Chapter Nineteen:
Twilight Sky's POV
"Take care, Sweetie" sabi ni Nanay. Nagpaalam kasi ako sa kanya ba magkikita kami ni Autumn. She was happy ng marinig niyang magkabati na uli kami. Tutal naman pang-gabi ang pasok ko sa company kaya niyaya ko si Autumn na magkita kami.
"Yes, Nanay. I will" ngiti ko. At naglakad na ako papunta sa sasakyan na may driver. 'Dati naman walang ganito'.
Nakaupo na ako sa backseat habang umaandar na ang sasakyan. Alam na naman ng driver kung saan ako pupunta. Kinuha ko ang laptop ko pero biglang may nahagip ang mata ko sa may pintuan ng sasakyan. "Kuya driver, paki-hinto nga ng sasakyan"
"Sige po" sabi niya at iginilid ang sasakyan sa may kalsada. "Anong problema, Young Lady?"
"W-Wala." ngiti ko. "Sige na, kuya, sa restaurant na tayo" sabi ko at ngumiti sa kanya. Pinaandar na naman niya ang sasakyan habang ako hindi mapakali sa nakikita ng peripheral vision ko. Tiniklop ko na uli ang laptop ko at nilagay ko na uli sa lagyanan nito. 'Hidden Camera' sabi ng isip ko.
Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa mga bagay-bagay. 'Yung mga panaginip ko na alam kong nangyari na yun sa akin. Pero sino 'yung taong kasama ko? Sino 'yung mukhang babae pero parang lalaki.
'Lalaking mukhang babae!,Lalaking mukhang babae!, Lalaking mukhang babae!.'
"Lalaking mukhang babae" bigla kong nasabi at hindi ko alam kung bakit ngumiti ako ng parang ewan. "What happened to me?" 'I need an answer to all my questions. Ang sakit sa ulo ng ganito.' Parang navirus-an ang utak ko, kung walang pang-scan kailangan i-format. Para magamit pa.
"Young Lady, nandito na po tayo" sabi ng driver ko.
"Thanks, Kuya" ngiti ko sa kanya. Lumabas na ako papunta sa restaurant. Nagpareserve na kasi ako para sa amin ni Autumn.
"Twie!" lapit niya sa akin. "Sakto lang pala ang pagdating ko papasok ka palang"
"Yeah!. Let's go" aya ko at naglakad ng kami papasok. Tinuro sa amin ng waiter kung saan kami uupo.
"Masyado yata tayong tago?"
"Ayokong may maka-istorbo sa atin, I need your answer to all my questions. Na alam mong nakakatulong sa akin, that's why we are here"
"Okey.." sagot niya. "Sana hindi magalit sa akin si Zhynly" ngiwi niya.
I nodded. "Ako ang bahala sa'yo." ngiti ko.
Nakalagay na ang mga pagkain na pinareserve at kumain na kami ni Autumn.
"So?.. Anong first question mo?"
"Totoo ba ang organization na kasama ang tunay mong magulang?" mahinang tanong ko. Pagkatapos ko siyang kausapin kagabi na magkita kami binasa ko uli ang nakalagay sa flashdrive at kahit papaano may naiintindihan na ako.
Napahinto siya sa pagkain at tumingin sa akin. "Ang hirap na agad ng unang tanong mo"
"Sorry? Pero kailangan mong sagutin... Sayang naman yung pagrereserve ko dito kung wala akong malalaman" I smile.
"Nangunsensya pa. Okey?!. Yes kasama doon" ngiti niya. "At ang pamilya mo"
"Wala akong nakitang apelido namin, kaya nga nagtataka ako?"
"Nabasa mo ba ang 'Darklight' doon?" tanong niya kaya bigla akong napaisip.
"Tss!.. Kaya pala" napa-face palm ako. Napatingin ako sa kanya. "Edi?... Edi kasali ka rin? Nabasa ko kasi doon na isa sa mga anak leader sa top 5 ay magkikita-kita sa darating na araw. Ilang buwan na lang pala yun" I pouted. "Wala pa rin akong alam"
"Hays!.. I guess hindi ako ang makikita mo kapag nangyari yun, kundi si Mike or Jordan"
"M-Mike?.. Kilala ko ba siya?. Feeling ko kasi--"
"Yes. Si Mike or si Jordan ay kambal ko. Siya rin yung kaibigan ni Cloude, ni Hollis mo" ngiti niya sa akin na parang kakaiba.
'Hollis!'. Napatigilan ako sa sinabi ni Autumn na parang may kung anong kumurot sa puso ko at bigla na lang bumilis yung t***k. 'Hollis'.
"Twilight-- U-umiiyak ka" turo niya sa mukha ko.
"S-Sino si Hollis na tinutukoy mo? K-Kapatid ba siya ni Ate Ai? Magkakilala ba kami?"
"Twilight..."
"Sagutin mo ako!.." nanlaki ang mata niya. Napalakas kasi ako ng pagsasalita ako na ikinalingon na mga tao sa loob. "Sorry"
"Okey..." napahinga siya."Sasabihin ko sa'yo ang tungkol kay Cloude. Pero hindi ko sure kung anong meron sa inyong dalawa" napalunok siya.
"Sabihin muna, Autumn" punas ko sa mga luha ko.
"Okey.." tumayo siya at naglakad palapit sa akin para tumabi. "Si Cloude Yule Hollis ay kapatid ni Ate Ai, may pagkamasunget? Pero sa lahat ng babaeng gusto siyang makausap sa school. Ikaw lang ang nagkakausap niya ng matagalan. Naging close kayo sa tingin ko, at sa tingin ng iba, more than close pa kayo"
I bite my lower lips habang nakatingin kay Autumn. Feeling ko nasasaktan ako sa mga naririnig ko pero sa kabilang banda masaya ako kung totoo man ang sinasabi ni Autumn.
"Pero bakit, bakit hindi ko siya nakikita kung close kami?"
"Ka-Kasi... Twilight, Nagkaroon rin siya ng amnesia, hindi ka niya maalala at--" napatingin siya sa baba.
"At?..."
"At engaged na siya sa Ate ko" napatingin siya sa akin. "S-Sorry"
Natigilan ako habang nakatingin lang sa akin si Autumn. "Ganun ba? Baka close lang talaga kami noon" ngiti ko na lang sa kanya. "Change topic" sabi ko na lang. "I guess, he's happy now" kahit ang totoo marami pa akong gustong itanong tungkol sa kanya.
"Ano pa bang gusto mong itanong?"
"Wala na muna siguro... Pero--"
"Pero ano?"
"Gusto kong makita ang mga kaibigan ni Cloude, at si Cloude. Baka kapag nagkita kami may maalala ako" tingin ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung kaya kong gawin yan, busy rin kasi sila."
"Ganun ba? Sayang naman" I sighed. Pinipilit ko nalang ngumiti at tumingin sa kanya. Kahit na sa loob ko para akong nasasaktan ng hindi ko alam. I feel so tired. "Kain nalang tayo" sabi ko kay Autumn.
"Sorry, napaiyak pa tuloy kita" ngiti niya.
"Siguro marami pang luha ang mauubos ko, lalo na kung malalaman ko ang totoo. Pero siguro, kailangan ko nang matuto kung paano pigilan ang mga luha ko. Para kasi akong kawawang bata na bigla-bigla na lang umiiyak"
"Tama. I think kailangan mo nang maalala kung paano maging palaban. Sana makita ko uli yun" ngiti niya sa akin.
~~~
Parehas na kaming busog ni Autumn kaya naupo muna kami. Nang mapatingin ako sa dalawang tao na naupo sa upuan na malapit sa amin.
"Ate Ai!" tawag ni Autumn nakita niya rin pala. Napatingin ako sa kasama niya na nakatingin sa amin.
"Doon muna tayo" sabi ni Ate Ai at lumapit sa amin. "Hi! Girls. Nice to see you again, Dear" tingin sa akin ni Ate Ai. Tumayo ako para makipag-beso sa kanya. "By the way, alam kong kilala mo siya noon but--"
"I know him, si Kuya Clarkson" sabi ko at ngumiti. Nakita ko ang panlalaki ng mata nilang tatlo.
"P-Paano mo nalaman?" tanong ni Autumn. 'Paano nga ba?'.
"K-Kay Lourd. Diba magkapatid kayo?" sabi ko nalang at naupo na lang uli. 'Kay Lourd ko ba nalaman?'. napailing nalang ako.
Napatingin ako kay Kuya Clarkson na ngumiti sa akin. 'Ang gwapo. hehe'.
"Anong ginagawa ninyo dito?" tanong niya.
"Nag-girl talk bonding lang, Ate Ai. Nagbati na uli kami eh!" sagot ni Autumn.
"Buti naman. By the way, Dear. Sinabi na ba sa'yo ni Zhynly na may party ako sa sunday? Gusto nga rin na samahan ninyo ako kaso alam ko naman na busy rin kayo" ngiti niya.
"Oo, Ate Ai. Sinabi niya nga sa akin ni Zhynly. Hehe!. Nagpapatulong ka nga daw eh!"
"Yes. But don't worry, alam ko naman na busy kayo. Tyaka nandito naman si Clark para tulungan ako. Diba, Hon?" tingin niya kay Kuya Clarkson na tumango naman. "Bakit nga pala hindi ninyo kasama si Zhynly?"
"May pasok siya ngayon, Ate Ai"
"Sayang naman. Pero papadalan ko na lang kayo ng invitantion. Pumunta kayo ha?" tingin ni Ate Ai sa amin.
"Hon, yung mga order natin"
"Hehe.. Ate Ai, Aalis na rin pala kami ni Autumn. Kailangan ko na rin kasi maghanda sa pagpasok" ngiti ko sa kanya at tumayo na ako.
"Ganun ba?.. Okey." tumayo rin naman siya at tumingin yumakap kay Autumn. Tapos sa akin. "Nice to see you again. Sana makapag-usap pa tayo ng matagal at maipag-bake pa kita ng cupcakes"
"Gusto ko yan, Ate Ai. Hehe" ngiti ko. "Kuya Clarkson, bye!" I waved my hand.
Ngumiti naman siya. "Take care two of you" kaway niya rin.
"Bye!.. Love birds" nakangiti sabi ni Autumn at naglakad na kaming dalawa papunta sa exict.
"Light!"
"Light!" napahinto kaming dalawa ni Autumn ng may humarang sa'ming lalaki.
Nanlaki ang mata ko. "Clyne?!"
"The one and only, my light" kindat niya. 'Ito na naman tayo sa kindat niya eh!'. I pouted. "O? Bakit? Parang ayaw mo naman akong makita?"
"Hehe. Hindi naman sa ganun, Clyne. Nagulat lang ako" ngiti ko.
Napatingin ako sa kanya ng bigla niya hawiin yung kaunting buhok ko sa mukha ko at nilagay sa tenga ko. "Umiyak ka?"
Napatingin ako sa mga niya at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. 'Bakit napansin niya? Sila Ate Ai nga hindi'.
"H-Hindi no?." medyo lumayo ako sa kanya.
"Hey! Boy? Excuse me sa hokage moves mo? Okey? Pero sino ka ba?" nakataas ang kilay ni Autumn at tinignan niya si Clyne mula paa hanggang ulo.
"I'm sorry." ngiti ni Clyne kay Autumn. "My name is Yohan Clyne Wright, and you are?"
"Jessieca Merrick" sagot ni Autumn. Mag-shakehands na sana sila ng may pumalo sa kamay ni Autumn.
"b***h!" masamang tingin ni Autumn sa babaeng nakahawak na sa braso ni Clyne. Nakataas lang ang kilay nito habang nakangiti ng parang nang-aasar.
"Boyfriend ko siya" sabi nito na parang bata.
"Hindi ko inaagaw" sagot ni Autumn.
Nang bigla siyang tumingin sa akin. "Eh? Ikaw?"
"Yonnah!" saway ni Clyne.
"Hey! b***h? Hindi kami ang lumapit sa kanya okey? Let's go, Twie" hawak ni Autumn sa wrist ko.
"Sandali!.. Hindi ko pa siya tapos kausapin" hawak naman niya sa braso ko ng mahigpit.
"Excuse me? Anong nangyayari dito?" napalingon kami kay Ate Ai.
Binitiwan niya rin naman ako at tumingin kay Ate Ai. "Pakialam mo?!" sabi ng kasama ni Clyne.
"Sorry, Girls. Makulit kasi 'tong kapatid ko" gulo ni Clyne sa buhok ng kapatid niya. "Mag-sorry ka!"
"Ayoko nga!.. Excuse me?.., Hindi naman sila mga magaganda!" she rolled her eyes.
"Excuse rin no? Hindi ka rin naman kagandahan!.. b***h?!" taas kilay ni Autumn.
Napabutong hininga si Clyne. "Yonnah mag-sorry ka sa kanila"
"A-Y-O-K-O! Ayoko!" tinignan niya kaming tatlo ni Ate Ai at nag-walkout.
"Sorry!.." ngiti ni Clyne.
"Yung pagiging b***h ng kapatid mo na wala sa ayos paki-ayos ha?.. Kung ayaw mong ako mag-ayos!" napalunok ako sa sinabi ni Ate Ai. "Alam mo bang ayokong nakikitang inaaway si Twilight at si Autumn!"
"Hon..." hawak ni Kuya Clarkson sa balikat ni Ate Ai.
"Sorry... Wag kayong mag-alala ako bahala sa isang yun. Umiral na naman kasi ang pagkamaldita..." ngiti niya.
"Okey na yun, Clyne. Siguro gutom lang yung kapatid mo" ngiti ko ng makita kong umalis na yung kapatid niya sakay ng sasakyan nito.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Ate Ai habang nakatingin kay Clyne.
"Oo, Ate Ai. Kamusta kana?"
"M-Magkilala ba tayo?" turo niya kay Clyne.
"Yes. Ako si Yohan, Yohan Clyne Wright" ngiti niya pa.
"Y-Yo-Yohan?!... s**t!.. Ikaw na yan?.." nanlalaki ang mata ni Ate Ai habang nakatingin sa kanya.
"The one and only... Mas gwapo ako no?" kindat ni Clyne. I sighed secretly. 'Kailan ba siya hindi kikindat?'.
"Omy!.. Seven years old lang yata kayo noon ni-- ng kapatid ko. Kailan ka pa dumating? Nagkita na ba kayo?" manghang sabi ni Ate Ai.
Nang mapatingin sa akin si Clyne. "Hmm?.. Siguro nakita niya na ako?.. Last year lang ako dumating, may inaasikaso kasi ako dito"
"Puputulin ko muna ang pag-uusap ninyo ha? Hehe. Aalis na kami" sabi ko.
"Aalis ka agad, Light?" tingin sa akin ni Clyne.
"May pasok pa ako mamaya eh!.. Sige bye!" Kaway ko at naglakad na kami ni Autumn palabas.
"Paano mo siya nakilala?"
"Tyka ko na ikwe-kwento sa'yo." ngiti ko sa kanya.
"Okey. Pero sana wag mong patagalin..."
"Light!" napalingon ako kay Clyne na nasa harapan na namin ni Autumn.
"O?.. Akala ko mag-uusap kayo ni Ate Ai?"
"May date sila ng boyfriend niya, kaya niyaya niya nalang ako sa birthday niya." ngiti niya. "Tyaka susundan ko pa yung kapatid kong maldita. Pagpasensiyahan ninyo na pala yun ha? Light, Jessieca" tingin niya kay Autumn na ngumiwi lang.
"Una na ako sa'yo, Twilight. Yohan, nice meeting you" ngiti ni Autumn at nagbeso na kami. "Ingat, Twilight ha?"
"Ikaw rin, Autumn" ngiti ko sa kanya. Naglakad na si Autumn paalis kaya napatingin ako kay Clyne. "Akala ko ba susundan mo yung kapatid mo?"
"Oo nga."
"Bakit nandito ka pa?"
Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. "Gusto pa kitang makita eh!"
"Eh? Ako ayoko na kitang makita... hehe.. Sige, Clyne alis na ako. Nandyan na yung sundo ko" tingin ko sa sasakyan nasa tapat na namin.
"Okey, Young Lady. Ingat ka ha?"kaway niya.
"Ikaw rin" kaway ko sa kanya. Naglakad na ako papunta sa sasakyan at ng makasakay na ako kumaway uli ako sa kanya. "Tara na, Kuya"
"Sige po, Young Lady"
* * * * * *
Cloude Yule's POV
Nakarinig ako ng katok sa pintuan ng kwarto ko kaya agad kong tinangal yung pagkakasasak ng flashdrive sa laptop ko at nilagay sa drawer.
I quickly stood up on the chair. Naglakad na ako papunta sa pinto at binuksan ito. "Yes?"
"Hi!.. My brother!.. himalang nasa bahay ka ngayon" ngiti sa akin ni Ai. "Nagkita na ba kayo ni Yohan?"
"Yes. We're met"
"Really? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?. You know what? Magkakilala sa sila ni Twilight" tingin niya sa akin. 'I knew'.
"So? What?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Nothin' I just want to informed you." she's smiling. "Wala ka nga palang paki-alam kay Twilight. She's nothing to you, right?"
"Y-Yeah!..May kailangan ka pang sabihin?"
"Wala na!... Tss!." she smicked and she walkout.
I sighed and I close the door. 'Twilight...' umiling-iling ako at naglakad na pabalik sa upuan. 'Yeah!.. She's nothing to me..But-- but she makes me smile'
"Damn it!.." naramdaman ko na naman ang sakit pagsakit ng ulo ko. Napaupo ako sa upuan at niyuko ko ang ulo ko sa study table.
"Pabili nga bata, magkano ba isang stick?" She asked.
"Ate, libre po yung stick pagbili yung bananaque"
"Niloloko mo ba ako, bata?" masamang tingin niya.
"Hindi po, Ate"
"Pabili kid ng anim" abot ko ng five hundred.
"Kuya, wala po akong papalit dyan"
"Bumibili naman siya hindi nagpapalit"
"Ate, ba't ang slow mo?" Abot sa akin ng banana.
"Bakit ang gulo mo kausap?" She asked.
"Stop it! Let's go." hila ko sa kanya. "Keep the changes, kiddo."
"Sabi ko, ako ang malilibre bakit ikaw nagbayad?" pagrereklamo niya.
"Shut up. Don't be highblood" inabot ko sa kanya yung banana. Na mukha namang masarap.
"First time mo lang ba makakain ng bananaque?"
"This?" taas ko sa kinakain ko. "Yes?" kumain na ako.
"Masarap ba?"
"Oo. I want to tell you something, Twilight" tingin ko sa kanya.
"First time mo yata akong tawaging Twilight? Ano ba yun sasabihin mo?" She looked at me.
"That-- I-I l-like you"
"No... Darn it!.." hinawakan ko yung ulo ko sobrang sakit.
"Hahaha! Totoo ba yan?"
"Yes, I like you, Twilight" I say it again.
"Ano bang dapat kong sabihin?... Ahh!... Bibili lang ako ng panulak ha? Sandali lang. Wag kang susunod!" Naglakad siya ng mabilis patawid ng kalsada. 'It's her the first time na may mag-confess sa kanya ng feelings? Damn!'
Hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko, nang bigla nalang magdilim ang paningin ko.
"Cloude!"
~~~
Nang may humintong van sa tapat ng pinagbibilan nya. Humarang yung van kaya hindi ko makita ang hinahanap ko. Napansin ko ang samang tingin sa akin ng lalaki kaya napatayo ako, at tumakbo papatakbo ako papunta sa kung saan.
'Asan na sya?' Umandar ng mabilis ang sasakyan ng marinig ko ang malakas na tawanan ng nasa loob.
'Damnit! Where is she?' Tumingin ako sa buong paligid pero wala.
Napatakbo ako sa papunta sa dereksyon ng van.
"Hollis!... Hollis!..." Napalingon ako ng makita ko syang papatakbo sa akin.
"Saan ka pupunta? Sino hina--" I hugged her. I don't know, but my heart beating faster. And this time I want to hugged her for escape my nerveousness.
"Aray! Wag madiin, Hollis" I smiled. Because she like my hug.
"You like my hug? huh" I asked her while I'm smiling.
"Oo, parang hug ni Tatay"
"I'm not your father"
"Ikaw talaga, syempre lalaking mukhang babae , hindi ikaw ang Tatay ko no? Gwapo ang tatay ko. Hayy! Bitiwan mo na nga ako. Chansing ka rin eh!" Ngumiti na lang ako sa sinabi niya.
Inakbayan ko na lang siya at napatingin sa paligid. Nakatingin sa amin yung mga tao.
"Nakakahiya!" bulong niya.
Napatingin ako sa isang babaeng nakatayo sa malayo na nakatingin sa akin. "Sky?"
Napadilat ako at napapikit uli dahil nasilaw ako sa liwanag. "Babe!... Gising kana.. Pati pala sa panaginip mo kasama ako" I heard her. I opened my eyes. "Babe!" tumingi ako sa paligid at nasa kwarto ko parin ako.
"What happened?"
"Nakita kita na walang malay sa study table mo, tumawag ako ng tulong pero wala yatang tao dito pwera sa'yo. How are you feeling right now?"
"Better than before..." umupo ako sa kama ko.
"Buti naman, halos four hours kanang natutulog.. But you know what? I'm happy dahil kahit sa panaginip mo ako ang nakikita mo" she smiling infront of me. "Anong yung napanaginipan mo?"
"I don't know. I forget it" I smiled to her. "Thank you, Sky"
"You're welcome, babe."
~~~
Nakaalis na si Sky kaya kinuha ko na ang cellphone ko para tawagan si Philip.
"Philip, I need to talk to Ken"
"Personal or on the phone?"
"Phone, I guess?.. Nandyan ba si Grayson?"
"Wala. Baka may ginagawa. Lagi naman yung busy"
"Okey... I need to talk Ken asap."
"Klaro!"
Nilagay ko na sa bulsa ko ang phone ko at naglakad na ako palabas ng kwarto ko. Kailangan kong lumabas at kumuha pa ng mga impormasyon para sa mga gumulo sa isip ko. I guess she's right.
"Kung tunay mo silang kaibigan may concern sila sa'yo. Malay mo may ginawa sa'yo yung girlfriend mo? Noon pero hindi mo na ngayon alam. Kasi nga may amnesia ka... Pero syempre kailangan mo munang malaman ang totoo.. Lahat naman ng bagay may tamang oras para malaman ang lahat" I smiled.
Naglakad na ako papunta sa labas. I'm fine now, mas magandang maghanap ng impormasyon kapag gabi. Mas daling mapasok ang mga system ng walang nakakaalam. 'I need to know everything'.
* * * * * *