KABANATA 55

1179 Words
Iho pwede ba kitang makausap? Tanong ni Aling Martha kay Apollo. Yes ma. Ano po iyon? Hindi kasi pwede si Mang Ambo sumundo kay Ada sa Airport. Makikiusap sana ako Iho na sundiin mo ang anak ko. Parating na iyon. Pag-aantayin ko na lang siya since late na nakapagsabi si Mang Ambo. May emergency lang sa kanila. Sure ma. Wala namang problema. Ako na po ang susundo. Ikaw na muna ang bahala dito. Oo naman Iho. Ako na ang bahala. Salamat. Hindi na sana kita aabalahin kung pwede pa akong magmaneho kaso hindi na kinakaya ng mata ko. Walang anuman mama. Walang problema po. I think I should go now baka matraffic pa ako. Mauuna na po ako. Paalam nito sa biyenan. Mag-iingat ka iho. Sige po. Saad nito at nagpaalam na din sa mga anak at susunduin niya ang kakambal ng asawa niya. Alam na din nila Andrei at Sabrina na may kakambal ang mama nila. Hindi na sinabi ni Apollo na nagpanggap itong mama nila para hindi maguluhan ang mga anak. Ayaw nilang may maramdaman pa itong tampo o galit kay Ada. Babe malapit na pala tayo lumapag. Sambit ni Zane sa dalaga na nakatulog. Ok. Gusto ko pa umidlip. Huwag ka munang magulo. Naiinis na saad naman ni Ada. Ang cute talaga ng asawa ko kapag nagagalit. Hoy, tigil-tigilan mo ang pagtawag ng asawa sa akin Zane. Ito naman, kahit dito lang sa eroplano asawa kita. Pagbigyan mo na ako. Hindi ko din alam kung makikita pa kita. Pagtatampo naman nito. Seriously, thank you at nakilala kita. Nagkaroon ako ng instant na kaibigan at ninong na din sa baby ko. Magkikita pa tayo for sure. Nawalan ka naman agad ng pag-asa eh hindi naman magkaiba ang planeta natin. Nasa Pilipinas din naman tayo pareho at tsaka may number na ako sayo. You can text or call me anytime. Ang daldal pala ng asawa ko. Saad pa ni Zane at kinurot ng bahagya ang pisngi niya na kinasimangot naman ni Ada. Ayan, nagsungit na naman. Ang bilis talaga umiba ng mood ng babe ko. I will miss you for sure. Thank you at nakilala din kita Ada. Sana magkita pa talaga tayo. I wanna see you and my inaaanak of course. Sana nga may dimple yan para naman may kaunti akong ambag. Baliw ka talaga. Nakangiting sambit na lang ni Ada. May sundo ka ba? Ihahatid na lang kita. May sundo naman ako. I can give you a ride. Meron naman. Nasabi ko na kanina diba. Ang bilis makalimot. Kunyaring naiinis na sambit ni Ada dito. Oo nga pala. I forgot. Pero pwede naman ako bumisita sa burol ng ate mo? Sure. I will just tell you. Bukas pwede ka pumunta. Ililibing din kasi siya agad. Inaantay lang ako. Ok. I will go there. Namimiss na kasi kita ngayon pa lang. Mawawala na agad ang asawa ko. Pilyong kindat pa nito sa dalaga. Ikaw talaga puro ka kalokohan. Syempre para hanap-hanapin mo ako babe. Nakalapag na ang eroplanong sinasakyan nila kaya inaalalayan na ni Zane si Ada pagbaba. Masyado ka naman caring. Baka hanap-hanapin ko. Nakangiting saad ni Ada sa binata. Ok nga yan para ako na ang magiging ama niyang dinadala mo. Ikaw talaga. Tampal na lang nito sa binata. Andito na ba ang sundo mo babe? Ihahatid na muna kita sa sasakyan mo. Wala pang sinabi si Mama. Hindi na kasi nakapag text sa akin. Teka tawagan ko. I am here to fetch you. Anang baritonong boses na nagpalingon kina Ada at Zane. Ikaw pala. Nauutal na saad ni Ada. Who is he babe? Takang tanong ni Zane. Si Apollo ang asawa ng kakambal ko. Apollo si Zane nga pala kaibigan ko. Hi pare. Paglahad ni Zane ng kamay kay Apollo na hindi naman nito tinanggap. Tara na. Naghihintay na si mama. Zane mauna na kami. Nahihiyang sambit ni Ada dito dahil sa inaasal ni Apollo. Parang may sumpong ang lalaki. Ok babe. Don't forget to text me. Saad naman ng lalaki at humalik sa pisngi niya na lalong kinakunot ng noo ni Apollo. I will, mag-iingat ka. Ano, aalis ba tayo o siya na ang maghahatid sayo. Ito na po. Bye na Zane. See you tomorrow. Paalam na nito sa binata at nagmamadali ng sumunod kay Apollo. Sa passenger seat sana siya sasakay ng singhalan siya ni Apollo. Gagawin mo talaga akong driver. Sa unahan ka sumakay. Sorry. Saad na lang ni Ada at sumakay na sa shotgun seat. Bakit ba ang init ng ulo mo. Sana hindi mo na lang ako sinundo kung ganyan lang din ang magiging asta mo. Naiinis na saad ni Ada dito. Uuwi na kasi pero nakikipagharutan ka pa. Kaibigan ko lang yun. Nakilala ko sa eroplaso. He was just kind to be a friend. Paliwanag niya sa lalaki na mukha atang nagseselos. Is he jealous? Tanong ni Ada sa isip niya pero bigla niyang winaglit iyon sa utak niya dahil alam niyang imahinasyon lang niya iyon. Hindi na muli umimik si Apollo kaya hindi na niya ito pinansin at baka mag clash na naman sila. Pagdating sa chapel parang estranghero na naman si Apollo sa kanya. Hindi na niya ito pinansin. Hinanap na ni Ada ang mama niya. Ma, tawag nito sa ina habang tumutulo ang luha niya. Anak, wala na ang ate mo. Lumuluha din ang mama niya at sinugod siya ng yakap. Humihikbi na yumakap din si Ada sa mama niya. Inaya na siya nito na pumunta sa kapatid niya na nakahimlay. Ate bakit ang daya mo. Hindi mo man lang inantay. Namimiss na kita. I wish you are happy now ate. Saad nito sa kapatid na niyakap pa ang kabaong nito. Is she mom's twin lola? Tanong ni Sabrina na hindi nila alam na nakalapit na pala. Yes baby. She is your tita Ada. Wow, she looks like so much of mom. Beautiful also. Hi tita. I am Sabrina. Hi baby. Saad na lang ni Ada. Ayaw niyang pahalata na nakilala na niya ito. Will you stay with us tita? Uhm, not so long baby. I have to be back in Cebu. That's sad tita. But it's ok. I will be seeing you also in time. Come tita I will introduce you to kuya Andrei. Ok baby. I wanna see your brother. Hi kuya. This is tita Ada. Our mom's twin. Pakilala nito sa kapatid. Hi po. Simpleng saad ni Andrei. Hi baby. Ang gwapo mo naman. Sambit ni Ada. Thank you po. Have you known our dad tita? Tanong naman ni Andrei sa kanya. Yes baby. He fetch me in the airport awhile ago. Ok po. See you around tita. I have to play with my cousins. Paalam ni Andrei sa kanya pero si Sabrina nakahawak pa rin sa kamay niya. Tita let's take a seat po. I know you are tired. Thanks baby, you are so sweet. Can I call you mom tita. Because I saw my mom in you. Naluluhang saad ni Sabrina dito. Of course baby. I can be your mommy. I will be glad if you call me your mom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD