Anong oras na pero nandito pa rin ako sa kwarto't nagkukulong, sa pagkaka alam ko ay maagang umalis si Isaiah pero kahit na ganun diko pa rin magawang lumabas ng kwarto matapos ang nangyari kagabi.
"Lady Via kain ho muna kayo kahit iwan nalang namin sa labas to kunin mo nalang mapapagalitan ho kami ni Lord Isaiah nito eh" at sila Anna kanina pa nila ako kinakatok pero wala talaga akong ganang kumain magaalas dos na nang tanghali pero wala pakong kain.
Nakarinig naman ako ng mahinang paguusap mula sa labas.
"Dika pa rin pinagbubuksan?" Ang mayor dama iyon si Nanang Flora
"Opo eh" problemadong sagot naman ni Anna
Maya maya ay kinatok nanaman nila ang kwarto ko.
"Lady Via?iha kahit na kainin mo nalang itong dala namin wala kapang kain baka magkasakit ka" Halata ang pag aala sa boses ni Nanang Flora mula sa labas ng pinto kaya sinagot ko na ito
"Wala po akong gana Nanang bababa nalang po ako pag nagutom ako" magalang na sagot ko sa boses na saktong maririnig lang nila.
"Sge na iha kahit ito nalang"
"Lady Via masama ho ang malipasan ng gutom kaya kumain ho muna kayo"
"Oo nga iha sandali lang naman ito kahit dimo na ubusin"
Marami pa silang sinabi at ilang ulit rin nilang kinatok ang kwarto ko ngunit di nako sumagot.
Ang sakit ng braso ko at halata pa rin ang pamamaga nito at ng mata ko kakaiyak kaya mukha akong chinitang kamatis ngayon namumula rin kasi ang halos buong mukha ko kaya minaigi kong dumito lang muna sa kwarto baka rin kasi umuwi si Isaiah at maabutan ako sa labas, wala lang parang dipako handa na harapin siya pagkatapos ng lahat pero tuloy pa rin naman ako sa plano kong mag settle muna dito.
Matapos ang ilang minuto ay tumigil rin sina Nanang Flora at Anna kakakatok sa kwarto ko ngunit nasa labas pa rin sila at naguusap.
"Tatawagan ko muna Anna at baka lahat tayo matanggal sa trabaho pag nagpatuloy to jan kalang at baka lumabas ng kwarto si Lady Via"
"Sge ho Ate Flora"
"Wag mo rin munang katokin at baka naririndi na satin ang batang iyan"
Dinako nakinig sa usapan nila at pumikit nalang, wala naman akong ginawa pero parang pagod na pagod ako kaya itutulog ko muna ito wala pa naman akong ganang kumain eh bababa nalang ako mamaya.
At matapos ang ilang minutong pagmumuni muni ay nakatulog nga ako.
....................
Naalimpungatan ako dahil sa iilang boses na nag uusap usap.
Gising nako ngunit diko muna iminulat ang aking mga mata, nakiramdam muna ako kung ano ang meron sa palagid ko dahil sa pagkakaalala ko kasi eh nilock at hinarangan ko ng upuan ang pintuan sa kwarto ko kaya panong nakapasok ang mga to.
"Pasensiya na ho Lord Isaiah di ho kasi namin mabuksan ang pinto" rinig ko ang mahinang paghingi ng tawad ni Anna
"Pagpasensiyahan mo na talaga kami iho hirap din kasing mapilit ng batang to" kahit si Nanang Flora eh humihingi rin ng tawad at sigurado akong dahil ito sakin
"You should've call me earlier." And there's Isaiah with his plain yet cold tone.
"Pasensiya na ho talaga"
"It's already 4pm yet this lady haven't eaten anything." that's my choice bat siya nagagalit kela Nanang Flora.
Wala akong narinig na sagot mula kay Nanang Flora at Anna sa tingin ko eh ayaw ng mas mapagalitan pa kaya nanahimik nalang sila.
"All of you are being irresponsible"
"And both of you even let her sleep having nothing on her stomach?"
"Do both of you and the others love your job?" wait wait wth is this guy talking about?
"L-Lord Isaiah di napo mauulit" halata ang kaba sa boses ni Anna habang sinasabi ito
"Go pack your things"
Napamulat ako ng wala sa oras matapos marinig ang sinabi ni Isaiah.
"No, why would you do that?" Napalingon sila sakin at kita ko ang pagmamakaawa sa mata ni Anna at Nanang Flora ng tumingin ako sakanila.
"They messed up the simple task i give" malamig na sagot ni Isaiah habang nakatingin pa rin sakin
"Wala silang kasalanan, if your pertaining sa pagpapakain sakin then i'll eat" agad agad akong lumapit sa tray ng pagkain na nasa bedside table ko at sinimulan itong kainin randam ko naman ang titig nilang tatlo sakin, ngayon lang ako naramdam ng gutom buong araw kaya ilang minuto lang ay naubos ko rin ito agad.
Hinarap ko ang audien....este yung tatlo na tutok na tutok lang habang kumain ako.
"Done, so they're staying" the first thing i said pagkaharap ko sakanila.
Tinignan naman muna ako ni Isaiah ng maigi bago magsalita.
"Okay, do your works properly next time one last mistake then I don't care if your my childhood maid i'm not going to think twice to kick anyone out" mabait in a brutal way tse this man.
"O-Opo, Salamat iho" naguiguilty ako kasalanan ko to eh
"Don't skip another meal lady, i'll call you for dinner later" tumango naman ako bilang sagot.
Maya maya ay lumabas na rin si Isaiah kaya naiwan kaming tatlo sa kwarto ko, si Nanang Flora na ni nililinis ang pinagkainan ko at si Anna na nililinis naman ang kwarto ko.
"Nanang Flora" mahina ngunit alam kong rinig ni nanang ang pag tawag kong ito sakanya
"Bakit iha?may problema ba?" Nagaalang tanong ni nanang at nagsimulang suriin ang kawatan ko kaya mas lalo lang akong naguilty.
"Sorry po at muntik na kayong mawalan ng trabaho dahil sa kaartehan ko" mahina at nakayuko kong sagot kay nanang
"Ay nako bata ka kala ko kung ano na, dimo kasalanan yun alam naming dika magkakaganun ng walang dahilan kaya wag kang humingi ng tawad" lumapit pa si nanang upang haplusin ang buhok ko na siyang ikinapanatag ng loob ko.
" Oo nga Lady Via kaya wag niyo ng isipin yun" pagdadagdag pa ni Anna sa sinabi ni Nanang.
Kahit na ganto ay ang swerte ko pa rin kasi may mga gantong klase ng tao ang nagaalaga sakin sa mansyong ito.
Matapos maglinis nila Nanang ay lumabas rin agad sila kaya naiwan ako sa loob ng kwarto.
Naisipan kong maligo muna kasi oo wala pakong ligo baka nga nangangamoy nako jusko.
Bandang 5pm ay natapos akong mag ayos ng sarili medyo mainit ang panahon kaya ng may makita akong puting cotton dress sa closet e yun nalang ang sinuot ko 1 inch below the knee iyon kaya comportable akong gumalaw, naka square neck na hanggang kalahati ng braso ko ang sleeves at hapit ito sakin stretchy at malambot kasi ang tela, pinaresan ko ito ng putting fluffy slippers hehe nasa bahay lang naman kaya okay nayan nilugay ko lang rin ng tuwid at lampas dibdib kong buhok.
Pagkalabas ko ng kwarto ay diretsong lakad ang ginawa ko, balak ko kasi sanang magrequest ng dinner namin mamaya, ano mang minuto ngayon ay alam kong magsisimula ng magluto sila nanang 5:12pm na rin kasi ng lumabas ko sa kwarto.
Habang pababa sa may hagdan ay nakarinig ako ng mga di pamilyar na boses galing sa baba kaya napatigil ako sa kalagitnaan ng paglalakad, sa tingin ko ay may mga bisita si Isaiah.
"Ano ba kasi! p*tang*na netong si Rius oh tignan mo Uno nangaano tamo yan ARAY KO P*TANG*NA MO! masakit g*go ka!" Nakarinig pako ng kalampag kaya sa tingin ko ay binato ito ng kung ano, lutong magmura ng taong to.
"Shut up moron nagpapababy ka nanamang ulopong ka" another voice hissed
"UNOOOOO! Si Rius ohhh" sira eardrums ng mga kasama nito
"Shut up loud specie someone is resting upstairs." and thats Isaiah, datingan palang ng malalim at malamig niyang boses eh kilalang kilala ko na.
"Hehehehe sorry" that's the loud one
"Buti nga sayong k*ng*na ka" sa tingin ko ay eto yung Rius na sinusumbong nung maingay
"Naknangtete UNOOO! Ayaw tumigil ni Rius!" There he is again
"Shhhhh Isaiah will going to kill both of you idiots" this one was new ngayon lang to nagsalita eh
"Isa kapa eh pakyu kayo!"
"Tse kulang sa aruga halatang di mahal ng magulang" this Rius is really good at teasing.
"UNOOO! pinagtutulungan ako oh!" ang ingay talaga ng isang to
"Seriously?i wasn't even talking" eto yung nagsaway kanina
"Get out morons!" i can feel how pissed Isaiah is
"E-Eto naman mananahimik na nga eh hehe" shocks this loud one was obviously a happy go lucky type of person.
"No, get the f*ck*ng out of my mansi..............
"Oh iha anong ginagawa mo jan?" Napatigil sa pagsasalita si Isaiah dahil siguro naagaw ni Nanang ang pansin nila
"P-Po?" bad timing naman tong si Nanang balak kopa namang bumalik nalang sa kwarto.
"Nakatayo ka jan, nagugutom kaba?san ka pupunta?" imbes na mainis eh napangiti pako dahil sa trato sakin ni Nanang, binababy ba naman kasi ako.
"Pupunta po sana ako sa kitchen para magrequest ng dinner namin mamaya eh kaso nangalay po ako kaya tumigil muna ako sa paglalakad" buti nalang at gumana agad itong utak ko
"Ay nako bata ka asan ba?kaliwa o kanan?" Kahit na nasa hagdan ay nagawa pa ring umupo ni Nanang upang i check yung paa ko
"Nako Nanang tumayo po kayo, okay napo ako" agaran kong hinawakan ang braso niya para tulungan siyang tumayo.
"Sigurado ka iha? tatawagin ko si Isaiah kung matindi pa rin ang pangangalay mo" nagpanik naman ang sistema ko jusko Nanang
"Hindi! Hindi na po nanang kaya ko na pong maglakad" para pakong tanga kakailing
"Siguraduhin mo ah, o sya sumabay kana sakin at papunta rin naman ako sa baba para magsimulang magluto" mabuti nalang at dina nangulit si nanang kaya tumango nalang ako at ngumiti bilang pagsang-ayon.