Araw ng pag-uwi ni Ada sa Cebu kaya hindi muna pumasok sa trabaho si Apollo. Love bakit parang sinakluban ng langit at lupa yang mukha mo? Tanong nito sa lalaki. Eh kasi iiwanan mo ako. Sagot naman ni Apollo. Correction po. Hindi iiwanan. Babalik naman ako. May aayusin lang ako doon love diba. Parang ayaw mo ata na bumalik ako kasi sabi mo iiwanan kita. Hmmph. Joke lang love. I know naman na babalik ka. Nalulungkot lang ako at wala na akong makakatabi sa pagtulog. Wala na akong masisilayan na maganda sa pagmulat ng mata ko. Asus nambola pa ang mama. Babalik naman ako love. Isang araw pagising mo katabi mo na uli ako. Love naman lalo ka namang nagpapamiss eh. Sama na kaya muna ako sayo para makapagbakasyon naman kahit saglit lang. Hay naku love. Huwag ka na sumama. Sandali lang naman

