JAZZMINE'S POV: Ilang araw nang absent at wala man lang pasabi ang secretary ko. Hindi man lang naginform na hindi ito makakapasok, maiintindihan ko naman kung may emergency siya. Hindi ito palaabsent kaya nag-aalala ako na baka may nangyari nang masama sa babae. Hindi din nito ugali ang hindi man lang magbigay ng notice ahead of time kung may importante itong lalakadin. Ako tuloy ang nag-aasikaso ng mga bagay na may kinalaman sa kompanya, ultimo schedule ko ay ako na ang kusang gumagawa. Napabuntung-hininga na lang ako sa pinaghalong inis at pag-aalala dito. Kahit papano ay very efficient ang secretary ko at naging close na din naman kami kahit may kagagahang taglay ito minsan. Nagring ang cellphone ko. Pagtingin ko sa pangalan na nagresgister sa screen nun ay nawala ang inis ko. Si

