Bitbit ang isang second class na pulang bag ay nawiwili na pinagmamasdan ni Wixon ang asawang si Umica. Napapangiti siya sa galaw nitong excited habang namimili ng mga damit. But Wixon clearly knows na para sa dalawa nilang Ina ang mga hawak na nito. Masaya man ay may bahid pa rin ng lungkot ang kaniyang mga ngiti. Sapagkat habang tumatagal ay nararamdaman niyang parang ngayon na lamang nakapag-shopping sa isang mamahaling boutique ang asawa niya. That it was like his wife had been deprived. Nasa loob sila ngayon sa isa sa notadong mamahaling boutique ng Folmona. Siya man ay nakikita kung bakit ganun na lamang kamahal ang mga binebenta at naka-display sa loob ng establisyemento. The place holds its name firmly. Maging ang street na kinatitirikan ng building ay known for its first class bu

