Sa pagsisimula ng pagpupulong ay nakamasid lamang si Froso sa buong paligid, lalo na sa gawi ng iba’t ibang lider na nakapalibot sa bilog na misa. Mabilis din ang mga mata niya sa pagsusuri ng bawat bantay sa likuran ng mga ito. Bawat lider ay may pahintulot na magdala ng isang bantay. Although he was aware na walang gagawa ng masama, lalo’t narito ang bawat lider to flatter Mr. Cloud, ay hindi pa rin niya ramdam na magpka-kampanti. Especially when it involved his master's safety. Sa isang banda ay napapahilot din siya sa kaniyang sentido dahil sa nagawa niyang katangahan. Na kung ’di pa siya bahagyang siniko ng kakambal niya ay ’di niya maiisipang umupo sa tabi nito. Kaya ang naging siste ay ang boss nilang si Wixon ang nakatayo ngayon sa likuran ng silyang kinauupuan nila ni Osmond—acti

