JAYSON'S POV:
Tapos na yung practice game namin. Chineck ko ang phone ko kung nagreply ba si Jazz sa text ko. Pero wala.
Nagtungo na ko sa locker room at nasa isip na hanapin ang dalaga matapos ko maligo. Di naglipat sandali at sinamsam ko na ang mga gamit ko, lumabas na ko ng locker room.
Nakasalubong ko ang magnobyong Erwan at Anne.
"Tamang-tama dating nyo," sabi ko. "Nakita nyo ba si Jazz?"
"Si Jazz? Ay oo, kakakita lang namin. Pauwi na ata, nag-aabang ng taxi sa labas ng campus." sagot ni Anne.
"Ganun ba? O'sige, salamat. Tingnan ko na lang kung maabutan ko siya sa labas." yun lang at nauna na kong umalis sa mga ito.
Pumunta na muna ako sa parking area kung saan ko iniwan yung sasakyan ko at saka ako nagdrive papunta sa taxi bay. Tama naman si Anne, mukhang nag-aabang nga ng masasakyan ang dalaga. Ihininto ko ang kotse ko sakto sa tapat nito at ibinaba ang bintana ng kotse.
"Hop in, I will drive you." nakangiting sabi ko kay Jazz. Malagkit ang pagkakatingin ko dito na huminto sa tapat ng dibdib ng babae.
Sinadya kong double-meaning ang mga katagang yun para kasi akong inaapoy makita lang ang mukha ng dalaga.
Nag-aatubiling sumakay ang babae. Kaya pinagbuksan ko na lang siya ng pinto ng kotse.
"I said, hop in... Ayaw mo naman siguro na buhatin pa kita para lang sumakay ka sakin." pagpapahiwatig ko.
"Mr. Jayson Angeles, the words that are coming out of your mouth are full rubbbish. Angeles pa naman ang surname mo, but you are the devil himself!" nakairap na namang litanya ni Jazz habang pasakay sa passenger's seat.
Nanatili lang akong nakatitig sa babae. Hindi kasi ito nag-abalang magsuot ng seat belt. At sinasadya ko din na asarin lalo ito dahil napakacute nito kapag inis na inis na sakin na tila ba isang makopa na sasabog sa pagkapula.
Hindi nga ako nagkamali. Nabwisit ito sa paraan ng pagkakatingin ko sa kanya.
"What the hell? What are you waiting for Christmas? Matagal pa yun, now drive me home." nakairap na anito.
"Eh kasi naman po mahal kong princess Jazzy, hindi ka nagsuot ng seat belt. Baka mamaya aksidente kang ma-fall sakin." segue ko.
"Corny mo. Di ka naman kalbo pero patawa ka." ingos ni Jazz sakin.
Hindi pa din tuminag ito sa pagkakaupo kaya ako na ang kumuha ng seat belt at tinangka kong isuot dito. Pero napufrustrate na ko dahil di ko maishoot ng maayos yung sagkuan nito.
Napatawa na tila nang-aasar ang babae.
"Yabang mo tapos di ka naman pala marunong mag-SHOOT, parang seat belt lang."
Labanan ata kami ng double meaning. Nakuha ko naman ang ibig nitong ipahiwatig sakin.
"I will let that comment slide now, but soon enough you will know how good SHOOTER I am." sinadya kong idiin ang salitang shooter sakto sa pagsuot ko sa kanya ng seat belt.
Hindi ko pa inalis ang mga kamay ko sa hugpungan nito. Pinaglandas ko muna yung kamay ko, tracing the belt that is now tightening around her boobs, sumisikip na animo puputok sa laki.
Napaawang ang labi nya sa ginawa kong panghihipo. I took that as a chance and kiss her torridly while squeezing her lemons.
Napasinghap ito. Pinutol ko muna ang halikan namin dahil baka kung san pa kami makarating eh hindi ko ito maihatid sa bahay. Baka i-take home ko ang babae ng wala sa oras.
Binitiwan ko na ang dibdib niya at umayos para magdrive. Hindi naman na ito nagsalita at tila pagod na ipinikit ang mga mata. Ipinagpalagay kong inaantok lang ito kaya ganun. Hinayaan ko na lang siyang magpahinga matapos kong itanong kung saan ko ba ito ihahatid pauwi.
Mukhang nagdalawang-isip pa muna ito bago sabihin sakin ang address. Niremind ko lang siya na kahit di naman nya sabihin sakin ay kaya kong alamin ang address ng bahay nito. Or if she likes it, iuuwi ko na lang talaga siya sa bahay na inuuwian ko.
Inirapan lang ako nito at pumikit uli matapos sabihin kung san uuwi. Di ko na ito inistorbo sa pagpapahinga. Tila ito passenger princess na himbing na natutulog.
Ginising ko na lang si Jazz nung nasa labas na ng apartment na tinutuluyan nito. Hindi man lang ako inanyayahan nang dalaga na pumasok sa loob ng bahay nito. Kaya inimbitahan ko na lang ang sarili ko. Hindi naman din nagreklamo ang babae kahit nakasunod ako dito hanggang sa loob ng bahay.
Tinanggap na ata nito na di nya ako mapapaalis basta at napapagod na lang makipagtalo sakin.
Para talaga itong pagod na pagod sa maghapon. Dinaig pa ako eh ako itong nagpractice ng football. Pero hinayaan ko lang siya na ibagsak ang katawan sa sofa at pumikit. Nasa akin ang lahat ng pagkakataon para gawan ito ng kamanyakan pero naaawa ako sa itsura nitong hapong-hapo.
Feel at home ako na nagcheck sa kusina kung ano ang laman ng refrigerator. May mga beer at juices ito, chocolates, fruits. Naghagilap ako ng pwede kong lutuin para makakain ang dalaga.
Napangiti ako sa ginagawa ko, hindi ko pa nga ito girlfriend pero kung makaakto kong concern dito at magluluto pa. Naiiling ako sa sarili ko. "Ako ba ito? Si Jayson Angeles? Ang tinaguriang playboy ng buong iskwelahan?"
May nakita kong laman ng baboy sa loob ng freezer, hinugasan ko na muna yun at hinintay na lumambot bago ko hiniwa. Magluluto ako ng adobo.
Pagbalik ko sa living room ay natutulog na naman si Jazz.
"Sleeping beauty is no match for you, princess."
Inayos ko ang pagkakahiga nito. Naalimpungatan ang babae. Nagkatitigan kami. Gusto ko itong halikan pero nakakaawa kasi ang itsura niya na parang ubos na ubos ang lakas. Kaya naisip kong saka na lang, sa iba na lang na pagkakataon. Akma itong tatayo pero pinigilan ko, inangkla ko ang braso ko sa beywang niya para hindi siya makatayo.
"You can rest. I won't do anything to you even if you plead." pambubuska ko dito
"In your dreams." pakli nito.
Di nagpapigil at naupo na lang sa sofa. Umakto itong tila may inaamoy. Naalala ko yung niluluto kong adobo. Binalikan ko ito sa kusina. Nung maluto ay ihinain ko sa lamesa at tinawag si Jazz.
She looked pleased. Kahit paano ay tila isang reward yung hindi na ko gusto sakmalin nito at hindi na ko nakatikim ng irap for now.
Tahimik lang itong kumain. Sinabayan ko na din. Para kaming normal na magboyfriend lang na tahimik kumakain. Kinilig na naman ako sa isiping yun.
"Why not? Kung magiging girlfriend ko nga ang babae ay baka di na ko magloko pa." naisip ko.
Natapos kaming kumain at ito na ang nagvolunteer maghugas ng kinainan namin. Nagpahinga din ako sa sofa sa living room pagkatapos. Pumasok naman ito sa kwarto.
Maya-maya ay lagaslas ng tubig ang nadidinig ko. Naligo ata ang babae.
For the first time in my life, ngayon lang ako nakapasok sa bahay ng isang babae at walang ginawang kalokohan kahit pa alam kong naliligo lang sa malapit ang babaeng gusto ko.
Pinalis ko na lang sa isip ko ang kung anumang kamunduhang umuukilkil sa utak ko. May ibang pagkakataon para sa kalibugan ko. Not now.
Nakatulugan ko na lang din ang paghihintay sa dalaga.