KABANATA 2

1018 Words
Masayang-masaya ang mga anak nila Aleeza at Apollo dahil sa bonding nilang mag-anak. Sinulit nila ang pagala sa mall para naman makabawi si Apollo sa ilang araw na wala siya sa bahay. Kung hindi lang importante ang meeting na iyon ay ayaw sana ni Apollo na umalis pero kailangan niya puntahan para sa magandang relasyon sa magiging investor sa business niya. "Love are you really ok?" Nag-aalalang tanong ni Apollo sa asawa dahil sa mukhang matamlay ito. "I'm ok love. Napagod lang ako talaga. Huwag mo na akong alalahanin. I'm happy na binigyan mo kami ng time." Saad nito sa asawa at humilig sa balikat nito. "Baka lumala yan love. Punta na kaya tayo sa ospital. I was worried of what you're feeling." Nag-aalalang sambit ni Apollo sa asawa. "I am fine love. You are so worried. I will be ok as long as you're always on my side and my kids are happy. It's all that matters now. I just need rest. Napagod lang ako huwag ka ng oa diyan ha.." Pagbibiro pa nito na pinanggigilan ang ilong ni Apollo. Isa sa mga gusto niya sa mukha ng asawa ang ilong nito na katamtaman lang ang tangos na lalong nagpagwapo dito. "Love baka matunaw na ako sa titig mo ha. Mukhang gusto ko ata magkaroon ng panibagong baby ah.. Gawa na kaya tayo later." Saad nito kay Aleeza na pinanlakihan siya ng mata. "Love ha, humuhirit ka na naman. I want to enjoy our kids first. Maybe next year love kaya ko na uli magkababy. Sa ngayon ikaw muna at ang mga bata ang baby ko." Ngumiti pa ito kay Apollo na lalong dumikit naman sa kanya. "Gusto ko yan love, ako muna ang baby ko. Love gusto ko ng milk." Na pasimpleng timingin sa dibdib ni Aleeza at kumindat pa dito. Hindi naman kalakihan ang dibdib ng asawa, just perfect for his hands. Pilyo pang ngumiti ito sa asawa. "Ang harot mo love ha." Hampas pa ni Aleeza sa asawa na sinalo naman ang kamay ng maybahay at hinalikan. "I'm gonna miss you love." Bulong pa nito sa asawa. "Me too love. Gutom ka ba ulit? Ipaghain kita." Saad ni Aleeza sa asawa at yumakap pa dito. "Hindi pa naman love. Madami din nakain ko mamaya. Baka ikaw gusto mo kumain." Sagot naman ni Apollo dito. "Hindi naman. Aantayin ko si mama. May sasabihin daw kasi sa akin." Saad na lang ni Aleeza kay Apollo at nagpaalam na muna na magbihis. Kakarating lang nila sa bahay at pinapunta na nila ang mga anak sa sariling kwarto ng mga ito para magbihis. Sinanay na nila ang dalawang bata na magkaroon ng sariling kwarto para maging independent na ang mga ito. "Love sasamahan ba kita magbihis. Quickie muna tayo." Bulong pa uli nito sa asawa bago bitawan ang kamay nito. "Loko-loko, parating na si mama. Nagtext na siya sa akin. Mamaya na yang inuungot mo love. The night is still young." Aleeza seductively wink at her husband at umakyat muna sa kwarto nilang mag-asawa. "You are a tease. Lagot ka mamaya sa akin." Pahabol na turan ni Apollo na kinatawa naman ni Aleeza. Pagdating ng mama ni Aleeza, sa library na siya nito pinapunta. "Ma saan ka galing." Tanong ni Aleeza sa mama pagkatapos magmano dito. "Sa kaibigan ko anak." Simpleng sagot naman nito. "Is there something bothering you mama? Nitong mga nakaraang araw napapansin ko na natutulala ka ma. Ano ba ang bumabagabag sayo? Pwede mo namang sabihin sa akin." Mahinahong saad nito sa ina. "Anak may sasabihin sana ako sayo pero huwag kang mabibigla ha." Sambit ng mama ni Aleeza na naghatid ng kaba dito. "Ma huwag mo naman akong isuspense at mukhang importante nga yan." "Oo anak. Matagal ko na itong itinatago sayo. Ngayon lang ako naglakas loob na sabihin sayo kasi panahon na para malaman mo ang matagal ko ng inililihim sayo." "Ma ano ba yun. Lalo akong kinakabahan sa sinasabi mo ma eh. Don't make me think ma." Saad naman ni Aleeza na kinakabahan na talaga. "Eza," tawag ng mama nito. Ito ang tawag ng mama niya sa kanya at nakasanayan na rin ito ng ilan. "Ma naman ano ba yun." Medyo naiinis na saad na ni Eza pero mahinahon pa din magsalita. "May kakambal ka anak." Nakayukong sagot ni Aling Martha, ang mama niya. "What ma? May kakambal ako? Nasaan siya? Are we identical? Bakit ngayon mo lang sinabi ma." Naluluhang saad nito sa mama pero hindi naman siya galit dito. Alam niya sa puso na may dahilan ang mama niya kung bakit itinago nito sa kanya ang pagkakaroon niya ng kakambal. "Patawarin mo ako anak dahil hindi ko ito nasabi agad sayo. Maraming bagay ang mga nangyari na naging dahilan kaya ko inilihim muna sayo. Ito na ang tamang panahon para malaman mo kaya ako naglakas loob na sabihin sayo. Gusto ko na din siya puntahan. Lately lang nakapagcommunicate sa akin ang tiyahin mo na siyang pinagbilinan ko sa kakambal mo. May sakit siya at hindi niya alam kung kailan na lang ang buhay niya kaya gusto niyang sa atin na ang kakambal mo anak. Mabuti na rin iyon para makasama na natin siya." "Sa kamag-anak din pala natin siya nakatira ma kaya madali lang natin siya makausap pero bakit ang tagal ng panahon na hindi natin siya nakasama man lang." Takang tanong ni Eza sa ina. "Anak ako ang may kagustuhan na huwag muna siyang pumunta sa atin. Noon nakakausap ko pa ang tiyang mo pero noong lumipat na sila ng Cebu at doon na siya nakapagtrabaho ay dumalang na ang communication naming dalawa. Nitong nakaraan na lang din siya nakibalita kung saan na tayo." "Mabuti naman po at ng makasama ko din ang kakambal ko ma. Masaya akong malaman na may kakambal pala ako. " "Huwag ka lang mabibigla anak at ayon sa tiyang mo ay iba ang ugali ng kakambal mo. Matigas ang ulo at pala barkada. Ako na lang ang bahala sa kanya kapag nakapunta na siya dito. Hindi pupuwede na ganyan pa rin siya kapag nasa poder na natin siya." Nalulungkot na saad ng mama nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD