NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi habang mahimbing pang natutulog si Marian. 2:15 AM ang sabi ng relo na nasa bedside table. Ilang sandali kong pinagmasdan ang pagkakahimbing ni Marian bago ako nag desisyon na bumangon na muna. Nawala na rin naman ang antok ko dahil siguro dala ng jetlag mula sa pagbiyahe namin galing sa Paris pauwi dito sa Pilipinas. Hinalikan ko muna si Marian sa noo bago bumangon at nagsuot ng boxer’s shorts. Sinulyapan kong muli ang katabi at hindi naman ito natinag sa pagkakatulog. Lumakad ako patungo sa balkonahe upang makapagpahangin muna. Mahaba ang sandali na nakatitig lamang ako sa city lights kung saan sentrong nakatayo ang building nitong condo kung saan kami nakatira. Bumalik sa alaala ko ang masasayang araw namin ni Marian sa iba’t-ibang bansa. Sobrang s

