Amber Pov
Nagising ako nang marinig ko ang malakas na katok sa pintuan ng kuwarto ni Phil na ngayon ay kuwarto ko na rin. Mabilis akong bumangon sa kama para buksan ang pintuan. Ang katulong na si Carmen ang nakita kong nasa labas ng silid na naghihintay sa akin habang nakasimangot ang mukha. Tumaas ang kanyang mga kilay matapos suyurin ng tingin ang aking kabuuan.
"Kanina pa naghihintay sa'yo ang mga amo namin tapos natutulog ka lang pala," masungit niyang sabi sa akin. Obvious kasi na kagigising ko lang dahil buhaghag ang aking buhok at siguro ay halata rin sa aking mukha.
Pagkatapos kong mag-ayos ng aking mga damit sa closet ay naisipan kong maligo habang naghihintay ako na balikan ni Phil. Ngunit pagkatapos kong maligo ay bigla akong nakaramdam ng antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip kung tama ba ang naging desisyon kong ito. Nakatulog ako nang hindi nagsusuklay kaya buhaghag pa ang aking buhok.
"Nakatulog ako after kong maligo kanina. Inantok kasi dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Alam mo na, newlywed pa lamang kami ni Phil kaya masyado pa kaming sabik sa isa't isa," nakangiting sagot ko sa kanya. Gusto kong iparating kay Carmen na asawa na ako ni Phil kaya dapat ay igalang din niya ako at hindi niya ako dapat sungitan dahil boss na rin niya ako. Kahit mag-asawa lang kami ni Phil sa papel ay asawa pa rin niya ako sa mata ng mga tao. Kaya sa loob ng anim na buwan ay amo rin ako sa bahay na ito at hindi isang guest.
"Unang araw mo pa lamang ngayon sa bahay na ito kaya dapat nagpapa-impress ka sa mga taong nakatira rito lalong-lalo na sa tita ni Sir Phil," nakasimangot pa rin ang mukha na sagot sa akin ni Carmen. Naisip ko tuloy kung ganito ba ang mga kasambahay ni Phil? Kung kausapin niya ako ay parang unang araw ko ngayon bilang katulong sa bahay na ito. Nakakainis ang tila panenermon niya sa akin.
"Hindi ko kailangang magpa-impress kay Tita Aloha, Carmen. Hindi naman ako nagpunta rito para magtrabaho bilang kasambahay. I am Phil's wife, okay?" panunupla ko sa kanya. Baka iniisip niya na kaya niya akong apihin. Well, nagkakamali siya. Dahil hindi magpapaapi si Amber Pauline Cruz.
Sa halip na sagutin ako ay tinapunan lamang niya ako ng matalim na tingin pagkatapos ay naunang naglakad sa akin habang bumubulong. "Tingnan ko lang kung magtagal ka rito," narinig kong bulong ni Carmen. Mahina lamang ang kanyang boses ngunit umabot pa rin sa aking pandinig ang kanyang sinabi o baka sadyang ipinarinig niya sa akin iyon.
"Carmen," tawag ko sa pangalan niya. Nakasimangot na huminto siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Bakit?" tila pagalit na tanong niya sa akin.
Hinintay ko muna na makalapit ako sa kanya bago ko siya sinagot. "Nakalimutan kong sabihin sa'yo kanina na nanghihila ako ng dila ng taong kinaiinisan ko at mga taong matalas ang dila," nakangiting sagot ko sa kanya ngunit may bahagyang diin ang aking pagsasalita. Bahagyang napalunok ang babae kaya natitiyak ko na nakarating sa kanya ang mensahe na nais kong iparating. Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang mga salitang iyon ay iniwan ko siya at nauna na ako sa paglalakad sa kanya. Ngunit bigla akong napahinto at natigilan, pagkatapos ay nilingon ko si Carmen na nakasunod sa aking likuran. "Nakalimutan ko ang daan papunta sa sala kaya mauna ka na pala sa akin," nakangiting kausap ko sa kanya.
Nakita ko ang muling pagsimangot ni Carmen nang marinig ang sinabi ko ngunit hindi na siya nagsalita. Marahil ay natakot siya na totohanin ko ang aking sinabi kanina kaya sinimangutan na lamang niya ako. Hindi ko n siya sinita sa kanyang ginagawang pagsimangot sa akin. Wala akong pakialam kahit na simangutan niya ako ng buong araw basta huwag ko lamang maririnig na sinusungitan niya ako na parang isang katulad niya ang tingin niya sa akin.
Hindi naman mababa ang tingin ko sa mga katulad niyang nagtatrabaho bilang kasambahay dahil alam ko kung gaano kahirap ang ibang mga gawaing-bahay. Gumagawa rin kasi ako ng gawaing-bahay sa bahay ng aking stepfather. Ang ayoko lang ay iyong tatratuhin niya ako ng hindi maganda kahit na sa pagkakaalam niya ay asawa ako ng kanyang amo.
Habang naglalakad kami papunta sa dining area ay naisip ko na kailangan ko nga ng mapa nang buong bahay dahil ngayon ay sigurado ako na maliligaw nga ako sa loob ng bahay.
"What took you so long to come out, Amber? Kanina mo pa pinaghihintay ang pagkain," may halong inis ang boses na tanong kaagad sa akin ng tita ni Phil pagkarating ko sa loob ng dining area.
"Sorry po, Tita Aloha. Nakatulog kasi ako dahil sa pagod," agad kong paumanhin sa kanya. "At saka malayo po ang nilakad ko mula sa kuwarto ni Uriel papunta rito sa dining area. Pero kung may service akong bike ay tiyak na ilang minuto lamang ay narito na ako. Ngunit iyan ay kung hindi ako maliligaw papunta rito," nakangiwing sagot ko sa Tita ni Budoy.
"Nasa loob ka ng bahay kaya paano ka magkakaroon ng service rito?" nanlalaki ang mga mata na tanong niya sa akin.
"Tama nga na iyang usapan at kumain na tayo. Masama ang pinaghihintay ang pagkain," mabilis na awat ni Phil sa pag-uusap namin ng kanyang tiyahin.
"Yes, Dad," mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay anak niya kami ni Tita Aloha. Para kasi siyang ama na sumasaway sa kanyang dalawang anak na nagkakainisan.
Alam ko na narinig ni Phil ang sinabi ko dahil naningkit ang kanyang mga mata sa pagkakatingin sa akin ngunit hindi na lamang siya nagsalita. Isang matamis na ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya bago ako naupo sa bakanteng upuan sa kanyang kanang bahagi.
"Hindi ka puwedeng maupo diyan, Amber," sabi sa akin ng isang babaeng maganda na sa tingin ko ay ilang taon lamang ang tanda sa akin. Hindi ko siya nakita kanina pagdating namin kaya hindi ko siya kilala.
"Bakit naman hindi?" nagtataka kong tanong sa kanya. Meron bang may-ari sa inuupuan kong mesa kaya hindi ako maaaring maupo rito?
"She can sit wherever she want because she's my wife, Karen," mabilis na kontra ni Phil sa sinabi ng babaeng Karen pala ang pangalan.
"I'm sorry. Bigla ko kasing naalala si Lolo dahil iyan ang puwesto niya. At alam naman nating lahat na ayaw niyang may ibang tao na umuupo sa kanyang puwesto," ani Karen sa nahihiyang boses. Bahagya pa siyang napayuko para itago ang pagkapahiya sa harapan ng lahat. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang relasyon niya kay Phil dahil tinawag niyang lolo ang lolo ng lalaki. Apo rin ba siya ni Don Fidel? Akala ko ba walang apo na babae si Lolo Fidel?
"It's okay. Puwede naman akong lumipat at maupo sa ibang puwesto," sabi ko naman. Akmang tatayo na sana ako sa kinauupuan ko nang bigla akong pigilan ni Phil sa aking braso.
"Stay there. From now on, that seat will be your seat when we are eating," aniya sa akin. Napapahugot na lamang ako ng sekretong buntong-hininga. Wala pa akong isang araw sa bahay ni Phil pero pakiramdam ko ay parang nasasakal na ako. Hindi ako makahinga. Paano kaya ako makakatagal ng isang buwan sa ganitong setup?