaga kilala ang lalaking humarang satin kanina, pero meron akong idea kung bakit nya ako hina hanap”
Hana: “talaga, ibig sabihin ba nun totoo ang sina sabi ni Marco?”
Izumi: “hindi ko alam, pero kahapon Feb 13, kinausap ako ng ilan sa mga classmate kong babae, at sinabi nila na may isang lalaki daw na nag kakagusto sakin, at gusto akong makilala.
Izumi: “kaya naman nakipag kasundo sila sa isang blind date sa Feb 14 o ngayong araw nang hindi nag sasabi sakin”
(flashback)
Isang hapon sa Sacred Saint University bago mag uwian, si Izumi ay kina kausap ng kanyang mga babaeng classmate.
Izumi: “ah? blind date? Bakit nyo naman ginawa yun? Ni hindi man lang kayo nag tanung sakin kung papayag ako.
Classmate ni Izumi 1: “e gusto ka kasi naming surprisahin, kaya ngayon lang naming nasabi sayo”
Classmate ni Izumi 2: “ou nga tama siya, chaka gwapo naman ung ipapakilala naming sayo kaya wala kang dapat ipag alala”
Classmate ni Izumi 3: "bakit Izumi? Wala ka bang tiwala sa amin" (parang naiiritang salita ng babae sa kanya)
Izumi: “hindi naman sa ganun, may tiwala ako sa inyo, pero naman sana kinausap nyo muna ako para naman alam ko”
Classmate ni Izumi 2: “pareho lang naman, pupunta ka lang naman dun, wala ka naman gagawin, chaka kaming bahala sayo”
Classmate ni Izumi 1: “Tama, shempre hindi ka naming papabayaan”
Izumi: “Ewan ko, hindi ko alam, hindi pa ako napag desisyon”
Classmate ni Izumi 3: “anu ba yan, para blind date lang hindi mo pa mapag bigyan, akala ko pa naman kaibigan ka namin”
Classmate ni Izumi 2: “ou nga ginawan na nga natin siya ng mabuti, tapos tayo pa ung nag mukang masama, haist”
Classmate ni Izumi 1: “ngayon alam na natin kung bakit wala talagang nag tatagal na kaibigan kay Izumi, kasi masama ang ugali nya, sige hayaan ka nalang namin at aalis na kami”
Classmate ni Izumi 3: “sige kami nalang bahalang mag sabi dun sa ka blind date mo na hindi kana tutuloy, kahit na magalit pa siya sa amin ng dahil sayo!”
(nag lakad na papalayo ang tatlong babae ng biglang nag salita si Izumi)
Izumi: “teka lang, sandali” (tila ba nag dalawang isip)
bagamat ayaw ni Izumi na pumayag, wala na siyang nagawa dahil ayaw nyang lumbas bilang masamang kaibigan sa tatlong babae.
Classmate ni Izumi 1: “bakit nag bago na ba ang isip mo?
Izumi: (naka yuko lang at nag salita) “puma payag na ako”
(napangiti ang tatlo niyang classmates)
Classmate ni Izumi 3: (napangiti at nag salita) “good choice, sige enjoy nalang bukas” (sabay lumakad na ulit papalayo)
Classmate ni Izumi 2: “iklian mo ung suot mo ah” (sabay tumalikod at umalis na rin)
Classmate ni Izumi 1: “wag mo masyadong galingan haha:” (sabay tumawa na para bang nang aasar)
At pag katapos nun, ay naiwan nang mag isa si Izumi.
(end of flashback)
Hindi maka paniwala ang lahat na ganun nalang tratuhin si Izumi nang kanyang mga classmates.
Emi: “naku, nakakagigil naman ung mga classmates mo na yan, at sa ginawa nila muntik ka pang mapahamak”
Hana: “at isa pa, hindi un Gawain ng isang matinong kaibigan”
Ren: “sa tingin ko tama si Hana, Izumi mas makakabuti sayo kung iiwasan mo nalang mula ngayon ang mga taong un”
Kazue: (nag salita sa kanyang isip) kung ganun, ang Marco na un ang ka blind date ni Izumi, na dahilan kung bakit siya andito sa park, buti nalang pala nag kita kami bago nya nakasama ang lalaki na un”
Dustine: “kung ganun, nag kasabay pala ang Blind Date mo at Date mo kay Kazue”
(nag ka tinginan si Kazue at Izumi)
Dustine: “na isip ko lang bakit hindi mo nalang sinabi sakanila na may ka date kana sa Feb 14, para hindi ka nalang nila pinilit pa?”
Izumi: (kinabahan at tila ba hindi nya alam ang isasagot) ahh… eeeh… (tumingin kay Kazue na para bang nag sasabing tulungan mo ako di ko alam ang isasagot)
Kazue: (agad nakuha ang senyas ni Izumi at nag salita) aah, eeh, tama! Dustine na alala ko na, kasi nga diba nung mag kakausap tayo nila Ren pa gabi na un? Kaya naman medyo late ko na nasabi kay Izumi na dapat mag kikita kami ngayon, kaya siguro di na siya naka tanggi pa, tama ba Izumi” (tumitik sa kanyang mata)
Izumi: “Ah ou, gabi na kasi nung tinawagan ako ni Kazue about sa plano ninyo na pag kikita sa Amusement Park” haha (bakadong tawa)
Dustine: “ah kaya pala, sayang naman” (pangiting sabi ni Dustine”
Izumi: (salita sa kanyang isip) “anu ba yan hindi ako sanay mag sinungaling”
At habang sila ay masayang nag kwekwentuhan, sabay naman ang dating nang tatlong maingay na babaeng nag tatawanan.
Girl 1: (may nakakairitang tawa) “nakita nyo ba ung mukha nya kanina? Grabe para na siyang iiyak!” hahaha.
Girl 2: “e dapat naman sa kanya un e, ang feelingera nya kasi, ang akala nya lahat ng lalaki makukuha nya”
Girl 3: “kulang pa nga un e, dapat pala gabi nalang natin sinet ung blind date ni Izumi para naman buntisin nalang siya ni Marco at tuluyan na siyang maka alis sa school natin hahaha”..
Girl 1: “tama! Para naman mabawasan ang salot sa school natin hahaha”
Girl 2: “sinabi mo pa! kahit kaylan hindi ko naman tinuring na kaybigan yan si Izumi, yuck”
(Sabay nag tawanan ang tatlong babae)
Hindi makapaniwala ang lahat sa mga narinig nila sa tatlong babaeng pumasok na tila hindi napapansin na andun lang pala ang babaeng pinag uusapan nila.
Sabay na tumingin si Emi at Hana kay Izumi, na tila ba nagulat sa kanyang mga narinig, kaya naman yumuko nalang ito at pasimple na nag pigil ng luha, habang patuloy na nakikinig sa mga masasakit na salita ng tatlong babae laban sa kanya.
Nag ka tinginan si Emi at Hana na animoy parang parehong pareho sila ng ini isip, at nang biglang tatayo na sana si Emi ay hinawakan ni Dustine ang kamay nya.
Dustine: “na iintindihan kita, pero”
Emi: “Dustine, pls, wag mo akong awatin” (tumitig sa mata ni Dustine)
Hana: (kinausap si Akira) “ayos lang ba?”
Akira: (tumango at nag salita ng marahan) “sige lang. go”
Si Ren naman ay napabuntong hininga nalang at umorder nalang ng isa pang ice cream.
Ren: “haay, galit na si Emi at Hana, mukang di ko na sila mapipigilan, sige oorder nalang ulit ako.
Ren: (sinenyasan ang waiter) “isang strawberry ice cream with toppings, salamat”
At habang ina antay ni Ren ang order niyang ice cream, tumayo na si Emi at Hana at nag lakad papunta sa tatlong babae.
Emi: (kinausap si Girl 3) “ikaw ba ang leader ng mga pangit na to”
Girl 3: “at sino ka naman?”
Hana: (at bago pa makapag salita si Emi ay bigla naman ang pasok ni Hana at sinampal si Girl 3 na kinagulat ng lahat) "para yan sa mga masasakit na sinabi mo sa kaybigan kong si Izumi" (galit na bungad ni Hana)
(to be to continue)