Nang komprontahin ni Pierce si Donald noong una niyang malaman ang sikreto nito at udyukan itong aminin na ang totoo kay Sky ay matigas ang naging pagtanggi ni Donald. Ayon kay Donald ay hindi pa raw ito handang aminin ang totoo. Bigyan lang daw niya ito ng sapat na panahon para makahugot ng lakas at ito na mismo ang magsasabi ng lahat-lahat kay Sky. But Pierce knew he should’ve just trusted his instincts and told Sky the truth himself. Sa pagkakakilala niya kina Donald at Christinamarie, malamang brutal na ibinunyag na lang basta ng mga ito ang totoo sa dalaga. Duda pa nga niya, sinamahan pa iyon ng masasamang salita ni Christinamarie na mula’t sapul ay hindi pinakitaan ni katiting na kabutihan si Sky. Muling nanikip ang lalamunan ni Pierce nang maalala ang hitsura ni Sky kanina habang

