JAYSON'S POV: Ipinasya kong kidnapin si Zarah Elize Sinclair. Ayaw kasi nito pumayag sa proposal ko pero nakita kong hinalikan ito ni Lucas Fernandez matapos siyang ihatid sa mansion nasa hinuha ko ay pagmamay-ari ng babae. Nagngangalit ang mga bagang ko sa restaurant palang nung makasalubong ko ang mga ito pagkatapos ng business meeting ko sa naturang lugar. Kasama ko si Chloe dahil ang babae ang gumawa ng business proposal at siyang namamahala sa project na yun. Hindi ko naman akalain na makikita kong sweet na sweet na nagdedate si Elize at si Lucas, katunayang nakahawak sa braso ng lalaki si Elize papasok palang sa lugar na yun. Ngani-ngani kong baklasin ang braso ng lalaki dito. Pero naisip kong wala ako sa lugar dahil wala naman kaming relasyon ng babae. Tahimik akong nagpatianod s

