Chapter Eleven:
Mike Winz's POV
(Jordan Merrick)
Nang masigurado ko nang nakaakyat na si Homer sa hagdan tumingin ako kay Mr. Merrick na masamang nakatingin sa akin. "Hindi mo alam ang sinasabi mo" sabi niya sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ipagkakatiwala mo ang kapatid mo sa taong hindi mapagtanggol ang sarili niya?. Alam mo ang ibig kong sabihin, Jordan?!"
"Bakit ikaw? ipagkakatiwala mo ang anak mo sa taong hindi niya mahal? hindi man lang niya kilala? Sino ang gusto mo para kay Jessieca?. Maghahanap ka ng taong kaya siyang ipagtanggol? tapos ilalayo mo ang taong mahal niya?" sunod-sunod na tanong ko. "Gustong-gusto ninyo ba talagang pinapakialaman ang buhay ng anak ninyo na masaya naman?. Masaya siya kay Homer, anong problema mo doon?" tingin ko kay Mr. Merrick.
"Hindi mo ba alam kung gaano kadilikado ang buhay ni Jessica? tapos walang alam ang taong makakasama niya?. Kaya manahimik ka sa desisyon ko!"
"Gusto mong mawala ang anak mo sa'yo? Sige, ipagpilitan mo ang gusto mong mangyari. Ipagpilitan mo ang desisyon mo yan" ngisi ko.
"Hindi ko maiintindihan, nakikita ninyo naman na masaya siyang kasama si Homer. Pero bakit gusto ninyong mawala ang taong nagpapasaya sa kanya? Ayaw ninyo bang maging masaya ang anak ninyo?" tingin ko sa kanilang dalawa.
"Hindi mo alam ang pinagsasabi mo? Kaya wag kang mangelam sa desisyon ko!"
"Wala sana akong pake sa desisyon mo kung hindi mo papakialaman ang kasiyahan ni Jessieca. Mas mahigpit ka pa yata kay Mr. Harwell pagdating kay Jessieca." lumapit siya sa akin at agad akong sinuntok.
"James! Bakit mo nagawa sa anak mo 'yun?!" sigaw ni Misis Merrick sa kanyang asawa. Alam kong gagawin niya 'yun sa akin pero hindi ako umiwas. Humawak ako sa panga ko habang nakatingin sa kanya. 'Nak nang!. Ang gwapo kong mukha'.
"Wala kang respeto!" turo ni Mr. Merrick sa akin.
"Respeto?!" tumawa ako ng malakas. "May gana ka pang sabihin yun? Eh? Ikaw nga walang respeto sa anak mo?. Nagdidesisyon ka ng hindi niya alam?... At alam mong masasaktan siya? Nasaan ang respeto mo doon?"
"Jordan tama na!..." sagot ng tunay kong ina.
"Tama na?!... Wag ninyong kontrolin ang buhay ni Jessieca, yun lang! Wag ninyo na siyang saktan, pwede ba?" tingin ko kay Misis Merrick na ina ko. "Pwede naman siguro 'yun?" tingin ko sa ama ko. "Kung marinig ni Jessieca ang sinabi mo kay Homer, baka bumalik pa siya sa taong kumupkop sa kanya. Kay Harwell. Walang pakealam 'yon, sa relasyon nila ni Jessieca, tapos papakialaman ninyo sila? Paghihiwalayin mo sila?"
"Hindi niya magagawa yun. Kami ang tunay niyang magulang, at maiintindihan niya ang desisyon namin dahil mahal niya kami" pasigaw na sabi ni Mr. Merrick.
"Kaya nagtiwala siya agad sa inyo dahil magulang namin kayo. Pero... mukhang sisirain ninyo na agad ang tiwala nya sa inyo. Kaya pag-isipan ninyo mabuti ang mga gagawin ninyong desisyon, lalo na kung kasama kami sa mga desisyon na 'yun. May isip na kami, at may sakit si Jessieca. Kung masasaktan si Jessieca sa mga desisyon ninyo, baka mawala kami sa inyo"
"Hindi ako katulad ni Jessieca na madaling magtiwala, kaya wag ninyong sirain ang tiwala niya sa inyo. Kung mawawalan ng tiwala sa inyo si Jessieca, mawawala rin ako sa inyo" tingin ko sa ina ko.
"James..." hawak niya sa braso ng ama ko.
"Tinatakot mo ba kami?"
"Natatakot ba kayo?" tingin ko sa kanila. "Ayos lang naman na wala ako dito, hindi ba?."
"Jordan, mahalaga ka sa amin" lapit sa akin ng ina ko.
"Salamat po kung mahalaga ako sa inyo. Pero sana hayaan ninyo si Jessieca na sumaya, kahit ako na lang ang isakripisyo ninyo sa lahat ng bagay na gusto ninyong mangyari. Kaya ko naman, wag lang si Jessieca. Kaya tama na ang pagkontrol sa kanya. Naranasan na niya 'yun sa taong kumopkop sa kanya, wag ninyo na ulit gawin 'yon sa kanya."
"Kaya kong protektahan si Jessieca kung hindi man siyang kayang protektahan ni Homer. Basta wag ninyo lang ilalayo si Homer sa kanya, dahil noong nasasaktan siya sa piling ng kinilala niyang magulang si Homer ang nasa tabi niya at kahit isa sa atin wala sa tabi niya" nakita ko nagbago ang itsura ng mga magulang namin. Sigurado ako na naiintindihan nila ang ibig kong sabihin. "Sana naiintindihan ninyo ho ako" nakatingin lang sila sa akin at naglakad na ako papunta sa pinto. "Aalis na po ako" binuksan ko ang pinto at naglakad ako papunta sa sasakyan ko.
Pumasok na ako sa sasakyan ko at napahawak ako sa panga ko na masakit pa rin. Napatingin ako sa front mirror at napangiti ako ng maalala ko ang mga sinabi ko kanina sa tunay kong magulang. "Nasabi ko ba 'yun sa kanila?" napailing ako. "Hindi ko akalain na masasabi ko 'yun para ipagtanggol ang lovelife ng kambal ko." napakamot ako. "Subukan lang ng Homer na 'yun na saktan si Jessieca, makakatikim talaga siya sa akin!"
"Pinagtanggol ko pa yata ang mokong na yun! Tss!"
* * * * * *
Jacob Rox's POV
Napasandal ako sa upuan ko habang nakatingin sa monitor ng computer ko sa opisina. Nangiti ako at napalingon ako sa tabi ko kung saan nakapwesto si Pippa. Napasimangot ako ng maalala kong wala nga pala siya ngayon, wala pala akong maiinis ko at makukulit. Kasam siya ng magulang niya, nag-out of town sila. Ilang araw na silang umalis, pero hindi pa rin ako sanay na wala siya sa tabi ko. Lalo pa at hindi man lang siya tumatawag o nagte-text sa akin. 'Nakaka-miss tuloy ang Pippa ko.'
Balik office muna ako bilang internship dahil baka magalit na ang supervisor namin kung palagi kaming wala bilang sa intern namin. Sila Tito Dark at ang mga tauhan niya muna ang bahala kay Twilight para magawa kong ang resposibilidad ko bilang estudyanteng matalino at gwapo. Alam kong magagalit sa akin si Pippa dahil hindi ko nababantayan si Twilight, pero mas kailangan kong sundin si Tito kaysa sa kanya. 'Sorry, Pips'. Kinakamusta ko naman si Twilight madalas para may alam pa rin ako tungkol sa kanya na pwede kong sabihin kay Zhynly kung sakaling magtanong siya.
"Jacob, coffee tayo" yaya ni Carmina sa akin. "Tara!" hawak niya sa palapulsuhan ko.
"Wag kitang makikita na kasama mo 'yang babaeng yan. Tingin palang sa'yo gustong-gusto ka talaga. Kung wala lang ako at hindi lang yan takot sa akin, malamang nilapitan ka ng babaing yan!"
"Selos ka lang eh!"
"Gusto mong masapak!. Selos ka dyan!."
"Ayoko kong masapak gusto ko ng kiss" nguso ko. Ngumiwi siya at kinurot ang nguso ko. Nalasan ko tuloy ang dugo. Sadista diba?.
Bigla tuloy akong napangiti ng maalala ko si Pippa. 'Nakakamiss na talaga siya'. "Wag mo akong ngitian, alam kong maganda ako" kindat ni Carmina. "Sumama ka nalang sa akin"
"Ha? Hindi naman ikaw ang ngini-ngitian ko. Naalala ko lang si Pippa" tingin ko sa kanya at nakita ko ang pag-ikot ng mata niya. Nakita kong biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya, nakangiti na siyang nakatingin sa akin.
"So? Naaalala mo pala sa akin si Zhynly?" lapit niya sa mukha niya sa mukha ko. "Pwede naman na maging ako si Zhynly habang wala pa siya" ngiti niya at hinawakan niya ang kamay ko na kanina lang galing sa pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko.
Agad kong tinanggal ang kamay niya at tumingin sa paligid. Kami na lang dalawa ang tao sa loob ng opisina. Hinawakan niya ang dibdib ko na kinainit ng ulo ko. "Kapag hindi mo tinanggal 'yan baka makalimutan kong babae ka" pananakot ko sa kanya. Nakita kong ngumiti siya at mahinang pang tumawa.
Tinanggal niya ang kamay niya sa dibdib ko habang hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa kanyang labi. "Alam mo, nakakatakot ka. But I still like you" hinawakan niya ang magkabilang hita ko at nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya at tumayo sa upuan ko. Mabilis akong naglakad papunta sa pinto ng opisina para lumabas.
"Hey! Jacob, niloloko lang naman kita!" rinig ko sabi niya at alam kong hinahabol niya ako. Nang makalabas ako ng opisina at naglalakad sa hallway na iisip ko ang itsura ni Pippa kapag nalaman niya ang eksena namin ni Carmina. 'Nakakapanindig balahibo talaga ang nangyari kanina. Hindi ko akalain na may ganun babae. Buti na lang hindi ganun ang Pippa ko. Pero kaya niya akong baliwalain, hindi man lang ako tinatawagan. Namimiss ko na siya. Alam ko naman hindi siya manlalaki, masyado lang siguro siyang masaya sa bakasyon niya kaya nakalimutan niya siguro na may boyfriend siyang nag-aalala at nakaka-miss sa kanya.'
"Sorry na" napalingon ako sa kumapit sa braso ko.
"Hoy!" tanggal ko sa pagkakapit sa braso ko. Tumawa lang siya habang nakatingin sa akin.
"Kape na tayo as friends lang" sabi pa niya.
"Iba na lang ang yayain mo" sabi ko at naglakad na ako palayo sa kanya. Pumunta ako sa comfort room para hindi na niya ako masundan. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad kong kinuha sa bulsa ko. 'Number lang.' "Hello" sagot ko sa tumawag sa akin.
"Ang kapal ng mukha mong makipaglandian sa isang 'yan! Porket wala ako!"
"Pips?. Ikaw ba yan?" hindi ko alam pero parang gusto kong umiyak sa saya dahil tumawag siya. Kakamiss talaga siya pero mukhang galit siya.
"Oo, ako 'to, Jacob. Bakit hindi ka sumasagot?!" Narinig ko na lang na napahikbi ako dahil narinig ko rin ang boses niya. Para akong tanga!. "Umiiyak ka ba?!"
"Hindi no?. Namimiss lang kita, Pips ko"
"Miss?!.... Mukha mo!. Kasama mo nga ang Carmina na yun. Miss your face, Jacob!. Pahawak-hawak pa siya sa'yo! Nagustuhan mo naman!"
"Hindi no! Naiinis na nga ako kanina pa sa kanya... Ayoko na ngang pag-usapan 'yun. Kailan ka ba uuwi? Bakit ngayon ka lang tumawag? I miss you so much, Pips."
"Hindi ko pa alam kung kailan ako uuwi. Baka hindi na lang kung mangbabae ka lang, wag kang mambabae kung gusto mong magtagal tayo. Kapag ginawa mong mangbabae, wala kanang aasahan sa akin, Jacob"
"Opo, hindi ako mangbabae no? Kahit wala ka nga dito, ikaw lang sapat na" sabi ko.
"Tigilan mo ako sa mga ganyan mo, sige na... Tatapusin ko na ng tawag"
"Teka lang—"
"I miss you too and I love you, Jacob Rox." napangiti ako sa narinig ko mula sa kanya. Nakakilig. Ang bakla ko naman.
"I miss you more and I love you more and more"
"Malapit na akong bumalik.. Soon" sabi niya at nawala na siya sa kabilang linya.
Lumabas na ako ng comfort room, pero bumali ako agad ng makita ko na naghihintay si Carmina. Hindi ko alam kung ako ba ang hinihintay niya pero may magandang umiwas na lang sa kanya. Kaya pumasok na lang ako sa ulit at naghintay pa ng ilang minuto. Alam ko naman na aalis rin siya. Ayokong masira ang tiwala sa akin ni Pippa.
* * * * * *
Lora Zonia's POV
Nandito ako sa isang restaurant para kumain mag-isa, wala na naman kasi ang kakambal na hindi pa rin nagsasawa na mapalapit kay Twilight. 'Paano niya kaya titigilan si Twilight?' Gusto ko naman si Twilight para kay brother, pero ayokong si brother lang ang nagmamahal sa kanila. 'Ayaw naman niya sa ibang friends ko?'.
"Here's your order, Miss" lagay ng waiter sa lamesa ng pagkain na in-order ko.
"Thank you" sabi ko ng mailagay na niya ang pagkain sa lamesa. Kinuha ko na ang kinidor at kutsilyo para kumain pero naramdaman kong may nakatingin sa akin kaya napatingin ako sa paligid. 'Bakit siya nakatingin sa akin? Alam kong maganda ako.'
Ngumiti siya at naglalakad papunta sa akin habang nakatingin lang ako sa kanya. "Hi! Diba, ikaw 'yung kapatid ni Lourd? Ako nga pala si Rexie" pakilala niya at inilahad pa niya ang kamay niya sa akin.
"I know you. Anong kailangan mo sa akin? FYI, ayokong naiistorbo kapag kumakain ako"
"Ayy!.. Sorry. Gusto ko lang kasing kumain ng paborito ko dito, kaso wala na silang pwesto dahil nabigay ko sa iba 'yung pina-reserve ko. Pwede bang maki-upo? kung okey lang?"
"Sir, dito po ba kayo?" tanong ng waiter sa kanya at nakatingin din ang waiter sa akin.
Huminga ako ng malalim at tumango. "May magagawa pa ba ako? Nandito na kayo eh!. Baka ipagkalat ninyo pa masama ako. Ipagkalat ninyo na lang na maganda ako" tingin ko sa kanya at tinaasan ko pa siya ng kilay. "Anong nginigiti mo dyan?"
"Wala naman. Uupo na ako" sabi niya at inilagay na ng waiter ang order niya. "Mabait ka rin pala tulad ni Lourd"
"Hindi ka sure" sabi ko.
"Sabi mo eh..." kibit balikan niya. "Let's eat" aya niya habang nakangiti pa rin.
"Pwede wag kang ngumiti? Nakakawalang gana kasi, parang pinag-iisipan mo ako ng masama. Alam mo ba 'yun?"
"Ganun? Porket nakangiti ako, ganun na ang tingin ko sa'yo?"
"kaya nga 'parang' diba?"
"Okey?" sabi niya at tumango pa. Sinimulan na niyang kumain at ganun rin ako. Akala ko, magiging tahimik lang ang pagsasalo namin dalawa. "Iniwan ka ba ng date mo?" tanong niya saktong kakasubo ko lang ng kinakain ko kaya nabulunan ako. Kinuha ko ang baso at uminom agad. Tinignan ko siya ng masama at kita kong nag-aalala ang mukha niya dahil sa nangyari sa akin. 'Ang dali naman basahin ng mukha niya.'
"Okey ka lang?" tanong niya pa na lalong kinasama ng tingin ko sa kanya. 'Nagtanong pa talaga siya? Ganito ba talaga ang mga kaibigan ni Cloude? Si Cloude at Grayson lang ang matino sa kanila. Pero hindi rin ako sigurado, baka may tinatago rin sila.'
"Wag mo naman akong tignan ng ganyan... Nakakatakot ka eh?" sabi niya at biglang sumubo ng pagkain at ngumiti. 'Ngiti na naman'.
"Sa tingin mo okey ka lang kapag nabulunan ka?" sarkastikong tanong ko. Tumawa lang siya at umiling. "Sagutin mo nga ako—"
"Hindi ka pa naman nanliligaw sasagutin na agad kita. Tyaka chill ka lang! Babae ka, ikaw dapat ang nililigawan" ngiti niya ulit.
"What?!" masamang tingin ko sa kanya. Ibinaba ko na ang hawak kong tinidor at kutsilyo. 'Hindi na nga naging tahimik ang buhay ko sa pagkain, may makakasama pa akong ganitong tao.' Siguro namumula na ako sa galit dahil sa mga walang kwentang sinasabi niya.
"Wag mong sabihin tama ang sinabi ko? Namumula ka ba dahil kinikilig ka?" sabi niya at tumawa pa ng malakas na akala mo walang ibang tao na nasa paligid niya. 'Hindi na nahiya sa mga taong nasa paligid niya'.
"Bakit? Sila ba ang magbabayad ng kinakain ko para mahiya ako sa kanila?. Kumain na lang tayo, para hindi kana magalit. Wag kang mag-alala hindi na kita iinisin" ngiti niya. "Ang sagot ko nga pala sa tanong mo kung sasagutin kita. Hindi" sabi niya at ngumiti na naman.
"Jerk!." tumayo ako sa kinauupuan ko at kumuha ako ng pera at nilagay ko sa table ko. "Ang kapal ng mukha mo! Wag na wag kang magpapakita sa akin, parehas lang kayo ni Mike. Mga siraulo!" inis akong umalis.
"Hoy! Joke lang naman" habol niya sa akin.
"Joke lang?. Mali pala ako na pinaupo ka. Tss!" I rolled my eyes. "Kumain kana lang doon, baka kapag nakakain ka maisip mo ang mga sinabi mo. Sinira mo lang ang araw ko!." naglakad na ako palabas ng restaurant at mabilis na pumunta sa sasaktan ko. Nagdesisyon na lang ako na pumunta sa bahay ni Kuya Clarkson. 'Sana nadoon siya at sana may pagkain siyang niluto. Nagugutom na ako, sinira ng Rexie na 'yun ang katahimikan ko sa pagkain ko. Sana magbulunan siya!.'
~~~
Nakababa na ako sa sasakyan ko ng makita ko si Kuya Clarkson na nakatingin sa akin habang nasa pintuan siya ng kanyang bahay . May sarili siyang bahay, pero nakatira pa rin siya sa bahay namin. Wala na kaming magulang dahil patay na sila kaya si Kuya Clarkson na ang nag-aasikaso sa lahat.
"What are you doing here, Lora?"
"Nagugutom na ako, Kuya." I pouted.
"Akala ko sa restaurant ka nalang kakain?"
"May asungot kasi na inistorbo ako sa pagkain ko, kaya umalis ako"
"Let's go inside. Sinong asungot ang sinasabi mo? Tyaka nasaan si Lourd? Bakit hindi ka niya sinamahan sa pagkain?"
"Yung asungot si Rexie, kuya. Isa sa kaibigan ni Cloude, kung anu-anong sinasabi niya. Sana talaga, mabulunan siya! Tss!. At si Lourd naman, ewan ko sa isang 'yun!... Baka pumumta na naman kay Twilight, alam mo naman 'yun... Patay na patay kay Twilight. Tss!" kwento ko at nakatingin lang siya sa akin. "Papakainin mo ba ko o titignan mo lang ako at tatanungin?" tanong ko sa kanya at ngumuso.
"Tara sa kusina. Gutom ka na nga ang init ng ulo mo" gulo ni Kuya sa buhok ko.
"Kuya!... Hindi na ako bata wag mo nang guluhin ang buhok ko!"
"Wala ka pa naman boyfriend kay baby ka pa ni Kuya"
"Kuya, sweet sana sa iba pero kinikilabutan ako. Pwedeng itigil mo na?... Tyaka kung magkakaboyfriend naman ako, alam kong papakialam ninyo ako. Kaya pakainin mo na lang ako dahil ayun ang kailangan ko, ang hindi boyfriend. Ano bang pagkain mo dyan?" nauna na ako sa kusina.
"Instant noodles" nalalag ang ang balikat ko sa sinabi niya.
"Pagkain ba yun?... Naman kuya eh! Magluto kana gutom na talaga ako" naiinis na ako.
"Tinawag mo pa akong kuya kung uutusan mo lang ako. May niluto ako kanina, iinitin ko nalang. Umupo kana dyan" sabi niya at kumuha ng plato kaya napangiti ako dahil makakain na rin ako. Si Kuya Clarkson lang talaga ang maaasahan ko. Si Lourd, puro Twilight naman ang nasa isip ng isang 'yun.
"Aalis din pala ako, kaya kumain kana lang dyan. May pupuntahan pa kami ni Hon." sabi niya kaya napangiwi ako. 'Isa rin siya! Parehas lang sila ni Lourd! Si Amber din ang nasa isip niya. Edi sila na ang may lovelife! Basta ako, kumakain lang ng walang istorbo masaya na ako'.
"Okey lang naman na maiwan ka dito, diba?"
"Sige lang kuya. Sanay na naman akong naiiwan" taas ko sa kamay ko at kumaway. "Ingat ka, patulog na lang muna ako dito ha?"
"Okey!" sagot niya at ginulo ang buhok ko. "Call me if you need something" sabi niya at tumango lang ako at ilang sigundo lang narinig ko nang umalis ang sasakyan niya.
Kumain na lang akong mag-isa. 'Buti na lang masarap ang luto ni Kuya' kumpleto rin ang mga kailangan ko habang kumakain dahil hinanda na ni Kuya Clark para sa akin. May baso at tubig kaya na-enjoy ko ang pagkain ko na mag-isa.
* * * * * *
Rexie's POV
Naubos ko na ang pagkain ko at napatingin ako sa kinauupuan kanina ni Lora na kambal ni Lourd. Siya ang nagpa-reserve ng upuan tapos ako lang ang kumain doon. Mukhang nainis din siya sa mga sinasabi ko kahit biro lang naman ang mga 'yun. Nakaka-guilty lang kasi umalis siyang konte lang ang nakain niya. 'Dapat pala tumahimik na lang ako, para nakakain siya ng maayos.'
Tumayo na ako pagkatapos kong makapagbayad. Nagtext si Mike dahil gusto niya daw mag-inom sa condo unit niya. Kaya doon na ako dumiresto. 'Mukhang may problema ang isang 'yun.'
"Nandito kana pala, pasok tinext ko rin si Travis at Grayson susunod daw sila" bungad ni Mike.
"Eh? Si Cloude?" tanong ko sa kanya at nagkibit balikan lang siya. "Hindi mo tinext?"
"Oo na, itetext ko na" sabi niya na parang napipilitan lang. Naglakad na ako papasok at naupo na ako sa couch.
"Nakita ko nga pala si Lora, 'yung kambal ni Lourd. Nakita ko siya sa isang restaurant"
"Oh? Tapos? High blood ba sa'yo?" tawa niya. "High blood naman yata yun lagi, akala ko nga mabait yun. Kasi kaibigan sila ni Miss Twilight"
"Mukha naman siyang mabait, mainit lang yata ang ulo niya kanina dahil gutom, tapos kung anu-ano pa ang sinabi ko kaya hindi rin siya nakakain ng maayos" kamot ko sa ulo ko.
"Ano yun laging gutom? Ginugutom yata yun ng mga kapatid niya" biro ni Mike at tumawa pa. "Teka, ibig mong sabihin, nagsabay kayong kumain?"
Nabuntong hininga ako. "Naki-upo ako sa table niya kasi binigay ko 'yung pina-reserve ko... Pamilya kasi 'yung pumasok kaso wala naman silang reservation kaya binigay ko na lang 'yung sa akin. Ako lang naman mag-isa ang kakain. Tapos nakita ko siya at tinanong ko kung pwede akong makiupo at pumayag naman siya."
"O? tapos? Ano 'yung sinabi mo kaya hindi siya nakakain ng maayos?"
"Ha? Wala" iling ko.
"Kinu-kwento mo na nga tapos mangbibitin ka pa dyan! Sabihin mo na habang tayo pa lang dalawa." upo ni Mike sa tabi ko. 'Chismoso talaga!'.
=*FLASHBACK*=
"Salamat po" ngumiti lang ako sa magpapamilya at sinabi rin nila na ililibre nila ako ng gusto ko pero tumangi ako.
"Sir, ready na po ang order ninyo" sabi ng waiter sa akin. "Meron din po kaming extra table pa, kayo lang naman po mag-isa"
"Okey" sabi ko.
Napatingin ako sa paligid ng makita ko si Lora na nag-iisa. 'May date?' pero nakita ko na dumating ang waiter at inilagay ang pagkain sa harap niya. 'Siya lang pala mag-isa.'
Lumingon siya sa paligid at napatingin siya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Naglakad ako papunta sa kanya habang magkatinginan kaming dalawa. "Hi! Diba, ikaw 'yung kapatid ni Lourd? Ako nga pala si Rexie" pakilala ko at inilahad ko sa kanya ang kamay ko.
"I know you. Anong kailangan mo sa akin? FYI, ayokong naiistorbo kapag kumakain ako"
Binawi ko na ang kamay ko na hindi man lang niya pinansin. "Ayy!.. Sorry. Gusto ko lang kasing kumain ng paborito ko dito, kaso wala na silang pwesto dahil nabigay ko sa iba 'yung pina-reserve ko. Pwede bang maki-upo? kung okey lang?"
"Sir, dito po ba kayo?" tanong ng waiter sa akin at nakatingin din ang waiter sa kanya.
Huminga siya ng malalim at tumango. "May magagawa pa ba ako? Nandito na kayo eh!. Baka ipagkalat ninyo pa masama ako. Ipagkalat ninyo na lang na maganda ako" tingin niya sa akin at tinaasan pa niya ako ng kilay. "Anong nginigiti mo dyan?"
"Wala naman. Uupo na ako" sabi ko dahil sa sinabi niya pumapayag na siya na doon ako maupo. Inilagay na ng waiter ang order ko. "Mabait ka rin pala tulad ni Lourd" sabi ko.
"Hindi ka sure" sagot naman niya.
"Sabi mo eh..." kibit balikan ko. "Let's eat" aya ko habang nakangiti pa rin sa kanya.
"Pwede wag kang ngumiti? Nakakawalang gana kasi, parang pinag-iisipan mo ako ng masama. Alam mo ba 'yun?"
"Ganun? Porket nakangiti ako, ganun na ang tingin ko sa'yo?"
"kaya nga 'parang' diba?"
"Okey?" sabi ko at tumango pa. Sinimulan ko nang kumain at ganun din siya. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali sa katahimikan namin habang kumakain.
"Iniwan ka ba ng date mo?" tanong ko saktong sumubo siya ng pagkain at nabulunan. Kukuhain ko na sana ang baso para ibigay sa kanya pero nakuha na niya. Uminom habang nakatingin sa akin ng masama.
"Okey ka lang?" tanong ko na lalong kinasama ng tingin niya. 'Malamang hindi siya okey, ikaw kaya mabulunan!'
"Wag mo naman akong tignan ng ganyan... Nakakatakot ka eh?" sabi ko at sumubo ng pagkain at ngumiti sa kanya.
"Sa tingin mo okey ka lang kapag nabulunan ka?" sarkastikong tanong niya. Tumawa lang aki at umiling. "Sagutin mo nga ako—"
"Hindi ka pa naman nanliligaw sasagutin na agad kita. Tyaka chill ka lang! Babae ka, ikaw dapat ang nililigawan" biro ko at ngumiti sa kanya.
"What?!" masamang tingin niya sa akin. Ibinaba niya ang hawak niyang tinidor at kutsilyo. 'Mali yata ang biro ko.' Nakikita ko na namumula na siya sa inis o galit dahil sa sinabi ko.
"Wag mong sabihin tama ang sinabi ko? Namumula ka ba dahil kinikilig ka?" dagdag ko at tumawa pa para malaman niya na nagbibiro ang ako. Napalakas pa nga ang tawa ko kaya may ibang tumingin sa amin.
"Hindi na nahiya sa mga taong nasa paligid niya" bulong niya.
"Bakit? Sila ba ang magbabayad ng kinakain ko para mahiya ako sa kanila?. Kumain na lang tayo, para hindi kana magalit. Wag kang mag-alala hindi na kita iinisin" ngiti ko. Bigla kong naalala ang tanong niya. "Ang sagot ko nga pala sa tanong mo kung sasagutin kita. Hindi" ko at ngumiti ulit. 'Tanga ka, Rexie. Dapat nanahimik ka nalang'.
"Jerk!." tumayo siya sa kinauupuan niya at kumuha ng pera sa bag niya at inilapag sa lamesa. "Ang kapal ng mukha mo! Wag na wag kang magpapakita sa akin, parehas lang kayo ni Mike. Mga siraulo!" inis na sabi niya. 'Nagkikita sila ni Mike?' bigla akong natigilan.
"Hoy! Joke lang naman" habol ko sa kanya.
"Joke lang?. Mali pala ako na pinaupo ka. Tss!" Ikot ng mata niya. "Kumain kana lang doon, baka kapag nakakain ka maisip mo ang mga sinabi mo. Sinira mo lang ang araw ko!." naglakad na siya palabas ng restaurant at sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makasakay na siya sa sasakyan niya.
Gusto ko sanang habulin pa siya para mag-sorry pero nakaalis na ang sasakyan niya. Bumalik na lang ako sa table namin at nakita ko na dumating ang iba ko pang in-order para sa kanya.
=*END OF FLASHBACK*=
Tumawa si Mike pagkatapos kong magkwento. "Feeling close ka naman kasi" sabi niya. "Tyaka, bakit naalala ako ng babaeng 'yun?" tumawa pa siya. "Ahh! Dahil napagkamalan ko ang sasakyan niya na sa akin." paliwanag niya kaya tumango ako.
"Akala ko may gusto ka sa kanya eh"
"Wala no—teka lang!" tinignan ako ni Mike.
"Ano 'yun?" takhang tanong ko.
Ngumiti siya na parang tanga. "May tinatago kang no?" turo niya sa akin. "Kahit hindi mo na sabihin, pre. Alam ko na" tawa pa niya. "Kung ako sa'yo mag-sorry kana sa kanya o kaya ihanda mo ang sarili mo"
"Bakit ko naman ihahanda ang sarili ko? Maghanda? Anong klaseng paghahanda?" takhang tanong ko. "Yung may pagkain ba yun?"
"Tanga hindi. Maghanda ka kapag nagkita kayo ni Clarkson. Baka nagsubong yun sa kuya niya. Yari ka!" turo niya sa mukha ko. "Baka magsubong rin 'yun kay Lourd"
'Tang na pineapple.. Tinakot pa ako'. Napailing na lang ako. Bahala na si Iron Man. "Bakit ang tagal nila?" pagbabago ko sa usapan namin.
"Darating din yun. Si Cloude hindi daw pupunta. Kasama niya daw si Althea Skyler"
"Ayaw paistorbo" sabi ko na lang.
May nagdoorbell kaya pumunta si Mike sa pinto. Sigurado ako sila Travis at Grayson na yan.
"Lourd! Buti nakapunta ka" sabi ni Mike kaya napatingin ako sa kanila. "Rex, si Lourd oh!" turo pa ni Mike sa kanya at napatingin naman sa akin si Lourd. 'Bakit nandito 'yan?'
"Niyaya ka ni Mike?" tanong ko. Tumango naman siya kaya napatingin ako kay Mike na hindi maalis ang ngiti.
"Buti nakapunta ka" sabi ni Mike sa kanya.
"Wala naman akong ginagawa, kaya pumunta na lang ako" sabi ni Lourd.
Nakita kong papasok si Grayson at si Travis. "Past muna ako sa inuman ninyo. Patulog ako, Mike" sabi ni Grayson na mukha masama ang pakiramdam niya. Diretso siyang pumunta sa kwarto ni Mike.
"Hang-over? O umiiwas lang sa tanong ko?" tanong ni Travis at ngumiwi na pang-asar.
"Ano bang meron kay Grayson?" tanong ni Mike.
"Sige! Subukan ninyong pag-usapan ako habang tulog, mayayari kayo sa akin!" sigaw ni Grayson sa kwarto ni Mike.
"Hahaha!. Takot lang men?"
"Sapak ka sa akin, Travis White!"
"Hahaha!" pang-asar na tawa ni Travis.
Naupo na sa tabi ko si Lourd habang nakikinig kanila Grayson at Travis. Tumatawa rin siya sa mga sinasabi ni Travis kay Grayson. Tumingin ako kay Mike at ngumiti siya sa akin at nginuso si Lourd na katabi ko. 'May binabalak ang siraulong 'to!'
* * * * * *
A/N: Medyo tatagal ang update ko... hehe! ^^✌