Pagbaba ni Ada nakita niyang nasa sala si Apollo kasama ang tutor nila Andrei at Sabrina. Napatingin si Apollo sa kanya na parang inaarok ang damdamin niya. Dumeretso na si Ada sa kusina para hindi na makahalubilo si Marie. Naiinis siya dito dahil sa ginagawa niya sa mga bata. Ang aga nakabusangot ka diyan anak. Sambit ni Aling Martha sa anak pagdating nito sa kusina. Andito ka na pala ma. Oo anak, kanina lang ako dumating. Napasarap ang bakasyon ko sa amiga ko. Ok nga yun ma para malibang ka naman. Ayos lang naman din kami dito. Next week na po ako babalik ng Cebu. Sinusulit ko lang na makasama ang mga pamangkin ko. Mabuti naman kung ganun anak. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka nakasimangot? Wala ma. May kontrabida lang akong nadaanan sa sala. Kontrabida? Eh si Apollo

