Sa araw ng libing ng ate ni Ada ay lalo pang dumami ang kamag-anak at kakilala nila na pumunta para makiramay. Nagpasalamat sila sa mga taong pumunta para ihatid ang ate niya sa huling hantungan.
Ma nalulungkot man ako na hindi na natin makikita ang ate pero alam ko naman na masaya na siya kung saan man siya ngayon.
Oo anak, nawala man siya sa atin ng hindi natin inaasahang ganito kaaga, hindi naman natin hawak ang buhay natin. We just have to accept it anak.
Oo ma, huwag po din ninyo pababayaan ang sarili mo ma. Kailangan ko na din pong bumalik sa Cebu kasi may trabaho na po uli ako doon. Bibisitahin na lang kita dito ma.
Naiintindihan ko naman anak. Basta huwag mo lang kalimutang bumisita dito o pupuntahan na lang din kita doon.
Oo ma, wala naman pong problema doon.
Anak huwag mo lang kalimutan na may meeting pa si Apollo ha. Ikaw muna ang magbabantay sa mga bata. Extend ka lang ng unting araw dito.
Oo naman ma. Ako na po ang bahala. Huwag ka ng mag-alala. Namimiss ko na din ang mga bata kaya bonding na din namin ito.
Salamat anak. Magsisimula na ang misa para sa ate mo anak. Tayo na.
Sige ma, papunta na din si Zane po.
Sige anak. Pupuntahan ko lang si Apollo. Sunod ka na agad.
Opo ma. Sagot naman ni Ada.
Sorry babe. Medyo traffic lang talaga.
It's ok. Magsisimula pa lang ang misa kaya tara na.
Inaalalayan na ni Zane si Ada na nakita naman ni Apollo kaya umiba na naman ang timpla ng mukha nito.
Pagkatapos ng misa derechu na paglilibingan ni Aleeza ang pamilya nito.
Kahit tanggap na ng pamilya ang pagkawala ni Aleeza ay bumuhos pa rin ang luha ng lahat. Si Apollo ay yumuyugyog pa ang balikat sa hinagpis ng pagkawala ng asawa.
Love bantayan mo na lang kami ng mga bata. Guide mo kami sa mga tamang gawin. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sayo ito sa araw ng libing mo pero love mahal ko na ata si Ada. Bigyan mo naman ako ng sign na kung pwede ko ba siyang mahalin. Alam ko na napakaaga pa pero hindi ko mapigilan ang magselos sa tuwing kasama niya si Zane. Parang gusto ko siyang suntukin pero alam ko na mali dahil hindi ko naman siya kasintahan. Tulungan mo ako love sa tamang gawin. Sambit sa isip ni Apollo habang tinatapon sa hukay na hindi pa natatabunan ang bulaklak na para sa asawa.
May paro-paro na dumapo sa balikat ni Apollo at biglang may malamig na hangin na parang humalik sa pisngi ni Apollo. Bigla namang ngumiti si Apollo dahil nagkaroon agad ng sign galing sa asawa. Hindi man niya agad masabi kay Ada ang nararamdaman dahil sa bilis ng pangyayari. Gusto na muna niyang ayusin ang mga bagay para hindi naman pangit tingnan. Kakamatay lang ni Aleeza kaya dapat na magluksa siya. Aayusin na muna niya ang lahat bago niya simulan ang panunuyo kay Ada.
Umuwi na din ang lahat ng nakiramay kaya nagyaya na din na umuwi ang mama ni Ada.
Anak uuwi na kami. Sasabay ka ba sa amin? Tanong nito kay Ada na kasama naman si Zane.
Ihahatid po ako ni Zane ma. Sa kanya na lang po ako sasabay para makita niya din ang bahay natin. Bibisita po kasi siya doon habang hindi po ako nakakauwi ng Cebu.
Siya sige , mauna na kami. Ingatan mo ang dalaga ko iho.
Oo naman po tita. Iingatan ko po si Ada.
Salamat naman kung ganun. Sa bahay ka na maghapunan.
Sige po. Ikinagagalak ko pong maimbitahan sa bahay ninyo. Magalang na sagot naman ni Zane.
Nakapagalang naman talaga. Mauna na kami.
Sige po. Mag-iingat po kayo.
Salamat iho. Anak, uwi kayo agad ha.
Oo ma. May dadaanan lang po kami.
Kumaway na ang mama ni Ada bago sumakay sa sasakyan na si Mang Ambo ang driver. Kasabay din ng mga ito si Apollo na ang sama ng tingin kay Zane.
Anong problema ng taong yun. Tanong na lang ni Ada sa isip.
Tara na babe. Alam ko may gusto ka na naman kainin na ayaw mong ipakita sa kanila at baka mapansin na nila ang katakawan mo.
Katakawan talaga. Huwag na nga lang. Kunyaring pagtatampo ni Ada kay Zane.
Ito namang babe ko. Napakamatampuhin talaga. Hindi ka naman mabiro. Tara na. Saan mo ba gusto muna pumunta?
Gusto ko ng lomi batangas Zane. Kahit saan na meron lomi batangas.
Sige babe. May alam ako. Masarap doon.
Sige, excited na akong kumain. Naglalaway na naman ako. Salamat Zane sa pagbibigay ng mga cravings ko.
Oo naman babe. Basta ikaw. May tanong lang ako. Pwede ba babe?
Anu ba yun? Takang tanong naman ni Ada.
Sino ba ang ama ng dinadala mo babe. Pwede ko bang malaman?
Ayaw ko munang ipagsabi kung sino ang ama ng anak ko. Sana maintindihan mo.
Oo naman. I respect your decision about it.
Salamat sa pang-unawa. Tara na. Nililibang mo lang ako eh. Gusto ko na kumain ng lomi. Ang dami mo pang tanong diyan.
Ay, nagmamadali na ang buntis. Sakay ka na babe.
Pagdating sa resto kung saan may lomi Batangas na ayon kay Zane ay masarap, bumaba agad si Ada sa sasakyan.
Aba, napakabilis mo naman bumaba babe. Hindi naman mauubos ang lomi diyan.
Eh sa gutom na ako. Napakabagal mo naman bumaba diyan.
Oopps, huwag masyadong magtaray babe at papangit ang anak mo.
Hmpph.. Bilisan mo na lang diyan. Ang daldal mo.
Taray talaga. Halika na nga. Inaakay na lang ito ni Zane para hindi na magmaktol.
Umorder na lang agad nag binata ng kakainin ni Ada at nagpabalot na din siya para maiuwi din ito ng dalaga.
Matagal pa ba Zane. Natatakam na akong tumikim eh. Tanong ni Ada na palinga-linga sa paligid at nagbabakasakaling dinadala na sa mesa nila.
Malapit na iyon. Masyadong atat kumain ang babe ah.
Kasi naman nagcrave ako niyan kanina pa. Gusto ko na talagang matikman.
Oo na. Ayan na oh. Sabay turo ni Zane sa waiter na may hawak ng lomi na order nila.
Halos hindi humhinga si Ada sa pagkain ng kinatatakaman niyang lomi.
Zane may ipinabalot ka ba?
Oo babe. Alam ko na magugustuhan mo kaya tiyak hahanapin mo na naman yan mamaya. Kung pwede lang doon ako matulog sa inyo para kapag may gusto kang kainin bibili ako eh.
Asus if I know naiinis ka na sa pagsama sa akin. Ang dami Kong request.
Hindi babe ah. OK lang sa akin talaga.
Salamat. Tara na uwi na tayo at baka inaantay na tayo nila mama.