Heartstrings Tangled

1107 Words
JAYSON'S POV: Napakasakit ng ulo ko paggising ko ng umagang iyon. Ang natatandaan ko ay nagpunta ko sa restobar at nagpakalasing dahil sa hayagang pambabasted sakin ni Jazzmine hindi pa man ako pumoporma. Natatandaan kong tinawagan ko ito ng tinawagan hanggang doon lang ang naaalala ko. Nasa ganun akong pag-iisip nang mabigatan ako sa bandang hita. Paglingon ko ay laking gulat ko nang bumulaga sakin ang hubad na katawan ni Chloe, nakadantay ang legs nito sakin kaya nabibigatan ako. Animo naalimpungatan ang babaeng napakurap-kurap ang mata. Bigla itong umaktong hysterical nang makita ang sariling kahubdan. "AAAHHHH!!! Ano'ng ginawa mo sakin Jayz?" nagkubli sa kumot ang babae at tila inaalala din kung ano at bakit andoon ito sa kama ko. Hindi ko matandaan kung bakit nandoon nga ang babae. Hindi ko maisip kung bakit gagalawin ko siya eh lasing na lasing nga ako dahil sa kabiguan ko kay Jazz. Hindi na nagawang kumatok ng mga magulang ko. Parang eksena sa mga teleserye na nanghilakbot ang mama ko pagkakita sa hubad kong katawan at kay Chloe na nakahubad din. "Santisima. Jayson Angeles! Anong kalokohan ito?" lumingon ito kay Chloe. "Ma, I don't know what happened. Paggising ko andito na si Cloy. Wala akong maalala, alam ko lang lasing ako kagabi." sinabunutan ko ang sarili. Umaasa akong baka may maalala kapag ginawa ko yun. Nagpulasan maging sa labas ng kwarto ang mga katulong. Nagbubulungan ang mga ito. "Ano yun, Perla may sinasabi ka ba?" usisa ni mama sa isang kasambahay. "Eh kasi po ma'am, magkasama silang dalawa kagabi tapos lasing si Sir Jayson. Nadidinig namin kagabi yung ginagawa nila. Umuungol pa nga si Ma'am Chloe." dire-diretsong sabi ng maid. Maang na nilingon nang lahat si Chloe. "Tita, tito, maniwala po kayo sakin. Hindi ko din po alam kung bakit humantong sa ganito. Tinulungan ko lang naman po si Jayz dahil sa kalasingan nya. Tapos bigla po nya kong niyakap at di na pinakawalan." nagpapaawang idinaan pa nito ang sinasabi sa pag-iyak. Doon ko napagtantong pinlano nito ang lahat dahil kanina lang ang sabi nito ay ano ang ginawa nya dito pero ang sabi naman ng katulong ay nadidinig ang ginagawa nila tapos ngayon nagbago ng statement ang dalaga. "You're crazy, Cloy! Stop your damn act! Alam mong kahit kailan ay di kita papatulan, kaya sigurado akong pinlano mo lahat ng ito!" tiim-bagang na sabi ko. Idinaan nito sa iyak ang lahat para makuha ang simpatya ng mga tao sa paligid. Lalo na ni mama. Si papa ay napahawak lang sa sentido. Nahahati ang gustong paniwalaan. "Jayson Angeles! Hindi kita pinalaking ganyan! How dare you say those words to Chloe?" dinaluhan nito si Chloe at inalo. Wala na kong nagawa nang tawagan nito ang mga magulang nang babae at pag-usapan kung kailan ang aming kasal. Sa buong pag-uusap ay tahimik lang akong nakatiim-bagang. Sukal sa loob ko ang pagpapakasal sa babae. "Tutal ay third year college palang naman ang mga anak natin. Tapusin na muna siguro nila ang pag-aaral, baka kasi magbago pa ang isip nitong si Chloe at makahanap pa siya ng iba." nadinig kong sushestyon ni papa. Medyo natuwa ako sa suggestion nito. Hindi ako kinakampihan pero binibigyan ako nito ng oras para makatakas sa kasalang ayokong maganap. Meron pa kong isa at kalahating taon, sa isip ko. Pinagwalang-bahala ko na muna ang usapin tungkol sa kasalan. Pinalis ko ang tungkol dito sa isip ko. ------ Tatlong araw ang matuling lumipas. Tatlong araw ko na din kinukulit sa text si Jazz pero hindi ito nagrereply. Kahit tawagan ko sa cellphone ay di ko makontak, mukhang pinatay nito ang cellphone nya. Madaling araw nang mapatunog ko ang cellphone nito. "Jazz, baby." panimula ko. Wala pa kong nasasabi dito ay pumalahaw ito ng iyak. Umiyak ito ng umiyak, parang pinipiga ang puso ko sa klase ng pag-iyak nito. Hinayaan ko na lang siyang kumalma muna, hindi ako nawala sa linya. Hinayaan ko siyang umiyak lang at madama nya na andun ang presensya ko kahit malayo ako sa kanya ngayon. Nang kumalma ang dalaga ay inalam ko kung nasaan siya. Nasa Baguio daw ito, kinuha ko ang address at di ako nag-aksaya ng panahon. Sumakay ako sa kotse ko dala lang ang wallet at cellphone. May baon akong damit palagi sa kotse kaya di na ko nagbitbit pa. Bumyahe ako ng anim na oras dahil sa traffic papunta dun. Alas siyete ng umaga nang makarating ako sa shared transient house na nirerentahan ni Jazz. Mukhang napuyat ito kakaiyak. Mugto ang mata nitong nagbukas sakin ng pinto. Kinabig ko agad ang babae pagkapasok ko sa pintuan. Lalo itong naiyak. Hinayaan kong umiyak siya sa dibdib ko. Inalo ko lang, tinapik tapik ko ang likod nya habang humahagulgol. Nang matapos ito ay animo nahihiyang nakayuko lang. Hindi ako nagsalita o nagtanong ng kahit na ano dito. Sapat na para sakin na andito siya ngayon at kasama ako. Mukhang antok na antok ang dalaga kaya hinayaan ko lang siyang matulog habang yakap ko. Nakaramdam siguro ito ng kapayapaan knowing that I am here for her. Nahimbing ito ng tulog. Nakatulog din ako na mukha nito ang huling nakita. --------- JAZZMINE'S POV: Paggising ko ay tanghali na. Nagising akong nasa tabi si Jayson. Nakayakap ito sakin habang nakaunan ako sa braso nya. Tumatama ang hininga nito sa mukha ko. Tinitigan kong maige ang lalaki habang tulog siya. Napakagwapo talaga nito. Ang tangos ng ilong, makapal ang kilay, mapula ang lips. Napakasarap mahalikan ng mga labing yun. Tinrace ng daliri ko ang mukha nya dahil ko napigil ang sarili ko, namiss ko siya. Hindi nagmumulat nang matang ngumiti ang binata. Pinagdikit ang noo ko at noo nya. "It seems you miss me too." tudyo nito. Hindi naman ako tumanggi dahil totoo naman yun. Tanging sa lalaking ito hindi pure s****l relationship ang pinapangarap ko. Tinanggap ko na. Tinanggap ko na sa sarili kahapon pa nang marealize kong talo ako. Nakuha nito ang puso ko na iningatan ko nang matagal na panahon. Kahit hindi ako pwedeng magmahal, kahit hindi pwedeng kami ang end game. Dahil pagmamay-ari pa din ako ni Uncle Art. Hindi ko gugustuhing mapahamak si mama sa kamay ng lalaki kapag nalaman nito na mahal ko si Jayson. He lets me play, yes. But he wants me for himself. Nobody will be allowed to be loved by me. Nobody is allowed to claim my heart. Kahit si Jayson pa yun. Ayoko naman din na mapahamak ito. Inalis ko na muna sa isip ang bagay na yun. I want to enjoy the rest of the week with Jayson Angeles. Ang lalaking player sa paningin ko, pero siya ding lalaking may hawak sa susi ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD