Parusa

345 Words
"Saan niyo ako dadalhin?" sabi ni Tofer na sinabayan ng kaniyang tatay. "Ipapakita ko sa'yo kung gaano kahirap kumita." _Boom!_ Nag-blackout si Tofer dahil may pampatulog na ginamit sa kanya. Pag gising niya, nasa maruming lugar na siya. Parang mahihirap ang mga nakatira doon. "Saan ako?" sabi ni Tofer. Biglang kumulo ang tiyan niya. "Nagugutom na ako. Wala akong pambili. Wallet pa ba 'to? Walang laman." Tumagal ng ilang oras, hindi pa rin siya nakakakain. Hanggang may nakita siyang isang tindahan. Napaisip siya na umutang na lang. Kaagad-agad siyang pumunta. "Hay, pabili ako," ang wika nito. "Ikaw na naman!" wika ni Sasa. "Ahh, wala kasi. Ako pa rin 'to," sabay wika ni Tofer na pasigaw. "Oh, ano ba bibilhin mo?" pasigaw na sabi ni Sasa. "Pabili ako ng pandesal." "Ito na, 20." "Ang mahal naman." "Edi bumili ka sa iba." "Utang na nga lang." "Tignan mo, reklamo ka pa. Utang ka lang pala," wika nito. Umupo si Tofer sa upuan habang siya ay kumakain. Lumakas ang ulan. Naguguluhan si Tofer kung saan siya matutulog. Hanggang tumingin siya kay Sasa. "Ano, tinitingin-tingin mo diyan?" wika ni Sasa. "Pwede ba dito muna ako matulog?" sabi ni Tofer. "Ay wow, close ba tayo?" sabi ni Sasa. Hindi nila napansin na nandoon pala ang tita ni Sasa na si Sisa. "Sasa, dito mo na lang kaya muna siya. Mukhang nakakatiwalaan naman siya," Nagulat si Tofer dahil employee nila si Sisa sa kumpanya nila. "Ahh... sige, thank you Sisa," wika ni Tofer. "Bakit mo alam ang pangalan ng tita ko?" "Ah, wala. Kasi narinig ko kanina na may tumawag sa kanyang 'Sisa'." "Marites ka pala," wika ni Sasa habang sila ay nagkwekwentuhan. Samantala, ang kanyang ama ay nag-aalala kung may nangyari sa kanya. Pupuntahan niya dapat si Tofer kung saan niya ito iniwan. Ngunit biglang nag-notif ang cellphone ni Tofer. Nag-chat si Shakira. Ang sabi nito sa chat: "Babe, pahingi ako ng 500 Thousand. Mag-shopping ako ng mga damit ko at alahas." Nung nabasa 'to ng tatay ni Tofer, napaatras siya. At napaisip siya na tamang parusa 'to kay Tofer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD