Manghang inilibot ni Sky ang tingin sa buong paligid. Matapos ang humigit-kumulang anim na oras na biyahe mula sa Baguio, sa wakas narating na niya ang Sagada. Excited na binuksan niya ang pinto ng kotse at bumaba. Alam niyang wala pa sila sa mansyon na siyang destinasyon nila pero gusto niyang kunan ng litrato ang buong paligid. Tiyak na magugustuhan ni Pierce ang lugar na ito. Mahilig kasi ang binata na kumuha ng litrato ng mga magagandang tanawin na kadalasan ay ginagamit nitong lokasyon para sa mga eksena sa mga nobela nito. Narito na siya! Sa Sagada! Pero bakit hindi ganoon kalamig? Akala ba niya mas malamig raw dito kaysa sa Baguio? Isinuot pa man din niya ang jacket, scarf, gloves at bonnet niya. Oh, well, hindi na bale. Basta narito na siya! ‘Bram, Lolo Alfonso, Bram, Papa Alfi

