Ronoel KAAGAD KONG pinara ang napadaan na jeep sa tapat ko. Mabuti na lamang ay nahabol ako ni Glodie kaya nakasakay rin s'ya. "Grabe ka naman Besh. Matapos mo akong dalhin d'un sa Park ay basta mo na lang akong iiwan?" Nagtatampo n'yang wika. Nakonsensya naman ako dahil hingal na hingal s'ya. Marahil ay tumakbo s'ya para mahabol ako. Malalaki kasi ang hakbang ko kanina. Hindi nga ako nakaramdam ng pagod. "S-sorry, inaantok na kasi ako. 'Di ko namalayan na sobrang bilis pala ng lakad ko," pagsisinungaling ko. Nagbaba ako ng tingin upang hindi n'ya makita ang luhang namumuo sa aking mga mata. "Naku besh, nakita ko naman na nand'on si Bryson sa restaurant kanina. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang masayang mukha ni Bryson habang kausap ang babae na katabi n'ya," aniya. Matalas talaga

