Bandang hapon na gumayak na si Ada para makapunta sa mall kung saan sila magkikita ni Apollo para makapag-usap. Hindi niya talaga alam kung bakit siya niyaya ni Apollo na magkita. Dapat susunduin pa siya nito sa bahay pero umayaw siya sa kadahilanang ayaw niyang makarinig ng usap-usapan tungkol sa kanilang dalawa. Baka ano pa ang isipin ng mga tao sa bahay nito tungkol sa kanilang dalawa. Alam naman na patay na si Aleeza na kakambal niya pero maaga pa para ipakita ang mga bagay na tulad ng lakad nilang dalawa. Nakasuot siya ng simpleng bestida na hindi masyadong hakab sa katawan at mahahalata ang medyo nagsisimula ng lumaking tiyan niya dahil sa ipinagbubuntis na anak nila ni Apollo. Nag-apply din siya ng light make up kaya lumutang ang angking ganda. Ma'am aalis po kayo. Tanong ni Dit

