Bakit parang ang bilis lumipas ng araw ng linggo? Iyon ang nasa isip ko habang papasok ako sa malaking gate ng eskwelahan, lunes ng umaga. "May himala talagang sa’yo Miarie." asar ni Mang Kiko pagkakitang maaga na naman akong pumasok. Napangusong binati ko siya bago pinagpatuloy ang iniisip kanina. Siguro kaya parang mabilis ang linggo dahil wala naman akong inisip kung hindi ang pagpasyal namin ni Ergos. Anong magagawa ko? Kahit ayaw kong isipin ay sumisiksik mag-isa sa utak ko ang mga nangyari sa araw na iyon. "Magandang umaga, Miarie. Ang aga natin ulit ah?" si Kathara na parati namang maaga. Siguro dahil maaga rin ang gising ng Itang nila papunta sa palayan. "Magandang umaga, Kathara. Napapasabay lang kay Nanay kaya napapaaga rin ang gising." sagot ko saka na inilapag ang gamit sa

