The Deal

2387 Words
Chapter 4 – The Deal Nanlaki ang mga mata ni Izumi sa mga sanabi ni Kazue, at tila ba naguluhan at nabilisan ito sa mga pangyayare. (kinuha ni Izumi ang kanyang kamay) Izumi: “teka bitawan mo nga ako!” Izumi: “chaka nasisiraan kana ba ah!? Sige nga sabihin mo, bakit ko naman gagawin un? Bakit naman ako papayag na mag panggap na girlfriend mo, e hindi man nga tayo masyadong mag ka kilala” Izumi: “at isa pa, meron akong ka blind date ngayon na isinetup ng mga kaibigan ko” Izumi: “hindi ko un pweding basta basta nalang na hindi puntahan, siguradong magagalit sila sakin” Kazue: “ganun ba, pasenya kana Izumi pero wala na kasi akong oras, nag iintay ngayon nag mga kaibigan ko jan sa park, para ipakilala sakanila ung girlfriend ko, pero ang totoo nyan wala talaga akong girlfriend at nag sisinungaling lang ako sa kanila” Izumi: “ha?! Bakit mo naman ginawa un? Di mo ba alam na masamang mag sinungaling!? Kazue: “alam ko pero, wala na ako choice, ayaw kong mapag iwanan ako, ayaw kong mag grow apart sa kanila, ayaw kong manatili nalang na looser habang buhay” Izumi: (tumingin sa isang sulok at para bang nag iisip) “medyo na iintindihan ko siya pero kasi masyadong biglaan ang gusto nyang mangyare, hindi ako handa, hindi ko alam kung anung dapat kong gawin haist” Izumi: (huminga ng malalim) “nakapag desisyon na ako, na iintindihan kita pero sa tingin ko hindi kita matutulungan sa problema mo, masyadong biglaan ang gusto mong mang yare, at isa pa, what if mahuli nilang nag papanggap lang tayo? Hindi lang ikaw ang mapapahiya dito, ako rin!” Kazue: (nag lakad papalapit at inilapit ang muka kay Izumi sabay nag makaawa) “hindi yan maniwala ka sakin, hindi tayo mahuhuli, gagalingan ko ung pag papanggap ko, kaya sige na please lang pumayag kana” Izumi: (nagulat sa biglaang pag lapit ni Kazue ng muka sa kanya, kaya naman namula ang kanyang pisngi at tumalikod) “tulad ng sinabi ko, hindi lang ikaw ang mapapahiya dito, panu kung ako ung nag kamali, panu kung dahil sakin mahuli tayo? Hindi ganun kadali ung bagay na gusto mong mang yare” Kazue: (nag lakad pumunta ulit sa harapan ni Izumi) “Izumi, tignan mo ako, naniniwala ako na kaya mo, naniniwala akong wala ng iba pang makakatulong sakin kundi ikaw lang. Izumi: (muling tumalikod kay Kazue) “tigilan mo na nga ako, nag sasayang ka lang ng laway sakin, hindi mo ako mapapapayag sa gusto mong gawin” Izumi: “at isa pa, never pa ako nag karoon ng boyfriend, kaya kahit na gusto kitang tulungan, hindi ko rin magagawa, dahil hindi ko alam kung panu” Kazue: “e wala ka naman dapat na baguhin sa sarili m e (hinawakan ang balikat ni Izumi at pina harap ito sa kanya) Kazue: “tignan mo ung sarili mo (tinitigan mula ulo hanggang paa si Izumi at nag salita)” Kazue: “ok makinig ka ha, sasabihin ko to hindi dahil gusto ko na tulungan mo ako sa problema ko ok?!” Kazue: “sa totoo lang Izumi, kung ikukumpara kita sa dating ikaw 10 years ago, masasabi ko na sobrang laki na ng pinag bago mo, hindi lang sa itchura pati na rin sa pananamit” Izumi: (naka titig lang kay Kazue) “talaga?” Kazue: (namula ang muka at siya naman ang tumalikod) “ah eh, ou, sa totoo lang kung ako ang tatanungin, mahirap para sakin ang maniwala na wala kapang nagiging boyfriend hanggang ngayon, lalo na sa itchura mong yan” Izumi: “alam ko pina pagaan mo lang un loob ko, pero kagaya nga ng sabi ko, nakapag desisyon na ako, at hindi ako puma payag, kaya naman kung wala ka ng sasabihin, aalis na ako” Kazue: (humarap muli kay Izumi at tumitig, nag salita sa kanyang isip) “ginawa ko na ang lahat, pero mukang sarado na talaga ang isip nya, at mukang dito na matatapos to” Izumi: “hindi kana nag salita, buti naman at sumuko kana rin, sige aalis na ako” Kazue: (sumiryoso ang muka at biglang nag salita) “sandali lang Izumi” Kazue: “panu kung sabihin kong, kaya kitang bigyan ng aso” Izumi: “kahit pa bigyan mo ako ng aso, wala rin, dahil may severe allergy ako sa mga aso” Kazue: “hindi iba ang aso na ito, pag pumayag kang mag panggap bilang girlfriend ko, bibigyan kita ng asong hindi mag bibigay sayo ng Allergy” Izumi: (nagulat at nag salita) “sinungaling ka! alam kong walang ganun, bata palang ako marami na akong sinubukang alagaang breed ng aso, at lahat sila nag trigger ng allergy ko, kaya impusible yang sina sabi mo sakin” Kazue: “pero iba ang aso na to, sa maniwala ka man o sa hindi, walang mangyayare sayo pag inalagaan mo siya” Izumi: (nag salita sa kanyang isip habang naka titig kay kazue) “teka maniniwala ba ako sa kanya? o isa nanaman to sa mga gimik nya para pumayag ako” Izumi: “mula bata palang ako, gusto ko na mag karoon ng sarili kong alagang aso, pero kahit na anung gawin ko, isang malaking hadlang sakin ang allergy ko” Izumi: “at ngayon, naka latag na sa harap ko ang isang offer, na alam ko sa sarili kong hindi totoo, pero bakit ganun parang gusto ko paring subukan, hasit anu na ang gagawin ko?” (salita sa kanyang isip) Kazui: (habang naka titig rin kay Izumi) “eto na ang huling baraha ko, at kapag hindi pa rin to gumana sakanya, wala na akong magagawa” Izumi: “sige sabihin na natin what if pumayag ako sa gusto mong mangyare, at nag panggap akong girlfriend mo, kaylan mo maibibigay sakin ung aso na sina sabi mo?” Kazui: (nag salita sa kanyang isip) “ayos mukang enteresado na siya” Kazui: “ok sige, makinig kang mabuti sakin, kaylangan mo munang sumama sakin ngayon at mag panggap na girlfriend ko sa harap ng mga kaibigan ko buong araw” Kazui: “sa madaling salita hanggang kasama natin sila hindi ko muna ibibigay ung aso” Izumi: “e kaylan ko un makukuha?” Kazui: (namula ang muka ni kazue at ibinaling ang tingin sa ibang bagay) “ibibigay ko un pag umuwi na sila at dalawa nalang tayo” Izumi: “ganun ba? sige na iintindihan ko na” Kazui: “isa pa nga pala, papayag lang akong I keep mo ung aso, hanggang sa puma payag kang mag panggap na girlfriend ko sa mga kaibigan ko” Izumi: “ha? Ibig mong sabihin hindi mo talaga un ibibigay sakin?” Kazui: “ibibigay ko, pero napaka especial kasi ng aso na sina sabi ko sayo, hindi ko un pweding basta basta nalang ipamigay. Izumi: (bahagyang nag isip) “kung totoo man ang sina sabi mo sa pagiging especial ng aso na yan, sige tingin ko na iintindihan na kita” Kazue: (salita sa kanyang isip) “ayos mukang malapit na siyang pumayag” Izumi: (seryosong nag isip at bumuntong hininga) “ok sige nakapag desisyon na ako, puma payag na ako sa offer mo” Kazue: (napasigaw) YESS!! AYOS!! Izumi: (nagulat) hoy! Pwede ba hinaan mo ung boses mo, nakakahiya ka sa mga taong duma daan oh. Izumi: “so anu ng balak mo? Panu ba natin gagawin to?” Kazue: “sige ganito, I abot mo sakin ung kamay mo” Izumi: (ini abot ang kaliwang kamay kay Kazue) “oh tapos?” Kazue: (hinolding hands ang kamay ni Izumi at dahan dahang lumakad) “sa tingin ko kaylangan natin maging sweet habang nag lalakad papunta sa kanila, kaya naman mag uumpisa tayo sa holding hands” At dahil mula sa pag kabata palang ay wala pang nagiging kasintahan si Izumi, eto ang unang pag kakataon na may lalaking kagaya ni Kazue ang humawak sa kamay nya habang nag lalakad. Izumi: (nag sasalita sa kanyang isip) “ganito pala ang pakiramdam na may lalaking naka hawak sa kamay mo habang nag lalakad, hindi ko maipaliwanag pero, gusto ko ang pakiramdam na to” Kazue: “oh malapit na tayo, handa kana ba?” Izumi: “hindi ko alam, hindi ko kasi alam kung anu ang dapat na ikilos ko” Kazue: “basta wag mo nalang masyadong isipin kung anu ung tama o mali, ang gawin mo, kumilos ka lang ng natural, tapos ipakita mo lang ang tunay na ikaw, okay?” Izumi: “sige susubukan ko” Kazue: (tumingin kay Izumi) maniwala ka sakin, magugustuhan ka nila (ngumiti) Sa kabilang banda naman ay tila inip na inip na si Akira sa pag hihintay. Akira: “oh diba sinabi ko na sa inyo, hindi na siya babalik, ayaw nyo kasi maniwala sa akin e” Akira: “Ren, ilang oras na ba simula nung umalis si Kazue dito? Ren: (tumingin sa kanyang cellphone) “ahh siguro, humigit kumulang dalawampung minuto na” Akira: “oh kita nyo na, hanggang kaylan ba tayo mag aantay dito para sa kanya” Dustine: “guys, guys, wag tayong ma inip, at mag hintay pa tayo ng konte, malay natin pabalik na siya dito” Akira: “ah basta wag nyo ako sisisihin pag nasayang ang oras nyo kakahintay sa wala ah, kasi kanina ko pa kayo sina sabihan e” Emi: “hindi naman siguro magagawa satin ni Kazue un” Akira: “anung hindi? e nagawa na nga nya e, tignan mo imbis na dapat nag sasaya na tayo sa park, andito parin tayo nag aantay sa wala” (at mula sa hindi kalayuan, sa gitna ng mga taong nag lalakad nakita ni Hana si Kazue na kuma kaway) Hana: “ayan na pala siya oh” Dustine: “asan?” Hana: “ayon oh! (itunuro si Kazue na kuma kaway) Emi: “teka parang may kasama siya” Dustine: (napangiti) “sabi ko na nga ba e, hindi tayo bibiguin ni Kazue, at hindi siya nag sisinungaling satin” Ren: “hindi ako maka paniwala, totoo nga, totoo ngang may kasama siyang babae” Akira: “teka nga tumabi kayo at ako ang titingin” At nang makita na ni Akira si Kazue nan laki ang mga mata nya, ngunit hindi sa dahilan na bumalik si kazue na may kasamang babae. Kundi hindi ito makapaniwala sa ganda ng babaeng kasama nya. Dahil sa mga oras na un para kay Akira, ang babaeng kasama ni Kazue ang pinaka magandang babae na nakita sa kanyang buhay. (naka rating na si Kazue sa lugar kung saan nag aantay ang mga kaibigan nya) Kazue: “guys pa senya na kayo, kung napag antay ko kayo nang matagal” (naka ngiti nitong bungad sa mga kaibigan) Dustine: “ayos lang wala un haha” Emi: “grabe Kazue ang ganda naman ng kasama mo” Hana: “ou nga kanina pa nga kami nag uusap ni Emi, at pareho kaming hindi maka paniwala" Ren: (lumapit kay Kazue, nakipag kamay ay ngumiti) “akala ko talaga hindi ka na tutupad sa usapan natin, pero nag kamali ako, pasenya kana kung pinag dudahan kita” Kazue: “wala un, kasalanan ko rin naman dahil ang tagal ko bago naka balik” At habang masayang nag uusap usap sila Dustine, Emi, Hana, Ren at Kazue, si Akira naman ay tila hindi parin makapaniwala at walang ibang gina gawa kundi titigan at obserbahan si Izumi. Akira: (nakatitig lang kay Izumi) “hindi ako makapaniwala, ang ganda ng babae to, saan naman kaya nakilala ni Kazue itong kasma nya" Di nagtagal ay napansin ni Izumi na pinag mamasdan siya ng kaibigan ni Kazue kaya naman nginitian nya ito. Akira: (naka ramdam ng kuryente sa buo nyang katawan at nag salita sa kanyang isip) “grabe, ang cute nya, hindi ako makapaniwalang pinatulan ang isang looser na kagaya ni Kazue” Izumi: (habang pinag mamasdan ang saya at ngiti ni Kazue habang ka usap ang kanyang mga kaibigan) “ngayon na iintindihan ko na, siguro kahit ako gagawin ko rin ung ginawa ni Kazue, kung tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko ganito rin ako kasaya” Dustine: “oh sige na tama na nga yang mga buruan nyo, oh kazue hindi mo ba kami ipapakilala jan sa babaeng kasama mo? Baka na iinip na yan haha” Kazue: (hinawakan ang kamay ni Izumi) “ou nga pala muntik ko na makalimutan, siya nga pala si Izumi, ang girlfriend ko” Kazue: “sila nga pala ung mga sina sabi ko sayong kaibigan ko Izumi, si Dustine, si Emi, is Hana, si Ren at si Akira” Izumi: (ipinakita ang pinaka maamo nyang muka at pinaka maganda niyang ngiti sabay nag salita) “salamat nga pala sa pag imbita sakin dito, ako nga pala ulit si Izumi Aya Fugiwara, ang girlfriend ni Kazue” Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “grabe ang galing nya mag acting, sobrang natural, masasabi ko talaga na siya ung tipo ng babaeng pwede mo nang ipakilala sa magulang mo” Emi: “wow ang formal mo naman samin, tapos ang ganda mo pa, ang swerte ni Kazue sayo” (sabay ngiti) Hana: (nakatitig lang mabuti kay Izumi) “hmm teka saan ko na nga ba narinig ung pangalan mo, parang feeling ko kasi nakita na kita dati e” At sa mga sinabing un ni Hana, tila ba parang sabay na nakaramdam ng kuryente si Izumi at Kazue. Dustine: “ou nga nu, ngayong nabanggit mo yan napansin ko parang familiar nga ung pangalan nya” Emi: “familiar ba talga? Hmm ako kasi ngayon ko lang narinig un pangalan nya e” Kazue: (kina kabahan) “ah baka naman kapangalan o kamuka lang nya ung sina sabi mo haha” (kabadong tawa) Hana: (lalong lumapit kay Izumi) “hmm hindi e, sigurado ako, na rinig ko na ang pangalan nya at nakita ko na siya dati” Kazue: (nag salita sa kanyang isip) “teka nahuli na ba kami? at chaka panu nakilala ni Hana si Izumi samantalang ngayon lang sila nag kita? Kazue: “grabe naku, mukang hindi maganda ang kutob ko” (to be continue)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD