Natagpuan na lamang niya ang sarili na kumatok sa pinto kung saan ang kwarto nila ni Gael ngunit kahit walang bakas na may magbubukas nito hanggang sa napaupo siya panghihina ng tuhod niya. Niyakap niya ang tuhod at niyuko ang ulo roon. She’s crying alone in the dark pathway. Hanggang kailan niya ba kaya ‘to? “Naya?” Inangat niya ang ulo upang tingnan ang tumawag sa kanya. Nang makitang si Gael ay para siyang batang humagulgol, “Gael!” prolong na tawag niya. “Anong ginagawa mo? Pumasok ka na sa loob.” “Gael, anong gagawin ko?” tumatangis na ani niya at nagmamatigas pa rin na tumayo, “Uwi na tayo.” Napipilitang tumatango naman ito at inakay siya papasok, “Anong nangyari?” Hindi niya pwedeng sabihin! Baka kung ano ang gawin nito kay Kanye! Wala naman itong kasalanan sa nangyari dahil

