I

1172 Words
Bumibilis ang pagpintig ng kan'yang puso. Ang mga luhang nag-uunahan sa pagpatak ay wala ring tigil. Katulad ng kan'yang pagtakbo, kahit na pagod na pagod na ay hindi pa rin siya humihinto. Masasayang ang pinagpaguran niya, at ng kan'yang ama. Maging ang pangarap nila ay maaaring mawala dahil sa mga lalaking humahabol sa kaniya. Tila maging ang langit ay nakikisimpatya sa dahil sa matinding pagbuhos ng ulan. Muli, ay lumiko siya sa mapunong bahagi. Kahit na ang parte ng talahiban na iyon ay nakakasugat, hindi niya na magawang indahin ang sakit. Makalayo lang siya. Maiiwas niya lang ang sarili sa mga halimaw na nasa likuran niya. Ngunit maging ang tadhana ay hindi umaayon. "Tatakbo ka pang babae ka!" galit na galit na wika ng isa matapos hablutin ang kan'yang mahabang buhok at kaladkarin siya. "Henry, pare, maawa ka naman sa chicks, pinapaiyak mo na oh," nagmakaawa siya sa lalaking sumita sa kaibigan nito. "Tumigil ka diyan, Paul!" Sisinghot-singhot pa nitong wika habang natatawa. Kilala ni Henry si Paul, kailanman ay hindi ito naawa sa isang babae. Laruan. Parausan. Isang mahina na kailanman ay hindi tataas ang ranggo sa lipunan. Iyon lamang ang turing nito sa mga ito. Nasisigurado ng dalagang matindi ang tama ng mga ito sa droga. Tila may nakikipag-karerahang kabayo na sa kan'yang dibdib dahil sa matinding kaba. Natatakot siya. Nagsisisi. Kung natulog na lamang siya at hindi tumakas sa kanila, maaaring wala siya sa sitwasyong ito ngayon. Kung alam niya rin na pagkatapos ng saya ay pagsisisi, maaaring pinili niya na lang ang lungkot. Pagkukulong sa kan'yang kwarto na parati niya namang ginagawa. "Akala ko, pare, wala ng mas sasaya pa 'nung makapasa tayo, but look at us now... may magandang babaeng makapagpapainit ng gabi natin!" tuwang-tuwa pa na wika ng isa habang tinutungga ang huling laman sa bote ng alak. "Maawa kayo sa akin... pakiusap, pabayaan niyo na ako—ibibigay ko na lang sa inyo ang lahat ng gamit ko! Ito, mahal 'tong cellphone na 'to," pagsusumamo niya habang punong-puno ng pagmamakaawa ang kan'yang mukha. Nakaluhod na siya at itinatapon ang mga mamahaling bagay na laman ng kan'yang bag. "Maawa?" sarkatikong tanong ni Paul. "Naawa ka ba 'nung pahirapan mo kami sa paghabol sa 'yo?" Isang sampal ang ibinigay ni Paul sa kan'ya. Nakakamanhid. Masakit. Ngunit wala ng mas sasakit kung may mangyayaring masama sa kan'ya ngayon. "Marami kaming pera kaya hindi mo kami madadaan sa ganyan!" "Pabayaan na natin," kinakabahang suwestyon naman ni William. Bahagyang nahihimasmasan na ang binata sa drogang pinasinghot sa kan'ya kanina ng mga kaibigan kaya nanunumbalik ang tama pag-iisip. "Tumahimik ka diyan, William!" Nanlilisik ang matang tinutukan ni Henry si William ng baril. "Bakla ka talaga ano?" nakangisi nitong tanong dito. Muling nasinghot at natikman ni William ang drogang isinupalpal sa kaniya ni Paul. Unti-unti ay nawawala na naman ito sa katinuan. Bahagya pa itong natatawa nung huli. Ibinalik naman ni Henry ang kan'yang baril sa bulsa. Habang nakakalimot ang tatlong naroon, ay ginamit na ng dalaga ang pagkakataong iyon para tumakas. "Gago. Hindi ako bakla!" Sa paglingon ni William ay napansin niya sa gilid ng kan'yang paningin na tumatakas na ang babae. "Ikaw babae ka! Halika nga dito," puno nang pagkainis si William habang nawawalang muli sa katinuan. Nagmadali siya sa pagtakbo ngunit nadapang muli kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si William na makuha siya. Hinablot nito ang buhok ng dalaga, at walang awang kinaladkad. "Ako ang mauuna!" Naghubad kaagad ito ng pantalon, tanging boxer, at pantaas lamang ang itinira. Matindi ang inis at pag-iinit ng katawan ang nararamdaman ng binata ngayon sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam niya'y lumilipad siya sa alapaap. Natawa na naman si Henry at Paul kay William. Napailing. Kahit sino ay magiging lalaki sa ganda ng babaeng nasa harapan nila. Dagdagan pa ng maikli nitong bistida na hapit na hapit sa katawan na lalong nakapagpalutang sa malulusog nitong dibdib at kurba ng katawan. Walang anu-ano'y sinira ni William ang damit nito. "Hawakan niyo nga!" singhal ni William. Kanina pa kase pumapalag ang dalaga habang hawak nito. "Ito na po, boss!" dahil sa tindi ng tama ng alak at droga ay walang tigil ang tatlo sa kakatawa habang siya naman ay patuloy sa pag-iyak. Si Henry ang nakahawak sa paanan niya habang si Paul naman sa kan'yang mga kamay. Kung nasa iba siyang pagkakataon ay maaaring kinilig na siya sa mga ito dahil pare-parehong may ipagmamalaking itsura ang mga binatang nasa harapan niya. Ngunit tanging galit ang kan'yang nadarama ng mga sandaling iyon. "William, maawa ka... hindi ka nila katulad," naiiyak niya pa ring wika habang bumubulong dito. "Pare, kilala ako ni chikababes!" nababaliw namang turan ni William matapos sandaling tumigil sa paghalik. Lalong nagiging mapusok ang paghalik ni William dito. Habang ang mga kasama nito ay natatawa. Siya naman ay pag-iyak na lang ang tanging nagawa habang pinagsasawaan ang kanyang katawan. Sa paghalik nitong muli sa kanyang mga labi ay agad niya itong kinagat. "Aray!" Natuklap ang balat ng labi nito at nagdugo. "Walanghiya ka!" Lalo niya itong ginalit. Ngayon, ang huling saplot ng kanyang katawan ay natanggal na rin nito at suntok sa sikmura pa ang kanyang inabot kaya't nanghina siya. Mayamaya ay naramdaman na niya ang pagkupunit ng kung sa kan'yang p********e. Mas matinding sakit ang kan'yang naramdaman kumpara sa pagkakasuntok. Wala na. Tapos na ang mga pangarap niya. Ang akala niya, sa ilang oras na pag-iyak ay wala ng luhang mailalabas ang kanyang mga mata. Ngunit, nagkamali siya. Tila naging gripo na iyon na mas tumindi ang pagpatak kaysa sa kalangitang tumigil na sa pagluha. "Huwag kang umiyak diyan dahil nasarapan ka rin naman!" Sinampal pa siya nito nung hindi nakontento at tinitigan ang kanyang mukha. "There are tragic things that happened with no reason at all. But, the only things that you can do is stand up, wipe all the tears that you have and be brave. Baka mabuhay ka pa kapag ginawa mo iyon!" wika nito na tila isang demonyo. Nakaramdam na siya ng matinding pagod. Hindi niya na kayang manlaban pa. Nakatulala lamang siya at nakatingin sa kalangitan habang pinagsasalit-salitan ng tatlong magkakaibigan ang kan'yang katawan. Ito lamang ang saksi at kanyang kakampi sa paulit-ulit na paghihirap. Tinigilan na rin siya ng dalawa pa na hinihingal at muli siyang binalikan ni William. Napakapit, at nasabunutan niya ang ulo nito dahil sa tindi ng sakit na nadarama niya. Hindi niya na kaya, at hiniling na sana'y matapos na ang buhay niya. Maging ang pipi na buwan ay kanyang naging karamay. Nakikita na rin niya ang mga pangarap na unti-unting naglalaho. Bumagsak si William sa kanyang tabi at hawak-hawak ang isang bahagi ng kanyang dibdib. Sa pagpatak ng huling butil ng kanyang luha ay isang kataga ang kanyang binitawan kahit na nahihirapan. "Nagmakaawa ako sa inyo, ngunit mga bingi kayo... pagsisihan niyo ang paglabas ng demonyo sa pagkatao ko!" Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas at tibay na iyon. Ngunit, isinusumpa niya, mangyayari ang bagay na pagsisihan ng mga ito. Gagawin niyang empyerno ang buhay ng mga sumira sa kan'yang pagkatao.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD