KABANATA 20

1025 Words
Naghahanda na si Aling Martha sa pagkikita nila ni Ada na kakambal ni Aleeza. Masaya siya na sa loob ng dalawapu't anim na taon niyang hindi nakapiling ang anak ay matutuldukan na iyon sapagkat ngayong araw makikita na niya ang kanyang anak. Hindi masidlan ang kasiyahang kanyang nadarama kaya nagpunta siya sa salon para mapaghandaan ang kanilang pagkikita. Napagpasyahan niyang sundin ang bilin ni Alezza na i-pamper naman niya ang sarili at minsan lang din naman. Nagpamanicure at pedicure siya, pinagupitan niya din ang kanyang buhok para maiba naman ang kanyang itsura. Mukha nga siyang bumata ng nakapagpagupit na siya. Ma'am mukha po kayong bumata sa gupit ninyo. Sambit ng hair stylist pagkatapos siyang gupitan. Salamat naman kung ganun. Magkikita kasi kami ng anak ko ngayon. Ilang taon ko din siyang hindi nakasama kaya pinaghandaan ko ang pagkikita namin. Bongga yan ma'am. Mabuti naman po at nahanap ninyo ang anak ninyo. Reunion po pala ang mangyayari. Oo Iho, nagpapasalamat ako sa Diyos na magkikita na kami ng anak ko. Nakangiting saad ni Aling Martha. Ok na po sana ma'am eh kaso tinawag mo akong iho. Naimbyerna tuloy ang beauty ko. Ma'am mukha ba akong iho sa kagandahan kong ito. Naka-false eyelashes pa ako madam para barbie ang dating pero iho talaga ang tawag mo sa akin. It hurts madam. Ay sorry naman iha pala dapat. Ano ba ang pangalan mo para yun na lang ang itawag ko. Nakakahiya tuloy. Ang ganda mo pa naman tapos iho ang nasabi ko. Nakangiting sambit naman ni Aling Martha. Jose po ako sa umaga, Jesicca po sa gabi. Nakangiting saad na ni Jessica. Ay maganda pala ang pangalan mo sa gabi, Jessica. Anyways, Salamat sa pagupit mo sa akin. I have to go. Baka inaantay na ako ng anak ko. Ok ma'am, Salamat din po. Balik po kayo uli. Susubukan Kong makabalik. Taga Manila kasi ako, dumayo lang ako dito para makita ang anak ko. Paliwanag naman nito sa kausap. Ganun po ba. Baka lang po maisipan ninyong bumalik. Bukas po ang aming salon para sa magagandang katulad ninyo. Salamat naman kung ganun. Mag-iingat po kayo ma'am. Kapag may makita po kayong bagay sa akin na lalaki sa Manila. Just pm me. Sambit pa nito kay Aling Martha. Ikaw talaga. Nakakatuwa ka talaga. Martha na lang itawag mo sa akin. Huwag kang mag-alala makakahanap ka din ng para sayo. Ako kasi nasa langit na ang tanging lalaking nagpatibok sa pihikan kong puso kaya hindi na ako naghanap pa. O siya ako'y mauuna na at baka mainip na ang anak. Nag text na siya na inaantay na ako. Pagpasensyahan mo na itong tip ko. Pasimple na nitong binagay ang limandaan kay Jessica. Salamat po madir. Napakalaki na po nito. Pagpalain pa po kayong lalo. Malaki na ping tulong ito sa amin ng magulang ko. Salamat po uli at mag-iingat po kayo. Walang anuman iha. Mag-iingat ka din lagi. Salamat din. Tuluyan ng umalis si Aling Martha sa salon para puntahan si Ada na nag-aantay sa kanya. Tinawagan na ni Aling Martha ang anak niya para puntahan ito. Anak saan ka banda? Dito po sa food court. Puntahan nyo na lang po ako dito. Malapit po ako sa bilihan ng siomai. Naka black po akong damit. Sagot naman ni Ada dito. Palinga-linga si Aling Martha para mahanap kung saan si Ada nakapwesto. Namataan niyang may babae din na palinga-linga. Nakita niyang kamukhang-kamukha ito ni Aleeza kaya agad niya itong nilapitan. Anak ko, ikaw na ba yan? Kamukhang-kamukha mo si Aleeza anak ko. Salamat at nakipagkita ka sa akin. Sambit ito sa anak pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit na niyakap din ni Ada dahil na rin sa walang sinabing masama ang ina-inahan niya tungkol sa tunay na ina. Nay, Salamat po at nakita na kita. Si Aleeza po? Hindi ninyo kasama ang kakambal ko? Tanong nito sa kanyang ina. Mahabang kwento anak pero pag-uusapan naman natin iyon. Gusto ka din naman niyang makausap kaya mag-video call tayo mamaya. Pero bago yun, kumain na muna tayo anak at nagugutom na ako. Hindi pa ako nakapananghalian. Nagpunta pa kasi ako salon. Kaya naman pala Nay, ang ganda ninyo. Pinaghandaan nyo po talaga ang pagkikita nating ito. Saad naman ni Ada sa kanyang ina habang magkahawak kamay silang naglalakad para makahanap ng makakainan. Bolera ka din pala anak. Pero sabagay, kaya ka nga maganda kayo ng ate mo dahil na din sa nagmana kayo sa akin. Pagsasakay na lang nito sa anak. Tama Nay. Mana kami ni ate sayo. Sagot na lang nito sa kanyang ina. Saan mo ba gustong kumain anak. Tanong ng kanyang ina na hindi naman kabisado kung saan magandang kumain. Ok po ba sa inyo ang mga Filipino food Nay. Gusto ko po sana subukan ang mga lutong bahay sa isang sikat na kainan dito. Iyon na lang anak at namimiss ko din ang mga ganung luto. Matanong nga kita anak. Marunong ka ba magluto? Opo Nay marunong po. Si Ate po ba? Medyo marunong. Prito lang ata alam ng ate mong lutuin eh.. Ikaw ba? Iba't ibang putahe po kaya kong lutuin. Tinuruan po ako si Mama Cedes at Mama Mercy Nay. Naging mabuti po sila sa akin at natutunan ko po ang pagluluto sa kanilang dalawa. Mabuti naman kung ganoon anak. Atleast sa inyobg dalawa ni Aleeza ay may masarap magluto. Tara na po sa Filipino resto na dinadayo dito. Sambit na lang ni Ada sa kanyang ina na sumunod naman sa kanya. Madaming tao ang kumakain sa resto na napili ni Ada pero meron pa silang nakitang pwesto kaya nakaupo din naman agad sila. Lumapit na ang waiter sa kanila para ibigay ang menu. Good noon Ma'am. Here's the menu. Tawagin ninyo na lang po ako kapag oorder na po kayo. Salamat po. Saad ng waiter sa kanila at iniwan na muna sila para kunin ang order ng ibang mesa. Madaming napilibg kainin si Ada at may dessert pa. Anak kaya mo bang ubusin ang inorder mo? Tanong nito sa anak. I can pay all of it pero mauubos mo ba yun. Nay huwag kang mag-alala at kaya Kong kainin lahat yun. Sagot pa nito sa ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD