Gusto ko lang mag pasalamat sa mga army readers ko, sana dumami pa kayo at i-vote nyo na din. Suggest kayo kung sino ang next, kung sino ang may pinakamadaming name suggestions sya ang gagawin ko. Saranghaeyo, Borahae. This is the final chapter please enjoy.
Kate's POV
(4 years later)
Pagkatapos kong mangarap hindi ako makapaniwala na ganito ang swerteng dadapo sakin una, citizen na ako dito sa Sokor, pagkatapos nagkaroon ako ng mga kaibigan at higit sa lahat kasama ko ang lalaking tinitibok ng puso ko, ang bias ko si Rm, de joke lang si Yoongi bebelabs ko.
May sarili na akong bahay, at mas tumibay pa ang relasyon namin ni Suga. Alam na din ng publiko ang tungkol sa amin at hindi ito naging madali sa una, dahil may mga fans na hinusgahan ako dahil sa single mother ang jowa ng lolo nyo, at madami pa akong nakakatakot na karanasan mula sa mga sasaeng fans.
Pero lahat yun ay kinaya ko at para na din kay Yoongi. Close din kami ng mama nya. Mama lang ni Yoongi ang nakakapagpatiklop sa kanya. Hahaha, sorry Baby. At ngayon engaged na kami. Kahit na madami akong bashers mas marami naman ang mga co-army ko na sumusuporta sa amin, binigyan ko daw sila ng hope na baka isa din sa kanila ang mapang-aasawa ng bangtan.
Well nothing is impossible!
Kung kelangan mong habulin ang isang pangarap para makamtan ito, edu gumamit ka ng matibay na sapatos, yung may spike para di ka madapa! Hahahaha.
"Yah, tinatawa-tawa mo?!",
Kanina pa ako nakakapansin kay Suga, tinatawanan ako wala namang nakakatawa.
"Wala naman, masarap kase tong Champagne",
"Anong nakakatawa sa masarap na champagne aber?",
Ayan na naman bumubungisngis na naman, tuklapin ko gilagid neto eh.
"Ano ba kase yun?!",
"Naalala ko lang kase nung una kitang makita",
"Makita? San duon sa mall? Bakit?"
"Hindi, hindi kita sa mall unang nakita",
"Saan pala?",
"Dun sa may tapat ng big-hit building, akala nga namin sasaeng kayong dalawa ni Angie",
"Talaga? bakit hindi manlang namin kayo nakita?!",
"Nasa 15th floor kami nun at nagchi-chill, pinagmamasdan ko kayo nun kase ang kulit nyong dalawa ni Angie",
"Oh tapos?",
"Sumasayaw ka ng Silver Spoon nun tapos tinuhod ka ni Angie kaya nasubsob ka sa may pathway at natapon sa mukha mo yung chocolate smoothie ata yun",
"Punyeta nakita mo yun?",
"Hahahaha oo tapos ang ipinunas mo nun yung dyaryo na nakaipit sa may pinto ng saradong shop hahahaha",
"Hahahaha oo nga, grabe ibig sabihin kilala mo na ako nung nagpunta ka sa Gucci Department?!",
"Hindi dapat kita makikilala nun kase iba ang suot mo, kaso nakita ko yung phone case mo, ayun naaalala ko kayo",
Speechless ako mga indzai, as in! Grabe so all this time nakita nya na pala ang mukha ko.
"Meron pa, nakita ko din kayo nung paalis kami ng building papuntang dorm, naglalakad kayong dalawa nun tapos mabuslot ka dun sa kanal hahahaha",
O_O!
"Grabe, siguro crush mo na ko nun ano! Ikaw ah, yiiieee",
"Hahaha nakakatawa ka kaya ang lampa mo!",
Pinagmasdan ko syang tumawa ang ganda ng ngiti nya, nawawalan sya ng mata. Pasimple kong kinurot ang sarili ko.
Jusko lord, hindi ko po alam kung anong klaseng kabutihan ang nagawa ko nung pastlife ko para bigyan moko ng ganitong biyaya pero...Kulang po ang salitang salamat!!!!
"H-hoy, bakit ka umiiyak?",
"Ha? Umiiyak? Hindi ah",
"Napikon ka ba? hahaha sorry na",
"Hindi no, hehehe napagisip isip ko lang maghiwalay na kaya tayo?",
Biglang sumeryoso ang mukha nya.
"Anong sabi mo?",
"Sabi ko maghiwalay na tayo",
"Saltik ka ba? If i know hinabol habol mo lang naman ako sa airport papuntang Japan dahil niloko ka ni mama na hindi na ako babalik, nagwala ka dun sa airport at inawat ka ng guard dahil akala nila sasaeng ka, nag-iiyak ka lang naman sa harap ng publiko at ini-expose mo ang relasyon natin, nagdrama ka pa sa airport na hindi mo ko kayang mawala hahahaha, tapos sasabihin mo maghiwalay tayo? Sinong niloko mo?",
Tsk! Hindi man lang ako pinagbigyan, pati ang pinakanakaka-hiyang pangyayari sa buhay ko inulit pa!
"Psh, epal ka talaga!",
"Hmm, just tell me that you want a punishment baby, im willing to give it to you",
That smirk.
"Joke lang hehe tara gala tayo",
akma na akong tatayo sa tabi nya ng bigla nya akong yakapin at isiniksik nya ang mukha nya sa leeg ko.
"But im sleepy, lets just cuddle each other",
Wala na akong nagawa, marahan kong tinatapik ang balikat nya ng maramdaman kong biglang sumakit ang tyan ko.
"O-ouch...teka baby...ahh aray!",
Napabalikwas sya at may pag-aalalang tumingin sakin.
"Anong nararamdaman mo?",
"Ma-masakit! Ansakit ng tyan ko! Ugh...putangina! Manganganak na ata ako!",
"What? Pero diba sabi ng doctor two weeks pa?",
"I don't kn-aaarrrgggghhhh!!!!",
"s**t! s**t!",
Yes Iam pregnant to our first baby, hindi namin alam ang gender dahil napag desisyunan namin na surprise baby gender.
At ang mga buang na bangtan boys pinagpustahan ang gender ng baby namin. Binigyan din kami ng mga baby things nila for both gender para no hassle.
Napaka-thoughtful nilang lahat. Pero sa ngayon wala si Jimin dito sa Korea, pasekreto syang lumipad ng Pilipinas para sundan si Angie.... Kung anong nangyare? Well that's another story.
"Hello namjoon, manganganak na ata si Kate tulungan nyo ko! (Hahaha calm down, pupunta na kami) Sige ",
"Ano na?",
"Wait lang daw papunta na sila",
Hinihimas nya lang ang tyan ko at kinausap ito.
"Baby wag mong masyadong pahirapan si mommy please, malapit ng dumating sila tito, wait ka lang wag ka munang lalabas",
Kahit na may masakit hindi ko mapigilang mapangiti.
*krrriiingggg
(Andito na kami)
Agad nyang pinatay ang tawag at walang ano anong binuhat ako.
"Hoy kaya ko pa maglakad!",
"Shh....baka mapano ka pa!",
Mabilis nya akong dinala papunta sa elevator para makarating sa ground floor. Naghihintay ang lima at isinakay nya na ako sa kotse ni RM.
*Fast Forward: HOSPITAL
"Push! C'mon you can do it, breath in! Breath out, then push!",
Arrrrggghhh...
Kala ko pinagdaanan ko na to!
"Ayan na! Sige push!",
Piga na ata ang kamay ni Yoongi sa kakapisil ko at hindi man lang sya nagrereklamo.
"Arrrggghhh...i hate you Yoongi! Ikaw manganak!",
(baby cries.......)
"Oh my god, its boy!", sabi ng doctor.
Maya-maya pa pakiramdam ko may lalabas pa kaya napakapit na naman ako kay Yoongi pero this time sa buhok na.
"Ouch, damn baby my hair!",
"T-teka may isa pa!", sigaw ng doctor.
Pero unlike nung una mabilis lang syang lumabas.
"Its a girl!",
Pagkatapos akong asikasuhin ay inilipat na ako sa private room.
Nandito na din yung lima, karga ni Yoongi ang baby boy namin at nakay Taehyung naman ang baby girl nang biglang pumasok ang nurse.
"Hello po mam, may mga itatanong lang po ako, ano po ang name ng baby nyo?",
Nagkatinginan kami ni Yoongi.
Nang magsalita si Taehyung.
"Hi baby, ano daw name mo? Hmm dahil cute ka at ang ganda ng mata mo kagaya ng mama mo bakit hindi nalang Heejin ang ipangalan sayo (Heejin - precious pearl) ",
"H-hoy tatay ka ba?", Hoseok
"Actually maganda naman kase may Jin sa pangalan, para lumaki syang maganda, mana sa tito gwapo", Jin
Lahat kami nag agree kaya naman...
"Min Heejin",
"Sa baby boy po",
"Min Yong-sun", sagot ni suga
(yong-sun means the dragon in the first position)
"Bakit Yong-sun baby?",
"Sya ang panganay saka, im swag, im a king, he is my first position and my brave dragon",
~krrruuuuuuuu,krruuuu,kruuuuu
nobody gets his point....
But still, nakakatuwa, he has an idea about our baby's name if its a boy.
"O-kay? Yun nurse Min Yong-sun po",
Nagsulat lang ang nurse at pinapirma kami pagkatapos ay lumabas na.
Kanya kanyang picturan at hindi nakatiis si V, pinost nya ang picture ng twins sa weverse...awwm..he is a proud tito.....
Sobrang saya ko, may yoongi na ako may twins pa wala na akong ibang masabi kundi thank you lord...kahit na wala si Zumi at Angie sa tabi ko ay hindi naman ako nawalan ng karamay at kasama dahil nandito ang bangtan para sakin at syempre si Yoongi.
Malapit na ang pasko at I guess, eto na ang pinakamasayang pasko na darating sakin............
Mahal na mahal ko kayong lahat ?.
The End.....
Thank you so much again sa mga nagtyaga na sumubaybay sa story ko hanggang sa muli armys, borahae ?