Kinabukasan maagang nagising si Ada dahil sa nasusuka na naman siya. Deretso siya agad sa banyo at nagduduwal. Halos wala naman siyang maisuka. Morning sickness na naman ang umaatake sa kanya kaya hindi siya agad bumaba at baka doon pa siya abutan. Ayaw niyang may makaalam sa ipinagbubuntis niya. Natitiyak niyang magagalit si Apollo sa kanya dahil ayaw nito ng sinungaling. Hindi rin alam ni Ada kung bakit kailangan pa niyang itago ang ipinagbubuntis sa ama nito. Sorry baby. Hindi ko pa masabi sa ama mo na dinadala na kita sa sinapupunan ko. Ayaw ko lang na baka naghihiganti lang siya sa ginawa ko dati at itatwa ka niya. I was just protecting you baby. I'm sorry. Naluluhang saad ni Ada. May kumakatok sa pinto kaya lumabas na si Ada sa banyo. Saglit lang. Sambit niya habang palapit sa pi

