My whole face heaten up in a sec, bakit kailangan niyang sabihin yan takte.
"N-Nawiwi ako Isaiah una nako byebye" akmang hahawakan niya nanaman ang braso ko ng kumaripas ako ng takbo at mabuti nalang nakisama tong bundok kong pagkain may iilang nahulog pero mga maliliit na pagkain lang naman kaya diko na binalikan.
Nakakaurat ang kalmado lang ng lalaking yun matapos mangyari ang chukchakan namin sa sala?aba't ang tibay naman ng budhi niya. Ako tong nagaala spy sa bahay para lang di magtagpo ang landas namin kasi yung ilang ko ay mas malalim pa sa balon ni di ko nga alam pano siya kausapin at mas lalong diko alam ang gagawin pag malapit lang siya. Nasa iisang bahay lang kami kaya mukha lang akong tanga dito.
Tatlong araw ko ng iniiwasan si Isaiah. Malaki tong mansyon niya kaya naging madali lang sakin yun.
Pagdating sa pagkain ay lagi akong kumakain ng maaga para di kami magkasabay alam kong nahahalata niya na rin kasi may ilang beses rin naman kaming nagkasalubong at lagi niyang sinusubukang paguusapan yung ginagawa kong di pagpansin sakanya.
Tse tse dati rin naman nung bagong dating ako eh halos wala kaming pansinan kaya wag niyang sasabihing bago to sakanya.
Sa ngayon ay naglalakad ako papuntang likod ng mansion, sa tatlong araw na pag iwas ko kay Isaiah ay maraming bagong lugar ang nalaman ko dito sa mansion katulad nga sa likod nito ay isang flower garden at may dalawang malalaking puno doon kaya pinalagyan ko ng may kalakihang swing o duyan para may mahigaan ako, actually kasya nga ata tatlo dito eh sinigurado kasi nila Nanang na malaki talaga para di daw ako malaglag.
Pagkarating ko ay sariwang hangin agad ang yumakap sa katawan ko naka shorts at t-shirt lang ako kaya damang dama ko ito, kaya gustong gusto ko dito eh di nakakasufocate kasi di gubat yung likod kundi bangin kaya open side siya pero mataas yung bakod na metal fence kaya all secured.
Napagpasiyahan kong umidlip lang muna sa may swing pinalagyan ko rin kasi ng may kakapalang sapin at mga unan yun kaya comfortableng humiga dun.
Nakatulog rin naman ako agad dahil sa nakakapreskong hangin.
____________________
Nagising ako dahil feeling ko ang sikip sikip.....nag unat muna ako at humarap sa kabilang bahagi ng swing o duyan pero dahil sa gulat ay muntik nakong mapabangon at malaglag kung di lang ako hinila ng lalaking to ay malamang nasa lupa na ang pagmumukha ko ngayon.
"What the eff Isaiah!" Gigil kong sigaw sa mismong pagmumukha niya.
Hinila niya rin naman kasi ako kaya magkalapit lang kami...........ng husto.
Pano ba naman kasi eh ang lakas ng tama ng lalaking to nakihiga ba naman sa duyan ko, umidlip ako kaya diko tuloy alam ilang oras kaming magkatabing matulog.
"Shhh, can't you see I'm sleeping" nakapikit man ay ang gwapo pa rin ng nilalang nato, lahat naman ng side niya eh puro godlike features hmmm i smell favoritism lord.
"Di nagsasalita ang tulog kaya sagutin moko." Tama naman diba?wag niya sabihing sleeptalk yan.
"I am"
"How did you know this place?" Tanong ko habang pinagmamasdan pa rin ang pagmumukha ng taong to.
"This is my mansion lady"
O-Oo nga naman, parang tanga naman magtanong Via.
Dahan dahan akong lumayo sakanya at akmang bababa na ng duyan ng magsalita siya.
"Where do you think your going?" normalize na yung malamig na pakikitungo niya kaya sanay nako the way he talk
"Kakain, I'm hungry." Wala nakong narinig sakanya kaya nagsimula nakong bumaba at muntik pakong mawalan ng balanse dahil sa pagmamadali umiiwas nga kasi yung tao eh bwesit na Isaiah naman yan.
"Careful lady." inismiran ko lang siya at saka ako nagtatakbo papasok ng mansion.
Imbes na dumiretso ng kitchen ay sa kwarto ako pumunta, reason ko lang naman yun para maka alis.
Magbabasa nalang siguro ako, kinuha ko yung pinakamakapal na libro sa mini bookshelves ko dito sa kwarto para naman matagal tagal matapos ngunit ng bubuklatin ko na ito ay may pumasok sa kwarto ko kaya napatingin ako sa may hamba ng pintuan and there i saw Isaiah with his blank look.
"Don't tell me your gonna eat that book." i don't know if he's saying that words with sarcasm o without?
"H-Ha? H-Hindi, Nawala kasi yung gutom ko kaya dito nako dumiretso" kalmadong usal ko, mahirap na't baka may masabi nanaman ang isang to.
"Really?" Ngumiti ako ng tipid at tumango
"Don't fool me around lady." He look at me straight, humakbang rin siya papasok at sinirado ang pinto.
"Spill, what's going on?" He's not wearing any emotions kaya mahirap matukoy kung galit ba siya o ano.
"W-What are you saying? there's nothing going on" nakakunot noo kong sagot
Kinabahan naman ako ng magsimula siyang humakbang palapit sakin.......h-he stop in front of me, nakaupo ako habang nakapamulsa siyang nakatayo sa harap ko at nakatingin ng diretso sakin.
"Hmm nothing? after that night, you did stop eating with me and stop showing yourself." Malamig na nga siyang tumingin malamig pa magsalita aba'y pwede na siyang maging ref.
Iwinakli ko ang kagagahan ng utak ko at sinalubong ang malalamig niyang tingin, b-bat kasi ang gwapo. Ang formal niya laging tignan dahil kahit nasa bahay ay madalas itong naka pants at t-shirt o di kaya'y polo.
"Napansin mo naman pala when did i start avoiding you, kaya you should know what my reason is."
"I know nothing lady so you need to tell me what's really going on" he's calm yet it's visible how pissed he is, did i pull one string?
"You know everything Isaiah." Makahulugan kong lintaniya.
"Is it because of that morons?" he's pertaining to Loud NH, Shawn and Andrius kaya umiling ako.
"Not asking for your help on my papers?" and again umiling ako
"Then what lady?" frustrated niyang tanong kaya napabuntong hininga ako
"That night, w-what happened between us was a m-mistake." kung di pako sumuka ay baka kung ano na ang nagawa namin at nakatulog man ako matapos sumuka ay alam kong wala ng nangyari.
"Is that it?" Nagtagpo ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya, di ba talaga siya apektado? D*mn Via yes ikaw lang tong nagkakanganto, looks like he's used sa pakikipagmake out what a d**k.
"Yes." Alam kong nahimigan niya ang lamig sa boses ko dahil sa pag galaw ng labi niya.
"It'll happen a lot so be used to it." He plainly said, di nga kasi siya apektado Via jusko wag ng ipili..................wait what?napatanga ako matapos marealize yung sinabi niya, did i misheard it?
"W-What in the world are you s-saying?" napalunok ako ng yumuko siya at nagsimulang ilapit ang mukha sakin, he stop few inches away.
" And i dont like the idea of you avoiding me just because we did that thing, we're going to do more than that so again be used to it." Dagdag niya pa, his eyes looks down at my lips kaya napalunok nanaman ako.
"T-The bottle o-of wine, i d-dont remember san ko nalagay" yes kabado man ay di talaga nawala sa isip ko yun bwesit sigurado kasi akong may kamahalan yun ang tagal na pero gusto kong masiguradong okay pa yun kahit na kalahati na lang ang laman.
"You dropped it" lumayo na siya kaya nakahinga ako ng maluwag
"H-How much it worth?" Curious kung tanong
"888,899 peso" matapos marinig ang sinabi niya ay halos lunukin kona rin ang dila ko, ganun kamahal?m-masarap oo pero bat naman ganun yung presyo mamamiya.
"Where is it?m-may kalahati pa yun" hinanap ko kasi sa chiller pero wala na dun.
"It spill after you dropped it"
"I-Im sorry, i'll pay for it i promise" Nasakin yung mga card ko diko lang alam saan pwedeng mag withdraw diko pa naman kasi alam yung location ko.
"No need, what's yours is mine and what mine is yours" he left after he said those words.
Ang daming ganap ah iniwan nanaman niya kong may iisipin