Third Person's Pov.
Habang naglalakad ang dalagang si Via papunta sa opisina ng Unang Havieno sa mansion ay binabalik tanaw niya sa isipan ang mga pagtulong na ginawa sa ama patungkol sa mga papel na may kinalaman sa kompanya nila, dahil sa kagustuhan niyang may magawa naman kahit papaano sa mansion ay magtatapang siyang magpakita sa opisina ng binata.
Ng makarating sa malaking pintuan ng opisina ng binata ay walang pagdadalawang isip niyang kinatok ito.
Ang atensyon naman ng binatang nasa loob ay napukaw kung kaya't napatigil ito sa ginagawa.
"What is it?" Malamig na tanong ng binata sa kung sino mang nasa labas
"It's me" sagot ni Via na may kasamang pagsilip sa loob ng opisina gamit lamang ang ulong nakapusli sa pintuang naka bukas ng konti.
"Here for?" Tinignan nang masinsinan ng binata ang ulong nakapusli sa pintuan ng opisina niya.
"What is she up for?" wala sa sariling tanong niya sa isipan
" Im bored" maikling sagot ni Via habang ang nakapuslit na ulo ay nililibot ng tingin ang opisina ng binata.
" And?" Di alam ng binata kung dapat ba siyang mainis dahil naistorbo siya sa mga papel na gusto niyang tapusin upang mapagtuunan na ng pansin ang dalaga o matuwa dahil pinuntahan siya ng dalaga.
" Anna said your doing business papers, can i help?" Di nakakalimutan ni Via ang bilin ng ina na wag galitin ang unang Havieno ngunit may pakiramdam siyang di niya magagawang galitin ang binata dahil lang sa ginagawa niyang ito.
Ipinagdikit ng binata ang kanyang mga kamay at itinukod ang siko sa lamesang puno ng papel tsaka niya inilagay ang kanyang baba rito.
"Why so sudden?" Curiosity ang makikita sa mga mata ng binata.
Masaya siya sa kaloob looban niya dahil sa ginagawa ng dalaga at alam niyang may alam sa bussiness papers ang dalaga kaya kung pagdating lamang sa pagtulong na sinasabi nito ay mapagbibigyan niya ito ngunit kapalit nito ay mahihirapan naman siyang magtrabaho.
Dahan dahang binuksan ng dalaga ang pintuan at ipinasok na ang buong katawan at pagkatapos ay dahan dahan ring isinara ang pinto ng walang ingay ngunit di siya gumalaw sa kinatatayuan, nasa likod niya pa rin ang pintuan.
"Hmm gusto ko lang may magawa sa mansyon mo, so can i?" Sagot ng dalaga habang patuloy na inililibot ang tingin sa loob.
Hindi niya mapigilan ang paghanga sa ganda ng modern design ng opisina, malawak at maaliwalas ang loob nasa gitna ang table ng binata na kung saan nakatalikod itong nakaupo sa isang malaking glass wall na siyang nagbibigay ng maaliwalas at kalmadong ambiance sa loob dahil sa ganda ng tanawing nasa labas nito, sa paligid naman nito ay pinagmukhang dingding ang mga naglalakihang bookshelves na puno ng mga libro......naalala niya and office ng daddy niya sa bahay maganda at elegante yun pero kumpara dito mas open at mas calming ang lugar nato kaya sa isip isip ng dalaga ay mapapadalas ng pagtambay niya rito.
Sa kabilang banda pinagmamasdan lamang ng binata ang bawat kilos ng dalaga mula sa malilit nitong galaw hanggang sa mga pagsasalita nito, masyado itong maganda sa kahit na anong angulo "This swan d*mn" wala sa sariling napapamura ang binata sa isipan.
"Okay, do behave" malamig na tugon ng binata sa dalaga
Naglakad naman palapit ang dalaga sa table ng binata.
Di mapigilan ng binata na haplusin ng tingin mula ulo hanggang paa ang dalaga habang naglalakad.
Ang nakalugay netong buhok na sumasabay sa galaw ng balikat nito, ang maliit nitong mukha, ang may kakapalang kilay, magagandang mga mata matangos na ilong at ang sexy at plum heart lips neto. Naka fitted na t-shirt ang dalaga kaya kitang kita ang hubog ng katawan neto mula sa malulusog nitong dibdib na yinayakap ng damit ito hanggang sa maliit nitong bewang. Naka sweatpants ito ngunit halata pa rin ang mahahaba nitong binti.
Napaiwas ng tingin ang binata ng maramdamang may nabubuhay sakanya hanggang sa di niya na namalayan na nasa tabi na niya ang dalaga tulak tulak ang isa sa mga upuang nasa harap ng table niya dahil sa sobrang pagiisip, malaki naman ang office table niya kaya medyo may distansiya pa rin sa pagitan nila ng dalaga.
"Can i have atleast the company info or background of these papers" mababakas mo ang pagiging seryoso sa boses ng dalaga na siyang mas naglagay sa hotseat sa binata.
Iniabot naman ng binata ang mga papel na hiningi ng dalaga "d*mnit is she seducing me" tanging sa isip lamang ng binata nabubuo at nasasabi ang mga bagay na ito.
Nagpokus ang dalaga sa pagbabasa ng mga papel tungkol sa Kompanya at halos malula siya ng makitang di lang isa, dalawa , tatlo ,apat, lima, anim, pito, walo, siyam , sampu hindi niya sigurado ilang kompanya ito.
"K-kanino lahat to?" Tanong ng dalaga habang tinitignan pa rin ang mga papel na bigay ng binata , kailangan niya munang aralin at basahin mga ito upang matulungan ang binata sa mga papel na ginagawa nito.
"Mine" Simple at malamig na sagot naman ng binata na sa ka loob looban ay hirap i control ang sarili
Tumango lamang ang dalaga bilang sagot na sinundan ng ilang lunok ng laway "anong klaseng tao to paano niya nahandle ang ganto karaming kompanya eh si daddy nga e may anim lang pero kung ma stress bonggang bongga na" utak na niya mismo ang nagsabi ng mga to kaya napailing nalang si Via habang nagbabasa.
Habang tahimik na nagbabasa ang dalaga pasimple namang sumusulyap ang binata sa gilid niya, di niya alam anong klaseng pagpapakalma ang gagawin niya sa bagay niya na ngayo'y buhay na buhay dahil lang sa napaka simpleng paglalakad ng dalagang kasama niya sa office ngayon. Kapag di niya napigilan ang sarili ay baka may magawa siya sa dalaga.
"So your biggest and first company is ESH?" Curious na tanong ng dalaga habang naka tingin sa papel ng ESH Company
Nahimasmasan naman ang binata at sandaling tinignan ang dalaga tsaka ibinalik ang tingin sa mga papel na nasa harap
"Yes, first company i built" kahit na halata ang kalakihan ng kompanyang pagaari niya ay di siya mariringgan ng pagyayabang habang sinasabi ang mga lintanyang ito
"At the AGE OF 15?" Di alam ng dalaga na may ganto palang mga pangyayari sa buhay ng binata
"Hmm my inspiration back there was strong that's why i had it early " napatango nalang ang dalaga kahit na hanggang ngayon ay di pa rin makapaniwala pero nagawa niya pa ring tignan ang binatang naka tingin rin pala sakanya
"Do you know what?me at my 15 years old era i used to love Disney land and hated school so the company i built is Bratness Company which ended on my 18th birthday it was corrupted by my grown up limitations" seryosong saad ng dalaga habang di pinuputol ang tinginan nilang dalawa.
Napatalikod ang binata dahil sa kadahilangang his lips are forming curve na ayaw niyang makita ng dalaga "I know little lady, i know" saad niya pa sa isipan.
Nagtaka naman ang dalaga sa inasta ng binata ngunit ilang segundo lang rin naman ay umayos na ng upo ang binata at balik sa dati ang emosyon at mood nito.
Via'a Pov
Napa angat ako ng tingin diko alam kung ilang oras na kaming nakatutok sa mga papel nato kay rami rami jusko pero okay naman atleast may ginawa ako sa araw nato.
Napaunat ako dahil ilang oras din akong nakayuko sa mga papel nato, ganun rin yung kasama ko mas matatag lang siya ako kasi lalabas labas ako minsan para kumuha ng pagkain habang siya subsob lang inaya ko ng pagkain ko eh ayaw daw, workaholic masyado.
"It's already 5:45pm, what do you want for dinner?" Napalingon ako sa lalaking to ng bigla siyang magtanong.
"Hmm vegetables" sagot ko habang nakatingin sa mga papel
I see him call someone on his phone on my peripheral vision.
"Yeah just vegetables"
"ok"
"Yes"
"Without"
"Bye"
Matapos niyang ibaba ang tawag ay bumalik rin agad siya sa mga papel na nasa harap niya.
Napaisip naman ako, ano kaya ang rason bakit nandito ako nakatira sa mansion kasama ang lalaking to, i miss mom and dad. I hope they're doing good.
Hanggang ngayon ay diko pa rin alam ang eksaktong lokasyon ko wala naman kasing sumasagot sa tuwing nagtatanong ako, maraming tanong sa isip ko katulad ng Kelan kaya ako makakauwi? Di bako hinahanap nila mommy? Anong kailangan ni Isaiah sakin? pero hanggang isip ko nalang ang mga iyan dahil wala ngang sumasagot.
Hays ang dami kong gustong alamin pero parang pinagkakaitan ako ng karapatan sa sarili kong buhay.
Napabuntong hininga nalang ako at ibinalik ang tingin sa mga papel
"What's bothering you?" Napatingin ako kay Isaiah ng magtanong siya, nakatutok pa rin siya sa mga papel pero halatang inaantay ang sagot ko.
"I miss them" diko mapigilang maging matamlay. Magoone week na rin ako sa mansion niya pero di kopa nakausap sila mommy simula ng mapunta ako dito.
Wala akong narinig na tugon kay Isaiah, ilang minutong katahimikan lang ang bumalot sa loob ng opisina niya ng bigla siyang tumayo at diretsong naglakad palabas kaya naiwan ako sa loob.
"Ang bipolar niya" diko mapigilang mapabuntong hininga nanaman at isobsob ng mukha sa table.
..................................................
Nasa kwarto ako ngayon, nakaupo sa harap ng salamin at sinusuklay ang mahaba
at tuwid kong buhok.
Dina bumalik si Isaiah sa opisina niya kaya tinapos ko nalang ang iilang papel na nandoon at saka pumanhik sa kwarto ko. Naghalf bath lang ko at nagpalit sa pajamas ko ngayon kay naka matchy matchy lavander pajamas nako.
"Lady Via handa na po ang hapunan" rinig kong sabi ni Anna mula sa labas ng kwarto ko
"Okay, i'll be there in a min"
Tinapos ko lang ang pagsusuklay at saka lumabas na agad ng kwarto upang makapaghapunan na rin.
Pagkarating ko ng dining ay nandun na si Isaiah na halatang nagaantay, ng makita ako ay saka siya nagsimulang kumuha ng pagkain ganun rin ang ginawa ko nang makaupo ako sa paborito kong upuan.
Tahimik lang kaming kumakain, kami lang dalawa ang nasa loob ng dining sa tuwing kakain na kami dahil ang bastos nga naman kung andito yung mga maid, ano yun?titingin lang sila while kami kumakain kaya exact time ng pagkain namin ay siyang pagkain rin ng mga maid sa maids quarter may sarili silang dining dun. Sa iisiping di sila pinapabayaan ni Isaiah kumpara sa ginawa niyang eskandalo ng lalaking to sa bahay namin ay talaga namang magkaibang Isaiah ang makikita sa dalawang scenario pero nvm sobra sobra naman ang pagiingat na ginagawa ko para maiwasang magalit siya sakin.
Pagkatapos kong kumain ay nagstay lang ako sa upuan ko ng ilang minuto, para naman ma settle muna yung kinain ko kung san ba talaga sila dapat mapunta hehe.
Sinilip ko si Isaiah at tapos na rin siya pero lutang?i mean hindi naman lutang nandun kasi yung attention niya sa fruits na nasa mesa seryoso niyang tinitignan ang nga to, may problema ba sa prutas tong taong to.
Tumikhim naman ako para kunin yung attention niya na siya namang nagawa ko, nilingon niya ko at binigyan ng 'what? look' kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo
"Una nako sa kwarto" plain na sagot ko at nagsimula ng maglakad ngunit di pako nakaka apat na hakbang ay nagsalita si Isaiah
"Wait a sec" napatigil naman ako sa eksaktong may harap niya, tumayo siya at may kinuha sa bulsa maya maya ay may inilapag siyang bagay sa dining table.
"I'll give you 20mins to talk to them after that i'll have that phone back" seryosong lintanya niya bago diretsong naglakad palabas ng dining.
Tinignan ko naman ang bagay na inilapag niya at halos lumuwa ang mga mata ko ng makitang yung old phone ko yun. Kinuha ko ito at inopen so far so good 79% pa naman.
Masaya akong naglakad pabalik sa kwarto ko, nakadouble time pala paglalakad ko kaya parang lakad takbo yun sayang oras 20mins pamanlang din ang binigay niya pero sandali nga cellphone ko to kaya paanong napunta sakanya? Inang lalaki to pero diko na muna inisip yun ang dapat kong gawin ngayon ay tawagan at kontakin sila mommy.
Pagkarating ko ng kwarto ay agad kong kinalikot ang cellphone ko at agad na hinanap ng numero ni mommy sa contacts.
Nakaka ilang ring palang ng sinagot ito ng kabilang linya
"V-Via?" Rinig kong tawag sakin ng boses ni mommy mula sa kabilang linya.
"Mommy ako nga po, how are you?okay lang ba kayo ni dad?" Diko napigilang magtanong agad ng marinig ang boses ni mommy
"O-Oh my god, a-anak" halata ang pangangatal sa boses ni mommy at matapos niyang bitawan ang lintanyang ito rinig ko ang mabibilis na yapak niya mula sa kabilang linya
Natahimik naman ako, halata ang pagod at stress sa boses ni mommy what is she going through? Diko alam pero ako tong nalayo sakanila pero sila itong parang mas apektado ng husto.
"Viro!Shiro!....Via's... On the line...." Rinig kong hingal na tawag ni mommy kela daddy at kuya
Viro sa kabilang linya, si Kuya?nasa bahay?
"What? Are you sure hon?" Di malakas at di rin naman ganun kahina ang paguusap nila sa kabilang linya
"Let me check the phone mom" si kuya, miss na miss ko na ang malamig at malamlam nitong boses naiiyak tuloy ako baka nagtatampo o galit to kasi diko siya sinalubong paguwi wala naman na kasi siguro ako non sa bahay.
"Via?hello?" Alam kong naka'y kuya na ang cellphone ni mommy ngayon , matapos marinig ang boses niya ng malapitan ay naiyak na nga ako
" *Sniff k-kuya your home i-im sorry i wasn't there to welcome you" i was holding back my emotions gusto kong umiyak ng malakas kaso baka marinig ako sa labas