Disclaimer: This book is intended for mature, adult audiences aged 18 and above. It may contain explicit scenes, language, and themes that are not suitable for younger readers. Reader discretion is advised. JAZZMINE'S POV: Nagpaalam na ako kay Anne na uuwi na at may gagawin sa bahay para lang makaiwas sa plano nitong isasama pa ako sa locker room ng players para daw ipakilala ako sa teammates ni Erwan, partikular sa lalaking kinakaasaran ko, si Jayson. Nagmamadali akong umalis ng indoor facility, kasunod ko naman ito na namimilit pa din. Pero nung makitang seryoso ako ay nagpatianod na din. Pumunta itong mag-isa sa locker room. Nagtuloy naman ako ng paglakad hanggang sa labas ng campus. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa para tingnan kung anong oras na. Napakamot ako sa ulo. Bigla kon

