Chapter 3 - Pure Intrigue

1247 Words
JACE’S POV   Distracted ako sa buong klase kanina dahil sa kakatanaw kay weird girl mula sa bintana. Nakakaaliw kasi siya. May pa irap-irap pa at pagpapalaki pa ng mga mata... Parang tanga lang. Akala ata niya ay matatakot ako sa kanya dahil isa daw siyang "witch".  Well, that's bullshit. Witches don't exist. I mean, I think they're just a bunch of weirdos. Siguro, isa siyang loner, at hindi pa siguro na experience ang maligawan. Hindi naman kasi kaligaw-ligaw eh.  We'll see kung papalag siya sa charms ko... "Seriously dude, kung ano man ang iniisip mo, wag mo nang ituloy yan." Nagulat ako sa seryosong tugon ni Zeus habang ngumunguya ng fried chicken. "Kilala mo na talaga ako, 'no?" I grinned at him. "Of course. Memorize na kita, from your thoughts to your pancreas." he nonchalantly replied. Lunchtime ngayon at naka pwesto kami sa usual table namin. Parang lahat na ata ng estudyante sa university na ito ay understood na na nakareserba itong isa sa mga popular tables na ‘to sa aming tatlo nina Marcus at Zeus. Well, apat na ngayon dahil part na rin ng barkada namin si Angel. Both guys like her as a friend kaya itinuturing na rin namin siyang one of us. "Wait, hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo. Sinong babae naman ba iyan,Jace? One at a time lang, bro." Marcus joined the conversation after pulling out his AirPods. "Papano mo naman maintindihan eh nagmu-mumusic ka diyan?" binara siya ni Zeus. Among the three of us, si Marcus iyong pinakabaduy and slow. Si Zeus naman ang pinakamatalino at cool lang, at yung tinatawag nila na magandang lalaki. Ako naman ang mukhang bad boy daw, at ang pinakasuplado at madaling mairita, generally. Sa umpisa lang marunong magpakilig but when I get the girl, walang ng thrill. Boring na.  I don't know why maikli yung temper ko, most especially sa mga babaeng pabebe. Hindi ko maintindihan kung papano sila matitiis ng mga lalaking in love sa kanila. Ewan ko ba kung bakit ganun ako. Obsessed ako sa kakatikim ng iba't ibang klase ng girls. Parang ang sarap kasi sa ego na ang dami mong naging ex, and you have experimented on every kind of them. Pero hanggang tikim lang ako because when girls start to fall in love, they become crazy. Sasakalin ka nila. They will mess your head up with their female bullshits at ikokontrol nila iyong time mo, iyong privacy mo and everything. I just want to have fun, and so far, sina Rosa at Maria, the bombshell twins are my favorite exes. Yes, pinagsabay ko sila. And it was fun! Lalo na sa kama. Not until they fell in love with me. Double trouble! "And what are you guys talking about?" Finally, natapos na ring umorder si Angel. Parang halos isang oras ata siya sa counter eh kaunti lang naman na ang nakapila. Napatingin ako sa plato niya. Tunguna. Chicken nuggets lang naman pala. And take note? Everyday order niya yan. Yan siguro ang sikreto niya kung bakit siya maganda at sexy? Ipakain ko kaya kay Pepsi? At bakit ko naman naisip si weirdo? "Di ka ba nagsasawa sa chicken nuggets babe?" tanong ko. She crossed her legs and started biting off the chicken nuggets, and then she licked it off her lips. Damn girl. Napausod tuloy ako ng mas malapit sa kanya while extending my arms behind her at pasimpleng dinampi yung ilong ko sa gilid ng leeg niya. "You smell really good, babe." Pasimpleng bulong ko sa tenga niya. Nabitawan niya ang nugget at nagblush. May kiliti kasi siya sa tainga. "Babe please, mamaya lang..." she whispered back sabay kapit sa inner thigh ko...which made me heave a sigh.  At biglang may tumikhim. "Pwede ba mamaya na iyang landian? At dun nga kayo sa Sogo!" tugon ni Zeus sabay kuha ng isang nugget. No wait. Last nugget. Lumaki ang mga mata ni Angel. "What the hell, Zeus. Ba't ba lahat ng pagkain ko ay inuubos mo?" Parang pwede nang pumasok ang buong ref namin sa bahay sa ilong nito na lumaki sa inis. "Lahat ng pagkain? Eh nuggets lang naman iyan." At nag umpisa na silang magbangayan habang si Marcus naman ay busy sa kakachat sa messenger sa bagong gf naman niya siguro. Katulad ko ay hindi rin ito nawawalan ng babae. Oo, si Angel ang main b***h ko and I really like her...a lot. But I know myself better. Magsasawa rin ako sa kanya. Napatigil ako sa pag-iisip nang mahagip ng mga mata ko sa pintuan ang dumaan na si Pepsi. Wait, siya ba talaga yun? Basta mahaba ang buhok at naka-itim. "Wait, CR lang ako." I excused myself. "Are you sure? Kaka-CR mo lang a while ago." Naniningkit ang mga mata ni Angel. I'm sure she was thinking na baka tatakas na naman ako para makipaglandian sa ibang babae. One of the things that I hate about girls is...their subtle FBI skills. Daig pa iyong bodyguard kung makabantay. "Kape ang ininom ko. It has cholinergic effects sa body that increases our bodily secretions, and lahat ng activities ng organs from the waist below. So nakakaihi talaga 'tong Nescafe." Napatunganga nalang si Angel sa palusot ko. My dad is a doctor so may idea ako sa mga medical terms. "Okay, babe. Basta bumalik ka kaagad." I smiled and hurriedly left the canteen to search for that weird girl. Ang sabi kasi daw ni Marcus ay mahirap hagilapin ito. Biglang mawawala, kasi daw may teleportation powers. The f**k lang? Tumakbo ako at nagpalinga-linga. Hindi pa yun dapat nakakalayo. Nakita ko siyang naglalakad sa hallway papalabas ng building. I smirked at pasimple siyang sinundan. My eyes raked her body. Maganda sana siya pag nakatalikod. Parang Liza Soberano lang pero kapag nakaharap ay si Kakai Bautista pala. Kidding. Hindi naman siya ganun kapangit. Siguro. Her face is fully covered with face power, so how would I know, 'di ba? Parang inubos iyong stock sa Market Market at binudbod sa mukha niya. Oh s**t. Look at that ass. Kahit nakapalda ay makikita mong maganda ang hubog ng pwet niya. I was still enjoying the view nang bigla siyang napalingon. Naramdaman ata niya na may nakatingin sa kanya. "Hi, Pepsi." I greeted her. Tinaasan niya lang ako ng kilay as a response. Tapos hinagod niya ng tingin ang buong katawan ko with desire in her eyes... She's obviously attracted to me. Ang lakas kaya ng s*x appeal ko, sabi nila. Kung mag-eeffort lang ako ay matitikman ko rin ito, and I'll become even more popular for taming the witch. I can't help but notice those curious and terrified glances of students passing by, na tila sila pa yung natatakot para sa’kin. "You done checking me out?" I teased her. For a second, parang nabigla ito. Pero hindi siya nagsalita. "Bingi ka ba?" tanong ko. Poker face lang siya, and I'm starting to get irritated... "Hindi ka ba marunong magsalita?"  Again, parang tanga lang ito na nakatayo sa gitna ng daan at nakatingin sa’kin na parang wala lang. Bad breath siguro? Hindi nakatoothbrush kanina? Or kumain ng bagoong?  Let's find out. I stepped closer to her, yumuko at kunyaring hahalikan siya. Hala, di natinag mga dude! Lakas ni ateng! Tinitigan ko siya. "Maganda ka rin pala sa malapitan, 'no?" Siyempre joke lang. Ang pangit kaya niya. Mukha talaga siyang mangkukulam. Kamukha niyang yung madre sa The Conjuring 2. Pero infairness her brownish eyes are...something. Medyo nakakalunod. Parang nagulat siya sa papuri ko. She stepped back, and I smiled. Kaunting effort lang at mababasag din ang defenses niya.  Bakit kasi ngayon ko lang siya napansin kung kailan graduating na kami? What she did next had caught me off guard.  She leaned in and whispered to my ears, "You don't look bad yourself, baby boy." Fuck, her voice is sexy. Bigla nalang nag-init ang buong katawan ko...                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD