Jayz: The Player

1229 Words
JAZZMINE'S POV: Humahangos na dumating ang salarin. Si Jayson. Ito ang key player ng soccer team. Madaming babaeng pinaiyak ang player na ito. Guwapo kasi at galing din sa mayamang pamilya. Idagdag pang matalino din naman talaga ito. "I'm sorry miss, napalakas ang sipa ko sa bola." hinihingal pang sabi nito. Walang kibong inirapan ko lang ito at tinalikuran. Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Nadinig kong tila kinakantyawan ng mga kasama ang lalaki. "Wala ka naman p're kay miss ganda eh," "Oo nga, ginanun ka lang 'tol?!" Pakiwari ko ba ay ginaya nito ang pag-irap na ginawa ko sa binata at biglang nagtawanan ang mga ito. Dala marahil ng pangangantyaw ng mga kasama ay humabol sakin si Jayson. "Miss, sorry na. Pwede ba ilibre na lang kita ng kape para makabawi?" habol nito. Naiirita ko sa tipikal na playboy lines na ginamit nito sa kanya. Lalo kong binilisan ang lakad pero maagap ito at humarang sa aking dadaanan. "What do you want?!" naiinis na sabi ko dito. Hindi naman ito nakakibo, wari ba ay sinusuri ang buong mukha nya. Tila ito nahihipnotismo ng matitigan siyang mabuti. Yung para bang gandang-ganda ito sakin kung makatingin. Nilagpasan ko ito nang di naman kumibo. Binangga ko sa braso makaganti man lang ako sa pagkakatama nito sakin ng bola. "Miss, wait..." habol na naman nito sa kanya. "I'm sorry, ok? Di ko talaga sinasadya. Can I get your name instead? I'm Jayson, you can call me Jayz if you want." inilahad nito ang palad para makipagkamay. Nakangiting nakatitig sakin. "Jayson? Jayz, whatever your name is... wala akong pakialam kung sinadya mo yun o hindi. I don't have any business with you and Idon't want to be mingling friends with you. Ok lang ako. Di ako nasaktan. Now, leave me alone will you?!" Yun lang at iniwan ko itong tigagal sa pagtataray ko. Baka sa buong buhay nito ay noon lang ito natarayan ng isang babae. Hindi naman kasi ako interesado sa kagaya nitong player. When I myself, can be consider as one. Figuratively. Nagmadali akong pumasok sa calculus class. Medyo mahina ako sa Math in general kaya talagang isa ito sa pinakamahirap na subject para sakin. Maya-maya pa ay dumating si Jayson at napansin ako, sinadya pa ata nitong umupo sa aking tabi. "Ay naku, eto sa lahat ng upuan dito sa classroom, dito pa talaga sa tabi ko naupo." Hindi ako makapaniwala na magkaklase kami nito sa calculus. "Sa dami ng magiging kaklase ito pang lalaking ito na kuhang-kuha ang inis ko!" Calculus classroom Nagdidiscuss si Mrs. Antigua, nagtatanong ito ng mahihirap na tanong. Tahimik lang ako na nakikinig dahil hindi ako magaling sa Math. "Class, for our next problem, who among you can provide the correct derivative of this function?" (points to a complex function on the board) Pabidang nagtaas ng kamay ang lalaki. "Ma'am, may I answer?" "Yes, Jayson. Please explain to the class how you arrived at your answer." Sinimulang iexplain ni Jayson ang mahirap na process kung paano nya nakuha ang sagot. Nakakamangha ito pero nadadaig pa din talaga ng inis ko ang nararamdamang paghanga sa katalinuhang pinapakita nito. Tahimik akong nakikinig, kunwaring seryoso pero wala naman pumapasok sa isip ko dahil pseudolistening lang naman, naiirita talaga ko sa lalaki. Makalipas ang ilang minutong explanation, humahanga at bilib na bilib ang mga kaklase nila sa binata. Ako lang ata ang bukod-tanging naasar sa lalaking ito. Kahit pa kalat naman sa university na playboy ito. " Excellent explanation, Jayson. You have a deep understanding of calculus. Thank you." Ngumiti nang maluwang si Jayson saka kumindat sa katabing dalaga. "Antipatikong ito! May pakindat-kindat pang nalalaman!" inis na inis na naman ako. Bat di na lang ito napahiya para matuwa naman ako. Kaso malabo ata mangyari yun at sadyang matalino kasi ang lalaki. Yun nga lang, playboy. Natapos ang klase na wala ako naintindihan at sinisisi ko ang binata dahil mahina na nga ako sa Math, nakakadistract pa ag tila pagpapakitang-gilas nito. JAYSON'S POV: Nagulat ako pagpasok ko sa klase ni Mrs. Antigua ay makita kong nakaupo sa paborito kong upuan yung maganda pero supladang babae na tinamaan ko ng bola kaninang umaga. Nagpalipat kasi ako ng schedule para hindi tamaan yung oras ko ng pagpapractice ng football. Dahil nakaupo na ito sa gusto kong upuan, yung sa tabi na lang nito ang inokupa ko. Tahimik lang itong nakikinig sa discussion, seryosong nakatingin sa bawat isulat sa board ng professor. Napagmasdan kong maige ang maamo nitong mukha. Maamo pero may ala-tigre din atang katauhan na tinatago dahil sobrang taray naman nito sakin kanina. May itinanong na mahirap na question about sa calculus si Mrs. Antigua at ewan ba pero gusto kong magpakitang-gilas sa dalaga kaya nagtaas ako ng kamay at sumagot. Inexplain ko pa kung paano ko nakuha yun at ang tamang process para makuha ang tamang sagot. Mukha pa din uninterested ito sakin. Lalo pa ata naasar nung kindatan ko. Kung ibang babae lang yun ay baka kinilig na at nakipagclose sakin agad. Pero iba itong si Miss taray. Sabagay, kasi naman ay ubod din ito ng ganda, sexy pa. Lakas ng appeal nito sa kalalakihan. Ilang beses ko na nga itong nakikita kapag practice, may times din na nakakasalubong ko siya sa corridor malapit sa library pero nunca akong tapunan ng pansin. Dapat pa ata ako magpasalamat sa bolang sinipa ko na di sinasadyang tumama dito at kahit papano ay may impact agad ang pakikipagkilala ko dito. Yun nga lang, sablay kasi nasaktan ata ito kaya nakapagtaray. Dumiretso ako sa locker room na nakalaan para sa aming mga football player at naligo. May naririnig akong umuungol sa kabilang shower area. Di yata't may isa na naman akong kateam na nag-uwi sa locker room ng babae. Napailing na lang ako. Naisip ko ang mukha ni Miss Taray, ito kaya? Masarap kaya sa tenga madinig ang mga ungol nito pag nag-init na? Ako ang nainitan sa kalokohan kong naisip. Kakahiwalay ko lang sa girlfriend ko, babae na naman ang nasa isip ko. Kaya ako nasasabihan ng playboy eh kahit half-truth lang naman. Aba, kasalanan ko ba kung mismong mga babae na ang lumalapit at nagpapabiktimang kusa sakin? Ilan sa mga babaeng nalink sakin ang kusa na lang dumating sa buhay ko at nagfeeling girlfriend kahit walang panliligaw na nangyari. Lalaki lang ako, marupok. Lalo na kung ang babae na mismo ang gagawa ng paraan para makascore ako. Sino ba naman ako para tanggihan ang grasya? Napangiti ako sa sarili. Very challenging para sakin ang tipo ng babae na kagaya ni Miss Taray. Ganitong klase ng babae ang talagang tipo ko dahil pahirapan makuha, mas mahirap makuha ay mas masarap kaulayaw sa kama. Naimagine ko ang mukha nito habang nasa kama kasama ko. Intimate scenes run on my mind. Tila gatong na nagpaliyab lalo sa nararamdaman kong init ng katawan na laan para sa dalaga. Naging goal ko tuloy sa ngayon ang maging malapit dito soon. Saka ko na malalaman kung pangseryosohan ba ito o pangkalokohan kapag close na kami. Madali lang naman mang-iwan. Pero yung libog na nararamdaman ko dito medyo mahirap ibsan sa ngayon dahil di man lang ako makafirst base. Olats na nga agad sa pakikipagkilala palang. Dinismiss ko muna sa isipan ang malalaswang naiisip kong gawin dito. Di kasi nakakatulong at puro kalibugan na ang tumatakbo sa kukote ko. May practice game pa ako mamaya, kailangan ko magconcentrate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD