Nang nakauwi si Umica ay agad na siyang pumasok sa kanyang silid. Wala siya sa mood at ’di na rin siya kinulit ng mga magulang niya. Nagpapasalamat naman siya dahil lagi siyang binibigyan ng space ng mga ito kahit ’di pa niya hilingin.
Matapos ayusin ang sarili ay nahiga siyang naroon pa rin sa isipan niya ang lalaking kanyang nakita sa store. Mabilis siyang tumayo at kinuha sa aparador ang unan ni Wixon. Niyakap niya iyon nang mahigpit hanggang sa nakatulog na siya.
Kinabukasan ay nagising siya at panay ang titig niya sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw at ayaw pa rin niyang lumabas sa kanyang silid. Her thoughts wandered at walang sawang sinariwa ang mga alaala nila ng nawawala niyang asawa.
“It’s been six years, Wixon . . . Nasaan ka na ba?” Malungkot ang kanyang mga mata hanggang sa nagsimula na iyong magtubig. Umica rarely cries. Simula nang mawala si Wixon ay lubos na siyang nagpapakatatag ’di lang para sa sarili niya, kun ’di maging sa dalawa niyang ina at sa may sakit na ama.
Nang mapansin niyang umiiyak na siya ay agad niya iyong pinahid. Ngunit nang muling mapadako ang tingin niya sa tatlong delicacy na nasa bedside table ng silid niya, at ang bulto ng lalaking papalayo kahapon ay ’di niya mapigilang umiyak hanggang sa napahikbi na siya.
“Ilang beses kong pinagdasal sa Panginoon na kung wala ka na talaga . . . Magparamdam ka sa ’kin kahit sa panaginip lang. Pero hindi, hindi ’yon nangyari. Dahil buhay ka pa. At umaasa pa rin ako sa pagbabalik mo, mahal ko.” Masagana pa rin ang bagsak ng kanyang mga luha habang hinahalikan ang wedding ring niya kay Wixon. ’Di man niya ito sinusuot sa palasingsingan niya ngunit ginawa naman niyang pendant ng kuwintas. Kung ’di lang sa kagustuhan ng lolo niya, ’di niya huhubarin ang singsing. Habang nakatitig dito ay isang tunog ng telepono ang muling humila sa nalulumbay niyang diwa. With blurry eyes, tinungo niya ang misa at binuksan ang kanyang bag. Kinuha ang kanyang telepono at tiningnan ang caller ID.
“Lolo . . .” bulong niya at mabilis na inayos ang sarili. Tumikhim din siya upang ayusin ang garalgal niyang boses.
“Hello po, Grandpa.” Mahina at magalang ang boses niya. Alam niyang mabilis itong nagagalit ’pag di napi-pleased. At dahil sa pagiging masunurin niyang apo rito ay naipagamot niya ang mama niya, nasustentuhan ang regular therapy ng kanyang dad, at ’di na rin sila nahihirapan sa mga bills nila. Kahit nagagalit siya dahil natuwa pa ito sa pagkawala ni Wixon ay wala naman siyang magawa.
“Umica, may gaganapin na launching ang tatlong malalaking kompanya mula district one hanggang district three ng Folmona.
It's gonna be five days from now.”
“Yes po, lolo. Ipinaalam na po sa ’kin ng assistant ko. And until now, pasensya na po at ’di ko pa rin alam kung sino ang pangatlong kumpanya. Pero natitiyak ko pa na wala ang kumpanya natin sa list. Ang Monato electronics toys lang po at Nicanto blades, maliban sa ibang inferior na mga companies outside Folmona, ” aniya habang wala sa sariling pinipisil ang hawakan ng kanyang bag. Alam niyang magagalit na naman ito. At kahit ilang beses na ay nini-nerbyos pa rin siya sa mga maaari nitong gawin sa pamilya niya.
“And, ako pa ba ang gagawa ng paraan upang mapasama tayo sa launching na ’yan?”
“I-I thought si Tito Disandro na po ang kakausap kay Davin upang mapasama ang Sares doll factory, lolo,” sabi niya. Ngunit alam na niyang sa kanya pa rin ang blame ng lahat.
“Aren’t you being stupid, Umica? Sino ba ang magiging asawa ni Davin, ’di ba ikaw? Why don't you use your dumb head at ng masimulan munang i-manipulate si Mr. Davin Monato!” Umica’s body trembled nang marinig na naman niya ulit ang suhestiyon nito gamit ang galit na boses. Alam niya ang ibig nitong sabihin sa manipulation. Na dapat na siya magpagalaw kay Davin upang pagkatiwalaan siya nito. Na gamitin niyang puhunan ang kanyang katawan tulad ng ginawa ng pinsan niyang si Michene upang maikasal sa angkan ng mga Nicanto. At ang isa pa niyang pinsan na ngayon ay fiancé na ng isa sa mga young master ng Owindo clan. Ganoon naman ang role ng mga babae sa clan nila. Maging tulay sa mundo ng ibang promeninting pamilya sa Folmona, maging sa labas nito. Na kung may tagapagmana lang ang Foltajer clan ay kalilimutan ng lolo niya ang galit sa mga ito at ipapain ang lahat ng apo nitong babae na maaari pang gawing quolateral. Tulad niya, na kung ipamigay sa Monato clan ay parang wala lang. Noong nangailangan ng malaking kapital ang lolo niya upang e-launced ang desenyo ng Tiyo Disandro niya ay siya ang naging kapalit. At unti-unti pang nawawalan iyon ng silbi dahil ’di gaanong buminta ang disenyo nitong ventured millennial dolls. Kaya ngayon ay kailangan na naman niyang magsakripisyo.
“Pero, lolo . . . Hi-hindi ko pa po ’yon kayang gawin. Alam niyo naman po na kasal pa ako kay Wi—”
“Stupida! Don't be like an unfilial child, Umica. I will give you a chance. Kung ’di mo magawang isama ang kumpanya natin as one of the guest sa launching ng tatlong malalaking company, well I don't think that your father deserve his regular therapy sa mahal na Ospital.”
“But, Lolo! Dad is also your son . . . Don't you lo—”
“Cut the crap, Umica. Isa lang ang gusto ko. Maging kapaki-pakinabang ang pamilya ninyo!” Nanlambot ang kanyang mga tuhod at para siyang nalusaw na bagay na unti-unting bumagsak sa sahig. Her mind was in chaos ngunit ’di niya magawang makaimik. Gusto niyang magwala, sumigaw at umiyak . . . ‘When was the last time I cried so hard and forgot to be strong?’ Dumapa na siya nang tuluyan sa sahig at mahigpit na hinawakan ang kanyang kuwentas.
“Bakit ang lupit ng tadhana nating dalawa, mahal ko? Wala naman tayong inapakan na ibang tao. We just wanted to be together and have a happy and simple life . . . Pero bakit gano’n? Masama ba talaga akong anak?” Nakatulala lang siyang unti-unting tumihaya at tinitigan ang pininturahang receptacle sa kisame ng silid nila ni Wixon noon. Na-renovate na ang luma nilang bahay ngunit naroon pa rin iyon. Sapagkat ikinabit nilang dalawa iyon ni Wixon. Inakit niya ito habang may hawak itong screw driver at light bulb. Kaya imbes na ilaw ang ilagay nito ay ang dulo ng screwdriver ang ikinabit, ang naging resulta ay muntik na itong malaglag sa hagdan dahil nakuryente. Dahil naman sa pagmamadali niya upang tulungan ito ay nadulas siya sa sahig at natanggal ang towel na nakatakip sa kahubaraan niya.
“Umica! Hija? Lumabas ka na at handa na ang tanghalian. Sabihin mo sa ’kin kung masama ang pakiramdam ko at tatawagin ko ang mom mo,” sabi ng biyenan niya na nasa labas ng pinto sa kanyang silid.
“Mama . . . Lalabas na po ako. Sandali lang po,” sagot niya rito at nagmamadaling nagtungo sa banyo upang maghilamos. Tinuyo niya ang kanyang mukha at naglagay ng concealer upang itago ang bahagyang pamamaga ng mata niya. Alam niyang siya ang haligi ng mga taong totoong nagmamahal sa kanya. Kaya wala siyang choice kun ’di ang maging matatag araw-araw.
Nang makita niyang ’di na gaanong halata ang maga niyang mga mata ay mabilis na siyang lumabas ng kanyang silid.
“Mami! Mama! Dada!” bulalas niya at isa-isang niyakap at hinalikan ang mga ito. Sa tuwing nakikita niya ang masaya nitong mga mukha at malalapad na ngiti ay bahagyang gumagaan at nababawasan ang bigat na kanyang dinadala.
“Anak ko, may problema ka ba?” tanong ng mami niya habang napatitig naman sa kanya ang dada at mama niya.
“Wa-wala naman po.” Yumuko siya upang itago ang nagsisimula na naman niyang mamula na mga mata.
“Is dad putting all the pressure on you again?” tanong ng dada niya na hindi naman nagkamali.
“Anak, Umica . . . ’di mo kailangan isakripisyo ang iyong sarili. I’m feeling better now. At saka ’di ko na rin kailangan ng therapist. Doing well naman ang negosyo natin. ’Di ba, hon?” Dinamay pa nito ang mami niya na walang ibang nagawa kun ’di ang ngumiti. Alam niyang lumalago ang kanilang negosyo. Ngunit sa mata at impluwensya ng kanyang lolo, isa lamang kuto sa paningin nito ang napundar nila. Isang kumpas lang ng kamay nito ay maaari iyong maglaho na parang isang bula.
“Hay naku. Kayo talaga! Syempre ayos lang po ako. May ano lang kasi . . . Kahapon po doon sa store na malapit sa company, I saw someone na katulad na katulad ang tindig kay Wi-Wixon. At ang mga pinamili niya ay tulad din ng paborito naming pagkain mag-asawa . . .” bulong niya dahilan upang malaglag ang kutsarang hawak ng kanyang biyenan.
“Linda? Linda!”
“H-ha?”
“Heto, inumin mo ’tong tubig.”
“A-ayos ka lang po ba, mama? Pa-pasensya na po sa sinabi ko. Hindi ko rin naman po sigurado. At kung siya man ’yon ay ’di niya ako tatalikuran. Sigurado akong ’di ’yon si Wixon . . .” ‘Pero sana nga ay ikaw ’yon, mahal ko . . . Wala akong pake kung nakalimutan mo na ako. Ipapaalala ko sa ’yo ang lahat.’
“Ayos lang ako, Shiela, Pandro at Umica . . . Medyo nabigla lang sa sinabi mo, anak. Hehe . . . Medyo tumatanda na nga talaga ako at nagiging emosyonal na rin," pagdadahilan nito. Ngunit alam nilang lahat higit kanino man kung gaano ito nangungulila sa anak. Kahit sabihin pang ’di nito kadugo si Wixon ay naging buhay ito ng Ginang. Kulang na lang ay ito ang magluwal. Naging pahirapan para kay Umica ang tuluyang pag galing nito dahil wala na itong nais gawin kun ’di ang mamatay matapos magising at nawawala si Wixon.
“Hayaan mo po, mama. Babalik-balik po ako roon at siguraduhin ko na makita ang mukha ng lalaking ’yon bago ako umalis.” Nginitian niya ito, dahilan kung bakit muling nagliwanag ang mukha nitong maganda.
“Pero ’wag mong iha-harass ah.”
Nagpatuloy na sila sa pagkain na nagtatawanan. Marami pa silang mga pinag-usapan ngunit umiwas na sila sa usapin na tungkol kay Wixon at mga alaala nito.
Makalipas ang isang oras ay gumayak na si Umica upang puntahan ang kumpanya ng kanilang angkan. Dahil tuluyan ng nasira ang kotse nila, at ’di naman niya tinanggap ang kotse na gift sa kanya ni Davin ay sumasakay lang siya sa public transport. Nakikipag siksikan sa ibang mga mananakay at nababastos ng ilang beses. Makailang ulit na rin siyang nanapak ng mga bastos, at protektado na rin siya ngayon lalo’t kakilala na niya ang driver at konduktor ng bus na palagi niyang sinasakyan.
Habang nag-aabang sa gilid ng daan ay tumunog bigla ang cellphone niya.
“Tito Disandro? Ano na naman kaya ang pakay nito?” Tinanggap niya ang tawag at inilagay ang phone sa speaker mode.
“Umica! Bakit wala pa rin tayo sa list ng upcoming launched ng triad dito sa Folmona?” Malakas ang boses nito at halatang galit na galit.
“Tito, you told me na ikaw ang bahala ’di ba?”
“Para saan pa at naging assistant kita kun ’di ka rin lang naman mapapakinabangan!” Kuyom ang kanyang kamao nang narinig niya ang sinabi nito. Pakiramdam niya ay isa lamang talagang kasangkapan ang tingin ng mga ito sa kanya. Alam niyang plano ng Tito Disandro niya na ipaglapit ang anak nitong si Katleah na nineteen years old pa lang kay Davin. At sa paraan ng pagtawag nito sa kanya ngayon ay alam niyang ’di iyon umubra.
“Pupunta rito si Davin ilang oras mula ngayon. So you better be here bago kita alisan ng pwesto rito sa kumpanya!” Pinatay na nito ang kabilang linya kaya wala na siyang nagawa kun ’di ang huminga nang malalim.